Kabanata 16

80 6 0
                                        

Kabanata 16

Slow

Tahimik lang kaming kumakain, kami lang. Hindi katulad nina Kuya Cal at Grace na parang may sariling mundo.


"Pwede bang tumahimik kayo?" Suway ni Chelsea


"Kase--" hindi pa naitutuloy ni kuya Cal ang sasabihin niya ng unahan ito ni Grace



"Ingay mo"


"Gusto kong mangligaw" biglang sabi ni Lance na nakapagpatahimik sa aming lahat, parang may anghel na dumaan at kahit isang salita ay walang lumalabas sa bibig ko.


Biglang tumayo yung tatlo at iniwan ako kasama si Lance.


"Eh?" Tanging nasagot ko na lang habang pilit ipinapasok sa kukote ko ang sinabi niya.


"Hindi naman ako nagpapaalam, sinasabi ko lang para aware ka." napatanga na lang ako sa sinabi niya


Bahagya akong napailing "Pwede mo bang ulitin?" Tanong ko


Ngumiti si Yelo na nang aasar, "Akin ka na lang?"


Bigla akong bumalik sa huwisyo, "Ah oo narinig ko na." Paglilihis ko sa usapan


Sisipain ko ito sa ilalim ng mesa, kanina sinasabi lang na mangliligaw siya pero ngayon inaangkin na ako. Nagmemelt na ako..


"Good, naunahan ko din siya" masama ang tingin ko kay Yelo pag kasabi niya


"Ano to? Car race?" Hindi makapaniwalang tanong ko, I'll kick his balls!


Tumawa ito, "Hindi, lumalaban lang ng patas"


"Bakit, may laro ba kayo?" Tanga kong tanong, malamang lumalaban daw eh!


"Wala. Dapat lang na alam niya kung kanino ka dapat."


"May sinasabi kaba?" Tanong ko


"Wala" nakangiti niyang sagot


"Akala ko ba friends tayo" seryoso kong saad habang nakatingin sa kaniya na umiinom ngayon ng tubig


Ibinaba nito ang baso niya at tumayo at tumingin ng deretso sa akin, "Kahit maging mag kaibigan tayo, mahigit pa doon ang mangyayari." Nakapamulsa itong umalis sa kusina at iniwan akong nakatanga doon


Tatayo na sana ako ng magsipasukan ang dalawa kong kaibigan at si Kuya Cal.


Anong ibigsabihin niya? Mahigit pa sa kaibigan? Hindi ko naman siya sinasagot ah. Kakausapin ko nga mamaya si Yelo!


"Anong nangyari?" Tanong ni Grace sa akin


Pinilit kong ngumiti, "hehe, manliligaw daw siya"


Biglang nag apir ang dalawa at tumingin sa akin, "Anong sabi mo? "


"Eh?" Yan naman talaga ang sagot ko


"What!?" Sigaw nila pareho


Huhu, papagalitan na naman nila ako!


"Napaka OA niyo, para 'eh'" ginaya pa ni kuya Cal ang salita ko "lang naman, magsiuwi na kayo" pagtataboy niya kaya natawa bigla ako

Biglang hinampas ni Grace si Kuya Cal kaya hinila na ako ni Chelsea.

"Umuwi na si Lance" imporma nito sa akin saka hinila ako papaupo


Grabe sa panghihila si Chelsea sa akin, parang bata hmp. Hehe, hindi naman ako bata, siya lang talaga.



"Bakit umuwi agad?" Takang tanong ko

Pinanlakihan ako ng mata, "sagutin mo ba naman ng 'Eh?'" Sabay umirap ito

Napanguso na lang ako umiwas ng tingin, "Sabi niya naunahan niya na daw, tapos tinanong ko kung car race ba iyon..." nung tinignan ko si Chelsea ay namumula na ito. "Chelsea naman!" Reklamo ko sa kaniya

"Epic kang chismosa ka!" Iniwanan ako nito na tumatawa


Nung tumayo ako ay pumasok sina Mommy at Daddy.


"Mom!" Bati ko

"Nanliligaw na pala sayo si Lance." Bungad nito

Dahan dahan akong tumango, "opo."


"Good for you then" nakangiti nitong sabi at nilampasan ako


Lumapit naman si Daddy sa akin, "May isa pa"

Kahit naguguluhan ako sa sinabi niya ay tumango na lamang ako. Lumabas na din si Chelsea at Grace galing sa kusina. Si Chelsea na nakataas ang kilay habang si Grace naman ay nakakunot ang noo.


"Uuna na kami" paalam nila sa akin

"Okay, ingat" bumeso ako kay Chelsea at nangingiting bumeso kay Grace at saka bumulong "The more you hate, the more you love"


Natawa na lang ako ng inis na naunang lumabas si Grace at  umalis na ang dalawa.  Akala ko masaya na ang hapon ko ng biglang pumasok doon ang nakapamulsang si Martinez

"Martinez" bati ko

"Yow, let's talk" hindi pa man ako nakakapagsalita ng bigla akong hilahin ng matinik sa babae na ito.

"Wow." Puno ng sarkasmo ang boses ko ng mauna pa siyang maupo sa akin. Ano ba talaga ang nakain ng lalaki na ito? Wala man lang kabutihan sa katawan.


"Yep?" Tanong nito.


"Kapal." Masama akong tumingin sa kaniya, naiinis.

Tumawa lang ito ng tumawa saka seryosong tumingin sa akin, umupo muna ako sa tapat niya ng bigla siyang magsalita. "Liligawan kita."


Napakurap kurap ako sa narinig ko at napatitig sa kaniya. "H-ha?"

Sumama ang muka nito. "Bingi ka ba?" Iritadong sabi niya sa akin.


"Hindi." Nakasimangot na sagot ko.

"Edi narinig mo?" Tanong nito.


Tumango agad ako. "Oo."


Tumayo na ito at maya maya lamang ay nawala ito sa harapan ko. Hinanap ko pa siya at nakita ko siya sa may papasok na ng bahay. Lumapit ako doon at akmang hahampasin siya ng magsalita na naman siya.


"Hindi ko alam kung anong meron sayo, slow ka masyado."

Let me down slowly (Chasing series #2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon