Chapter 18: Time

42 1 0
                                    

LEVI'S POV

NUNG makatakas kami sa ginawa ni Devi ay agad kaming lumipad pasunod sa pinuntahan nila. Bigla naman kaming nakaramdam ng isang di pangkaraniwan na prisensya. Bigla naman sumigaw si Tine at itinuro ang kakaibang halimaw na isa lamang ang mata.

"Isa yang cyclops!" Sigaw hi Harold at nilabas ang whiip niya kaya't nilabas narin namin ang mga armas namin at nag handa.

Inatake naman nito si Liam at nadaplisan ng hawak nitong malaking maso kaya't napatilapon siya sa isang puno na agad naman sinalo ni Harold gamit ang hangin. Pinatamaan naman iyon ni Ellie ng light blades ngunit nagalit lamang ito at pinuntirya naman si Ellie buti nalang at nakalipad agad siya paitaas.

"Ano ba yan! Bat ngayon pa kasi!" Iritang sigaw ko at sinugod iyong gagong cyclops at sinaksak sa tyan sa sobrang kapal ng balat amp di man lang nasugatan.

Tinignan ako nito ng masama at hahampasin sana ng maso niya ng makaiwas agad ako.

"Hoy panget! Dito!" Sigaw naman ni Harold at nagwawala papunta sakanya ang napakalaking matabang cyclops na to. I dinodge niya lang ang atake neto at hinahampas ng whip sa ilang parte at nung makahanap ng pagkakataon ay ipinulupot niya iyon sa leeg nito at sumakay sa likod ng cyclops at sinakal parin.

Lumapit naman si Liam at kinulong ang ulo ng cyclops ang tubig na bilog habang pinuluputan naman ni Tine ng vines ang mga paa nito hanggang di na ito makagalaw pa. Nung matanggal ni Ellie ang maso sa kamay nito ay agad kong kinuha ang pag kakataon na saksakin ang mata nito gamit ang pinaapoy ko na sword.

Sumigaw ito sa sakit at biglang naging abo. Tuwang tuwa naman kami at biglang nag yakapan.

"Uy teka sina Devi! Baka malayo na yun!" Biglang sabi ni Ellie.

Tumango naman kami at nag lipad na uli paalis duon.

"Type A yung cyclops na yun." Biglang salita ni Harold, "Ibig sabihin nasa bungad na tayo ng mystical forest." seryosong wika niya.

"Pakiramdaman niyo ang paligid." Sabi ko naman. Tumango na lamang sila at inihanda ang mga sandata nila.

Habang tahimik kaming nalipad ay may mga naririnig kaming mga sigaw ng iba't ibang halimaw sa paligid. Kaya't nanatili kaming alerto kung sakaling may paparating. Nagpasya naman kami na taasan ang lipad para di kami basta basta atakehin.

"Teka lang a?" Biglang tumigil si Harold at pumikit. NAramdaman naman namin ang malakas na hangin gawa niya at nung dumilat siya ay agad siyang nataranta.

"S-sina Devi. Naunahan sila." Kinakabahang wika niya.

NAtaranta naman kami at binilisan ang lipat papunta duon. Wala na nga akong marinig kundi ang heart beat ko na napaka lakas. Di ko alam parang may mali. Huwag naman sana...

Napatigil ako bigla sa nasaksihan ko. H-hindi..

"DEVI!" Sigaw ko papalapit sa kanya nakita ko naman siyang nakatingin saakin at nawalan ng m,alay.

Hindi! Hindi siya pwedeng mawala s-siya nalang ang meron ako!

Nakita ko naman ang lalaking nakatalikod saakin na binunot ang sword na naka saksak kay Devi. 

"T-tangina mo!" Galit na sigaw ko at sinugod siya ng napakaraming bolang apoy.

agad niya naman iyon na dodge at natigil ang katawan ko.

A-anong?!

NApasigaw nalang ako sa sakit ng dugo ko na tila mo'y kumukulo. Lumapit naman saakin iyong lalaking nakacloack at nabigla ako nung tinangal niya iyo at ngumiti saakin ng nakakaloko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 07, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

WINGS ACADEMY : School of FAIRIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon