Kabanata 12
Ka-ibigan
Nasa sasakyan na kami ngayon, It's eight-fifty. Maaga kaming magsusundo kaya naman tinext ko na ang dalawa na wag kakalimutan. Nag reply na din naman sila, maaga akong nakatulog kagabi dahil masyado akong excited.
Madami akong ikwekwento kay ate Leina mamayang pag uwi niya, at ihahanda ko na din ang tenga ko sa mga sasabihin niya. Akala niyo ba ako lang ang maingay? Siya din.
Paano ko sasabihin na si Yelo at Martinez ang pina date sa akin ni Daddy? Siguradong titili ng titili iyon. Huhu, mababasag na
Gusto ko sanang sumama kay Grace na bumili ng libro para malaman ko ang mga kinababaliwan niyang libro kaso sumakto sa pag uwi ni ate Leina. Nag vibrate ang cellphone ko
From: Chelstot
Naagawan ng libro si Grace, hahaha.
Bigla akong napahagalpak ng tawa, knowing Grace magwawala siya! Aasarib ko siya mamayang gabi. Magkasama pala sila nila Chelsea eh, maganda mag kwento si Chelsea.
"Nandito na tayo" ani Mommy.
Bumaba na din ako, chineck pa kami bago pa kami makapasok. Namangha ako sa laki ng airport, gusto ko na tuloy sumama kay Ate Leina, hehe. Ilang oras din kaming naghintay ng marinig namin na bababa na ang eroplanong sinasakyan ni Ate Leina
Tumayo na kami at hinintay ang pagbaba ni ate Leina. Nakashades ito, anak ng sosyal. Dala dala ang isang maleta, ibinaba nito ang salamin at inilagay sa tuktok ng ulo.
"Ma!" Sigaw nito
Tumakbo ako papalapit sa kaniya at niyakap siya, "Namiss kita!"
"Miss you, lil sis!" Aniya saka ako gumanti ng yakap
Humiwalay na ako at tumabi sa kaniya. Yumakap din sina Mommy at Daddy. Nasa sasakyan na kami, katabi ko na ngayon si Ate Leina na abala sa pag c-cellphone. Sinilip ko ito
"May boyfriend ka na?" Pang aasar ko rito
Itinago nito ang cellphone niya at sinamaan ako ng tingin, "Madami ka pang ikwe-kwento sa akin"
Pagkadating namin sa bahay, sinamahan ko siya sa kwarto niya. Bababa din kami mamaya para sa tanghalian at mag aayos para sa dinner. Nakaupo ako sa kama ni Ate Leina habang ito ay nag aayos ng mga damit. One month siya dito.
"Magkwento ka na" saad niya pagkatapos niyang itago lahat ng damit niya sa closet
At ganoon nga ang nangyari, simula nung gabi na dapat ay tatakas na naman ako ay nahuli ako. Nalaman ko din kung sino ang dalawang iyon kaya hinanda ko na ang tenga ko
"What!? Si Lance!?" Hindi makapaniwalang tanong nito
"Hmm." Tumango tango ako
"Tapos na yung date?"
"Yes, Ate"
"Hmm, Martinez?," umakto itong nag iisip "Hindi familiar, invited siya. Sabihin mo"
"Bakit!?"
"Gusto ko siyang makita"
"Alam mo ba na kinuha niya ang first kiss ko" parang bata akong nagsusumbong sa kaniya
"For real!? Alam nila daddy!?" Magsasalita pa sana ako ng unahan niya ako "itext mo na agad"
Nakabusangot lang akong sinunod siya at tinext ang kurimaw na iyon. Wala pang ilang minuto ng mag reply iyon
From: Matinik sa babae
Okay, I'll be there
Itatago ko na sana ang cellphone ko ng may umagaw doon.
"Ate!"
Huli na ang lahat dahil tuwang tuwa siyang ibinalik sa akin ang cellphone ko, "Sent! Baba ka na ha?" Iniwan na ako nito
Dali dali kong tinignan ang reply ni Ate kay Martinez at halos mapapadyak ako sa inis.
To: Matinik sa babae
Okay, see you later 😚😚
Argh! Nakakadiri!
Nakabusangot akong bumaba sa sala nang maabutan ko ang ate ko na luka na nakangisi sa akin habang kinekwento niya kina Daddy ang nangyari kanina. Napanguso na lang ako ng magtawanan sila
Sasabat na sana ako ng mag mag ring ang cellphone ko, napatingin pa sila sa akin at lumapit si Ate Leina kaya lumayo ako bago sinagot ang tawag
"Yelo." tawag ko dito
[How are you?]
"Ayos lang ako, wag mong kakalimutan ha?" Pag papa-alala ko dito
[Yes, maam.]
Biglang lumakas ang tibok ng puso ko, shit shit.
"Ah si--"
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko at bago pa ako makapagsalita ng may humablot sa cellphone ko
"It's me,her ate." Paused. "Gusto ka ng kapatid ko" paused again. "Oh? Is that so? Mabuti yan. Oo, see yah!"
Napatulala na lang ako kay Ate Leina na nakangiti sa akin. Gusto ko si Yelo?
"Ate naman! Anong sinabi mo?" Reklamo ko sa kaniya nung nakabawi ako
"Ayaw pa kasing umamin."
"Kaibigan ko nga lang siya ate" pangungumbinsi ko rito
Umiling lamang ito, "Ka-ibigan"
"Hindi ah!"
"Bakit? Ano ba si Martinez sayo?"
"Kaibigan din"
"Boto ako kay Lance"
Napakamot na lang ako sa ulo ko ng umalis na si Ate leina at iniwan akong tulala rito. Ka-ibigan? No way. Nakakainis! Mali palang ikwento ko yung mga nangyari nung wala siya. Saka anong boto!? Shit.
BINABASA MO ANG
Let me down slowly (Chasing series #2)
Teen FictionCHASING SERIES #2 Status: Revising. Date: May 11 - June 16 2020. Ang madaldal na babae na kilala bilang takas girl ay sa unang pagkakataon hindi nagawang makatakas sa magulang niya. Biglang nagkagulo gulo ang oras niya ng dahil lang sa isang pagkaka...