Kabanata 18

71 6 0
                                    

Kabanata 18

Bestfriend?

"Napapagod na ako." Reklamo ko kay Yelo na mahigpit ang hawak sa aking kamay. Muka ba talaga akong tatakas sa kaniya?

Napairap na lang ako ng hindi siya magsalita. Nakasimangot lang na sumusunod sa amin si Martinez, sumunod siya.

"Yuhoo, Yelo!" Tawag ko sa kaniya, tinignan naman ako nito.


Mamaya pepektusan ko na ito.

"Uwi na tayo." Napanganga ako sa sinabi niya at inis ko siyang hinampas. "Aray."

"Aray mo muka mo, mag date kayong dalawa!" Inis kong sabi at iniwan sila doon. Nakakagigil!

Kung alam mo lang na ang second date ko ay magiging ganito, sana ginulo ko na lamang sila Grace. Aalis naman kasi kami eh, hindi pa din kami tapos sa crush list namin. Hmp, nakakabadtrip naman ang dalawang iyon.

Diba nga ang date kailangan masaya? Eh, yung kanila naman nagbabangayan pa. Nag aaway pa sa bayad, kaya ang nauuwi ako ang nagbabayad. Ang la-laking tao, nag aaway pa. Ano ako, babysitter!? No way, hmp.

Malalaki ang hakbang ko habang tinatawagan ko si Manong na sunduin na lamang ako. Nakakailang ring pa lamang ng may humablot ng cellphone ko.


"Ano ba?" Reklamo ko, nakasunod pala itong dalawang asungot sa akin. Hawak hawak ni Martinez ang cellphone ko at kinakausap na si manong na wag akong sunduin. Maloloka ako. Help meeeee.

"Hindi pa tapos." Ani Yelo.

"Tapos na." Gigil na sabi ko, kanina pa ako nagtitimpi. Isa pa lang ang napupuntahan namin pero "ako ang nag bayad!"


"Inagaw mo eh." Sinamaan ko ng tingin si Martinez sa sinabi niya.


"Eh, pati ba naman pagbabayad pinag aawayan niyo!" Inis na sabi ko.


"Eh kase naman."


Hindi ko na lamang sila pinansin at mas lalo kong naitirik ang mata ko nung nag aaway na naman sila kung saan kami pupunta. Hm, saan ba maganda pumunta?

Nakapamewang ako'ng sumusunod sa dalawang ito na nag aaway pa din. Napailing iling na lang ako saka inisip kung saan pa ba pwedeng pumunta.


"Ahuh!" Napatingin sila pareho sa akin pero nginisihan ko lang sila. Agad kong sinabi kung saan kami pupunta at pareho silang napanganga sa akin.

--

"What the fuck?"

"Ano namang gagawin dito?"


"Dito kayo mag away." Nakangiting sabi ko, pero nang aasar ako.


Saan nga ba kami pumunta? Sa sementeryo. Baka kase bigla na lamang silang mag away at mag patayan kaya mas maganda kung deretso na. Ako na bahala mag baon sa kanila. Sinamaan lang ako pareho ng dalawa kaya mas lalong tumaas ang kilay ko.

Sarap nilang asarin pero hindi sila masarap.

"Seriously?" Nakita ko ang pagrereklamo sa mga mata ni Martinez.

"May naisip na ba kayo?" Tanong ko, hindi siya pinapansin.


"Oo." Nakangising sagot ni Yelo at Martinez.

--


"Playground!?" Inis kong saad nung makita ko kung saan ako dinala ng dalawang galunggong--- este gunggong.


"Isip-bata ka naman eh."


Parehas ko silang sinipa sa binti at nakangusong umupo sa may bench. Tinawanan lang ako ng dalawa at pinag gitnaan ako. Umirap lang ako ng magsimula na naman silang mag away.

"Isang oras." Sagad na ang pasensya ko. Parehas silang tumingin sa akin na nagtataka. "Bigyan niyo ako ng katahimikan! Mas maingay pa kayo sa akin eh." Suway ko.


Nung tumahimik sila pareho ay nagsimula na akong magkwento ng magkwento. Nakatingin lang sila sa akin kaya naman tinuloy tuloy ko ang kwento ko. Sinasabi ko sa kanila yung mga ginawa kong pagtakas na alam na naman ni Yelo pero nakikinig pa din sa akin.

Nung pagod na ang bibib ko na kanina pa buka ng buka ay ngumiti na lamang ako.


"Kaya mo kami pinatahimik para magkwento ka?" Iling iling na sabi ni Martinez.

"Oo, nalampasan ko na din naman kayo." Proud ko na sagot na halata namang hindi nila naintindihan.


"Ano?"


"Kalahating oras lang kayo mag away, ako isang oras magkwento. Na beat ko kayo!" Tuwang tuwa na sabi ko.


"Seriously?" Ulit na sabi ni Martinez.


Inirapan ko na lamang siya. "Ilibre niyo na lamang ako ng ice-cream."


Muli akong napairap ng parehas silang tumango at tumayo. Kahit sa malayo, parang naririnig ko na ang mga boses nila. Manliligaw ko ba ang mga isip bata na yan?


Seriously?


Ayan napa-gaya na tuloy ako kay Martinez na mukang 'seriously'. Napailing iling na lang ako ng may mga pares ng sapatos ang nasa harapan ko.

Nag angat agad ako ng tingin at muntik na akong malaglag sa kinauupuan ko kahit na may sandalan pa ang bench na ito. Malamang, maglalagay ba sila ng walang sandalan rito?

Nanlalaki ang mata ko na nakatingin pa din sa kaniya ngayon, masyado siyang nag iba. Mas lalo siyang nag matured hindi katulad noon na parehas pa kaming inaapi. Oo, muka kasi siyang uhugin noon hehe.


Tumangkad din siya, at mas lalong naging moreno. Huhu, so gwapo. Hihingiin ko ang number nito mamaya at ilalagay ko sa crush list ko. Mariin kong ipinikit ang mata ko kahit muka akong shunga sa harapan niya.


"Bestfriend." Kahit ayaw kong imulat ang mata ko ay ginawa ko pa din at hinarap siya. Hindi eh, galit ako sa kaniya. Iniwan niya ako eh, nung araw na nakilala ko si Chelsea ay nung araw na iniwan niya ako.

Iniwan niya ako na hindi man lang nagpapaalam, galit ako.


"Gian." Mapait kong sabi, lasang ampalaya.

Mahilig ako sa gulay, eh?

Let me down slowly (Chasing series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon