Chapter 16: Encounter

130 5 3
                                    

Sorry for the long update😇✌

~*~

JAKE's POV

Wala ngayon pasok. I don't know why pero lahat ng may fairy ay hiniraman ng fairy para mag guard sa labas ng academy namin. Sabi ng mga professor at ni HM ay bawal lumabas ng mga dorm.

Kaya andito lang ako ngayon sa dorm ko nilalaro ang alaga kong si Lulu isang Aso. Isang cute na Golden Retriver hihi.

"Lulu... bakit kaya ayaw ni HM na lumabas tayong lahat ng dorm? Gutom na ko Lulu." Sabi ko sa aso ko.

"Arf!Ar---" di na siya nag bark at naiwan na ang bibig niyang nakanganga.

Bakit hindi gumagalaw yung aso?! Anong---?!

Knocl...knock...

Dalidali kong binuksan ang pinto ko at nagitla ako ng si Yllara pala yun dali dali siyang pumasok dala ang aso nya na chihuahua.

Natigilan siya nung nakita si Lulu na nakanganga lang at hindi nagalaw.

"What the--?!pati si lulu hindi gumagalaw?" Ha? Tinignan ko si Ruru at naka labas ang dila niya at dilat ang mata tapos ang kamay ay naka anggat.

Bakit ba naka freeze sila?!

Knock...knock...

Nagkatinginan kami ni Yllara at binuksan ko ang pintuan tumambad saamin ang parang bagot na bagot na si Rie.

Dumideretso siya papasok sa kwarto at tumango ki Yllara sabay higa sa kama ko.

"Yow. Ano ginagawa mo dito Rie?" Tanong ko.

"Wala lang... just bored." Malamya niyang sabi.

Umupo siya at inilibot ang paningin. Tumigil ang nata niya ki Lulu at Ruru.

"Oh?bat di gumagalaw ang mga aso niyo?anyare?" Nabibiglang aniya.

"Malay ko diyan." Sabi ni Yllara.

"Teka...kanina pa ko nakakakita ng mga hindi gumagalaw na pet eh? Yung mga ibon ngarin ay di gumagalaw." Takang sabi ni Rie.

"Tara punta tayo ki HM." Suggestion ko.

"Ano naman gagawin mo dun?" Takang tanong ni Yllara.

"Itatanong ko kung may connect ba yung pagkasuspend ng klase sa hindi paggalaw ng mga hayop." Sabi ko.

"Oo nga noh? Tara." Aniya ni Yllara.

So nagkasundo nga kami na pumunta sa HM office.

Habang naglalakad kami ay kapansin pansin ang katahimikan ng paligid. Nakakabinging katahimikan ang bumungad saamin.

Tanging mga sapatos lang namin ang  gumagawa ng ingay.

Nawala ang mga huni ng mga ibon at mga insekto.

Nakakapanibago.

Nung makarating kami sa Headmaster Office ay kumatok na si Rie.

*knock knock*

WINGS ACADEMY : School of FAIRIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon