Kabanata 25

77 5 0
                                    

Kabanata 25

Sakay

"Musta kagabi?" Tanong ni Chels sa akin.

"Ayon. Happy lang hehe." Totoo naman, happy lang.


"Alam mo ba kung sinong nakasayaw ni Grace kagabi? Ayaw naman magsabi nun."


"Shh ka lang ha? Pero tingin ko si Kuya Cal!"


"What?!---"

"Shh! Wag ka maingay ayan lang si Grace sa likod." Pag tingin naming dalawa ay kinuha ni Grace ang cellphone niya at lumayo.


"Ano pala sabi ni Lance? Hindi kita masyadong naintindihan kagabi."


"Ahm.. titigil na nga daw siya sa panliligaw.." at muli kong ini-kwento ang nangyari kagabi.

"Kaya pala hindi dumada-moves! Kinuha pa first-- andyan pala si Lance."  Inginuso nito ang nasa gilid ko kaya sa gulat ko ay napatayo ako bigla.


"Nakakainis ka na ha!" Inis ko na sabi kay Yelo. Kanina pa niya ikini-kwento ang nangyari kagabi na parang hindi ko alam ang mga nangyari. Andito lang kami sa labas ng room.


"Baka kasi makalimutan mo--"


Hinampas ko siya kaya napa 'aray' ito kaya nag peace sign ako. Kasalanan naman niya yun eh! *pout*

"Tss."


"Alam mo para kang ahas." Puna ko sa kaniya.


"Ikaw pato."


"Anong sabi mo?!"


"Pato." Binagalan pa nito ang sinabi at nung hahampasin ko na siya ay kumaripas ito ng takbo. Asar yun ah!

"Oh, eh, bakit nakangiti ka kung naiinis ka?" Tinaasan ng kilay ni Chelsea si Grace kaya qgad akong lumapit.

"Anong hindi naman--" pinutol ko ang sasabihin ni Grace.

"Iniisip niya si kuya Cal!"  Singit ko kaya sinamaan ako ng tingin ni Grace.


Ayaw pa niya aamin na gusto niya si Kuya Cal!

Isa siyang ipot. Este pakipot. Tunog ipot din naman diba?


"Psh." Padabog itong umupo at kumuha ng libro.

"Ano na?" Untag ni Chels sa akin kaya muli akong humarap sa kaniya.


"Ang kulit mo naman Chels!" At kwinento ko na naman. Nababanggit ko si Grace tapos puro siya 'tss'.


"Edi wag!" Tinalikuran ako nito. Napanguso na lang ako saka humarap kay Grace.



Magsasalita pa sana ako ng may tumawag sa akin.

"Ano na naman?!" Magkasalubong na ang kilay ko ng sinenyasan ako na uuwi na kami. Ang bilis naman?


Sumama na din ako at iniwan na yung dalawa doon. Uwian na nga, half day lang ay?


"Bye!" Paalam ni Grace na agad kaming tinalikuran. Hmp.

"San tayo pupunta?" Tanong ko kay Yelo.


"Date."


--

"Ang sakit na ng paa ko!" Pagmamaktol ko sa kaniya at dumiretso doon sa isang bench.

"Malayo pa nga." Nagulat ako ng biglang umupo ito sa harapan ko.


"Anong gagawin mo?" Kinakabahan kong tanong. Magpapaunahan kami tumakbo? Masakit na nga sabi yung paa ko-- "sakay."


"Nasaan? Wala ngang nadaan na sasakyan-"


"Dito sa likod ko."


"E-eh mabigat ako!"


Hindi ko nga alam kung nasaan kami pero iniwan niya yung sasakyan doon sa labas. Madaming tao dito eh, tapos hindi ko talaga alam kung saan ako dinadala nitong isang ito. Ililigaw niya ba ako?! Isusumbong ko talaga siya kay Martinez!


"Leira!"


"A-ano!?!"


"Sakay na."


"Wahhhhhhhh!" Irit ko nung umangat ako at napahigpit ang hawak ko sa leeg ni Yelo.


"Wag mo a-ako sakalin!"


Niluwagan ko naman ang hawak ko sa leeg niya saka sumandal sa balikat niya habang nakatingin sa kalsada.


"Hindi ka ba napapagod?" Tanong ko sa kaniya.

"Hindi."


"Hindi ka ba nabibigatan?"


"Hindi rin."


"Hindi ka ba-"


"Hindi ako mapapagod sayo, okay?"

Natahimik na ako at napatingin sa naka side-view niyang muka.

"Ang gwapo." Sambit ko kaya napatigil sa paglalakad si Yelo. "A-ahm.. I mean nung lalaki!" Turo ko doon sa puno. Aish! Ano ba yan, Leira?!

"Ako lang naman ang lalaki dito."


"Hoy hindi ah!" Iwas ko.

"Tss. Ayaw mo pang aminin."


"Hindi naman talaga, ayun oh!" Kahit natatanga na ako ay itinuro ko yung matanda sa kalayuan.


"Tss."


Hindi na ako nagsalita at itinikom ang bibig ko ng ibaba niya ako.


"Wow." Manghang sabi ko. Nasa tabing dagat kami, nasaan kaya kami?

'Tanga, edi nasa tabing dagat!' Sabi ng isip ko pero umiling ako.


Ang ganda dito. Gusto ko magpakasal dito.


"Maganda noh?" Sabi nito. Akala ko katulad nung sa mga story na sa akin nakatingin pero doon siya nakatingin sa dagat.


"Oo.." sagot ko.


Napasinghap ako ng bigla akong akbayan nito. Ilang sigundo lang itinagal noon ng pumunta siya sa likod ko. Nanlaki ang mga mata ko ng yakapin niya ako.


"A-ano bang ginagawa mo?" Tanong ko nung isandal niya ang baba niya sa balikat ko.


Lumakas ang simoy ng hangin at ang mga alon ay ang gandang tignan.

"Bakit ba ang slow mo?"


"Anong slow? Wala nga akong ginagawa eh!"


"Tss."


Tumagal na ganon ang posisyon namin ay kumalas siya sa yakap niya.


"Tara na, ihahatid na kita."

Napatingin ako kay Yelo, bakit ba wala akong maramdaman?

Na fi-feel meron.

Let me down slowly (Chasing series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon