Kabanata 5

156 5 0
                                        

Kabanata 5

Nagwala

"Si gaga kinikilig!" Rinig kong sabi ni Grace na hindi man lang tumitingin sa akin dahil nagbabasa siya ng libro

Nag v-video call kaming tatlo, hindi pa din ako makapaniwala na nakuha ng matanda na yon ang first date and kiss ko huhu

"Kay Martinez ka na ba babagsak?" Tanong ni Chelsea na nakadapa sa kama

Napahilot na lang ako sa sentido ko at sunod sunod na umiling

"No way! Ang sama ng ugali niya!"

Nagreply na din ako kay Lance na nakauwi na ako pero hindi pa ito nagrereply. Siguro busy

"Alam mo naman sigurong masama din ang ugali ni Demonyo?" Sabi ni Chelsea na nakangisi

"Right" dagdag ni Grace na inaalis na ang salamin sa mata niya at humarap maigi sa Camera

"Basta ayoko!"

Nagvibrate ang cellphone ko kaya dali dali ko itong binuksan, sinilip ko naman ang mga kaibigan ko na nakamasid lang sa akin.

From: Yelo

Did he kiss you or what?

Biglang kumalabog ang dibdib ko. Nagseselos ba siya?

"Gaga,nag blush oh!" Sabi ni Chelsea

"Si Lance nagtext niyan" proud na sabi ni Grace

"Huhu! I'm confused!" Sukong sabi ko saka nagreply kay Lance

To: Lance

Yes...

Nagpaalam na din ako sa mga kaibigan ko na may gagawin lang kahit wala naman talaga. Nakatitig lang ako sa kisame nung mag ring ang cellphone ko

Yelo is calling...

[Why did you let that mother fucker kiss you!?]

Napanguso na lang ako. Alam ko na papagalitan niya ako kaya nag paalam na ako kina Chels.

"Ang bilis kaya, Yelo!"

[Kahit na!]

"Bakit ba nagagalit ka?"

[Aish. Nevermind, goodnight!]

Sasagot na sana ako ng i end call niya na yung tawag, at nag text naman si Matanda

From: Matinik sa babae

I can sense that you were pouting again

Nanlaki ang mata ko at itinikom ang bibig ko. No way! Dali dali akong bumaba sa kusina dahil tinawag na ako ni Yaya, hays busog pa nga ako ih

"How's your date?" Bungad ni Daddy pag ka upo ko

"Kiniss niya ako Daddy!" Inis kong sabi saka kumuha ng kanin

"He did what?" Gulat na tanong ni Mommy

"He stole my first kiss, huhu," tumingin ako na nagpaaawa sa kanila "are you sure about him?"

"We will think about that, right honey?" Tanong ni Mommy kay Daddy, tumango lang ito

Nanlumo ako sa sagot nila mommy. Gusto ko silang magalit kay Martinez para matigil na ito! Dapat talaga hindi na ako umuwi ng araw na iyon para naman hindi ko sila nakita!

Inis akong inubos ang pagkain ko at nagpaalam na sa kanila. Nag text na din ako kay Lance na kumain na ako. Hays, galit pa ba siya sa akin? Nakakainis naman. Hindi pa kase siya nagrereply

Ang aga namang stansing ng abnormal na yun, hindi na talaga ako lalapit sa kaniya. Kay Yelo ako lalapit para hindi niya ako makuha, tama! Kung bakit ba naman hindi namin kaklase si Yelo, hmp.

--

"Sweetheart!"

Napanguso na lang ako saka tinignan ang sarili ko sa standing mirror, may eye bags ako huhu! Hindi kase ako nakatulog kagabi sa kakahawak sa labi ko, bwisit na matanda na iyon! Walang hiya!

"Opo!" Sigaw ko saka nag suklay

Pinapababa na kase ako ni Mommy, na late pa ako ng gising. Nag suot lang ako ng simpleng pambahay bago bumaba. Nakaligo na ako ano

"Bakit ba mommy?" Tanong ko, wala naman siya sa sala

"Mommy nas--" bahagya akong napatigil, "Kuya Gio!" Agad akong lumapit doon at niyakap siya

"Clingy ka pa din, tss."

Napanguso na lang ako sa sagot niya. Totoo naman sinabi niya hehe. Kumain muna kami ng agahan, wala si daddy. Siguro kasama niya si Tito Khiro or yung daddy ni Grace

Nasa living room kami ngayon

"Galit na galit si Lance kahapon" panimula nito

"Kilala mo si Yelo, kuya Gio?"

"Kahapon lang," tumingin ito sa akin "Wag mo na ulit hahayaang halikan ka ni Martinez, Leira."

Ngumuso na lang ako at tumango

"Saka iyan," natikom ko yung bibig ko ng ituro niya yung labi ko "Tigil-tigilan mo yang ganyang gawain mo kapag kaharap mo si Martinez"

"Bakit?" Takang tanong ko

"Gusto mo bang halikan ka uli ni Martinez?"

"No!"

Aba, hindi na ako papayag na halikan niya ako. Tama na yung kinuha niya, wala ng next time! Stansing siya eh huhu

"Good. Stop pouting then. Magwawala na naman si Lance.."

"Ano yun?"

"Wala"

Natahimik na lang kami at nanood. Nagpaalam na din si Kuya Gio at hindi rin nagtagal sa bahay dahil madami pa daw siyang gagawin. Hays, matagal pa kase bago umuwi si Ate Leina, namimiss ko na siya!

Pala isipan pa din sa akin yung pag punta ni kuya Gio, akala ko naman kakamustahin niya ako pero sasabihin niya lang pala sa akin na tigilan ko ang kaka pout ko. Paano niya naman nalaman na hinalikan ako kahapon ni Matanda? Sinabi siguro ni Yelo!

"Mommy," tawag ko kay Mommy na abala sa pagluluto "Kailan po uuwi si Ate?"

Tumigil ito sa ginagawa niya saka tinakpan ang kaldero.

"Next week? Busy pa kasi ang ate mo." Aniya

"Bakit ba mommy pinapadate niyo ako?"

"Haynako, ewan ko sa Daddy mo! Gusto ka na niya magkaroon ng boyfriend" may pailing iling pa ito.

"Bakit hindi si Ate Leina?"

"Maraming ginagawa ang ate mo, binabalak na din ng daddy mo"

Napakamot na lang ako sa ulo ko, ano ba yan. Match maker ba si Daddy? Tsk, tsk. Luko luko si Daddy hays

Bumusangot na lang ako.

"Mommy, anong araw ngayon?"

"Saturday."

Saturday...

Nakarinig kami ng doorbell kaya dali dali akong lumabas para tignan kung sino iyon.

"Yelo!" Gulat na sigaw ko

Ngumiti lang ito ng tipid saka ko siya pinapasok. Ano namang ginagawa niya dito? Aish. Saturday!

May date kami ngayon?

Let me down slowly (Chasing series #2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon