CHAPTER 7

457 45 0
                                    

Riley Ann Sy

Ngayong week na nga pala ang sport fest. at mamaya ay mayroong concert kaya di na'ko nagdala ng madaming gamit. Hanggang 12:00 ng hating gabi ang concert. I saw Eris, he's wearing a plain gray t-shirt and a black cargo pants and adidas shoes.

He's so handsome! Mygod! Napalingon ito sa'kin. Kita 'kong nakatitig lang siya. May mali ba sa suot ko?

"Let's go". Sabi ko

"Too short tsk". Puna nito sa suot kong palda

"What!?" Inis na tanong ko

"Go change, hindi tayo aalis hangga't di ka nagpapalit ng mas mahaba dyan tsk". Iritadong salita nito

Ano bang problema na naman ng tyanak na 'to? Napaka moody, kahapon ang bait tapos ngayon ang sungit! Tsk! Nagpalit na lang ako ng gray cargo pants and black t-shirt.

"Happy?" Inis na tanong ko

"Yeah". Ngising sagot nito

Nang makarating kami sa school ay halos mapatitig sa'min sina Sydney. Ano namang problema ng mga 'to?

"eww mukha kayong couple". Bungad agad ni Nicole

"Hey Bruh!" Sigaw ni Nile

"Hey!" Bati ni Eris dito

"Watch us mamaya". Cool na sabi nito

"Huh?" Naguguluhang tanong ni Eris

"Later you'll find out what I'm talking about". Sabi nito sabay kindat sa mga kaibigan ko, kilig na kilig naman ang mga bruha.

Marami ng nag aayos sa stage para sa concert mamaya. Dahil ramdam kong nagugutom ako ay pupunta muna 'ko ng cafeteria para kumain. Nakasunod lang si Eris.

"Hindi mo manlang ba pupuntahan ang mga kaibigan mo?" Tanong ko

"I'll go with you, baka ano pa mangyari sayo". Walang emosyong sagot nito. Daig niya pa yung babaeng may dalaw ang bilis magbago ng mood ng tyanak na'to.

Nang makarating sa cafeteria ay bumili na'ko ng pagkain at kumain ng mabilis. Kita kong nakatitig lang sa'kin si Eris with his usual bored aura.

"Dahan dahan, hindi naman ako hihingi". Sabi nito sabay halukipkip

Hindi ko na lang ito pinansin at pagkatapos ko kumain ay bumalik na kami sa room. May kanya kanyang mundo ang estudyante sa room na ito. Habang si Eris naman ay natutulog na naman. Tsk! Antukin talaga.

Mabilis dumaloy ang oras at medyo madilim na kita ko naman ang ilaw na nagmumula sa stage at mukhang magsisimula na. Agad kong ginising ang natutulog na si Eris para ayain ng lumabas. Hahanapin ko pa pala ang mga kaibigan ko, hindi ko pa sila nakikita simula kanina eh.

Dumadami na ang tao sa harap ng stage at rinig ko na ang pag strum ng guitar at rinig ko na ang malakas na hiyawan ng mga estudyante. Nakisingit na din ako sa mga tao upang makita kong sino ang nagpeperform. Kita ko namang iritadong sumunod sa'kin si Eris.

Ilang minuto pa ang tinagal ng unang banda ng matapos ito. Next kong nakita ay sinaaa... sinaaaa Dein. Bakit kaya di kasama ang tyanak na katabi ko ngayon? Wala sigurong hilig sa pagkanta 'to.

You're just too good to be true

Can't take my eyes off  of  you

You'd be like heaven to touch

I wanna hold you so much

At long last, love has arrived

And I thank God I'm alive

You're just too good to be true

Can't take my eyes off of you

Halos magtindigan lahat ng balahibo ko ng marinig ko ang boses ni Dein and sumunod din naman si Nile na sobrang sexy ng voice. Ugh! My heart!
Sumunod naman si Gray at Ethan na may sweet voice. Halos lahat ng babae dito ay nagtitilian na kulang na lang ay mahimatay ang iba. Nakitili na din ako at kita ko ang pag ismid ni Eris.

"I'm 10,000 better than them". Walang emosyong sagot ni Eris. Napatawa na lang ako sa itsura ni Eris na pulang pula na sa sobrang inis.

"Why are you laughing huh?" Inis na tanong nito

"Nothing, I just find you cute, specially when you're blushing". Sabi ko ng hindi manlang tumitingin sa,kanya

"Tsk". Yun lang ang tangi kong narinig

Nang matapos ang kanta ng mga kaibigan niya ay papalapit na ito sa'min ng bigla namang hinila ni Eris ang braso ko.

"Easy bruh! Hindi namin siya aagawin sayo, don't be so childish". Natatawang sigaw ni Nile

Habang hila hila ako ni Eris ay may biglang humarang sa'min na lalaki.

"Hi Riley, can I take a picture with you?" Tanong nito

"Ye---". Hindi ko na natapos ang sagot ko ng biglang nagsalita si Eris.

"No, go take picture yourself". Malamig na sabi ni Eris

Sabay hila niya ulit sa akin, nakarating na kami sa parking lot at binuksan na niya ang pinto ng kotse ngunit nagtaka ito ng hindi pa ako sumasakay.

"What?" Tanong nito

"What's your problem Eris? You're acting like a jealous boyfriend!" Inis na sigaw ko kasi pansin ko kanina pa niya ayaw ako makipag usap sa ibang lalaki.

"I AM!" Sigaw nito

"I AM JEALOUS!" Malamig na salita nito at kita ko ang pag igting ng panga nito. Naguguluhan naman akong tumingin sa kanya.

"Ha?" Tanging nasabi ko na lang

"I'm jealous 'cause i like you, I don't want any other guy talk to you and make you laugh". Malamig na sabi pa nito

"I am the only one who will make you happy understand?"

Nakatulala na lang ako dahil sa narinig ko. Is he confessing his love for me? Oh god! Yung puso ko parang gusto ng magwala! I felt butterflies inside my tummy.

"Now get in the car!" Utos nito ngunit nanatili lang akong nakatayo. Gusto niya ako? Omgggg!! I can't believe this! Yeah I admit it, I like him too.
I don't know why I like him. Basta ang alam ko nagsimula ito nung nilagnat siya.

Sa sobrang pagkatulala ko ay hindi ko namalayan na ang mga mapangakit niyang mga labi ay nakadikit na sa mga labi ko. Ramdam na ramdam ko ang paggalaw nito. Should I kiss him back? Hahalik na sana ako pabalik ng bigla siyang tumigil.

Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko kaya napasakay ako ng sasakyan bigla.

"Kiss lang pala katapat para sumunod". Simpleng salita ni Eris

                      ~•~•~•~•~•~•~

Don't forget to vote thank you❤️

MY COLD AND HANDSOME BODYGUARD [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon