CHAPTER 5

508 37 1
                                    

Riley Ann Sy

Monday na naman, bakit ang bilis ng araw? Maaga akong nagising and ginawa ang daily routine ko. Pagkababa ko ay nakita ko si Eris na nakabihis na, uminom lang ako ng milk at sumakay na sa sasakyan.

Nang makarating kami sa school, as usual nakatingin ng masama sa'kin ang mga babae. Sa di kalayuan ay may natanaw akong kumpulan ng mga babae. Pagkalapit namin sa kumpulan ng babae ay may nakita akong apat na lalaki. Omg!!! Ang gwapo nila! Agad itong napatingin sa direksyon namin.

"Hey! Bruh". Sigaw ng isang lalaki bago lumapit sa'min, sumunod naman ang tatlo pang lalaki. Kilala ba nila si Eris.

"Bakit ngayon lang kayo pumasok?" Tanong ni Eris sa apat na lalaki.

"Tinamad kami eh, hahaha". Sabi ng isang lalaki na may asul na mga mata

"Section Earth kami, ikaw ba?" Tanong ng isang lalaking may dilaw na buhok at gray na  mga mata

"Mercury". Maiksing sagot ni Eris

"Siya ba yung sinasabi mo?" Tanong ng lalaking may singkit na mga mata
Tumango lang si Eris

"She's gorgeous". Sabi naman ng lalaking sa sobrang puti ay namumula at hazel eyes.

Agad naman akong hinila ni Eris palayo, ano na naman problema nito?

"Hindi naman namin aagawin eh". Sigaw ng lalaking may hazel eyes.

"Who are they?" Tanong ko

"They're my friends". Maikling sagot nito

Hindi na'ko nagsalita at pumunta na lang kami sa room. Naging mabilis lang ang pagdaloy ng oras at natapos na namin ang subject namin ngayong umaga. Kasalukuyan kaming kumakain sa cafeteria ng biglang dumating ang apat na kaibigan ni Eris. Napatingin ako sa mga kaibigan ko, Wtf!? Masyadong nakakatawa ang reaksyon nila, mukhang nakakita ng multo amp.

"Sino sila?" Bulong sa'kin ni Nicole

"Friend ni Eris". Sagot ko naman

"Hi girls, ako nga pala si Nile Smith". The guy with the hazel eyes

" And I am Gray Gomez". The guy with the gray eyes

"Ako naman si Dein Monteverde". Siya naman yung lalaking sobrang namumula kanina

"Ethan Lee". Maiksing sabi ng chinitong lalaki na may pagkindat pa, kita ko naman ang kilig sa mukha ng mga kaibigan ko. Napapailing na lang ako sa nakikita ko. Pagkatapos namin kumain ay bumalik na kami sa room at maya maya lang ay dumating na rin ang teacher namin.

May ibinigay itong title ng book at pinag group kami, kada grupo ay 5 members kaya kaming lima ang magkakasama. Pumunta na kami sa library. Malaki ang library nila pero di katulad ng sa japan na mas malaki yung library dun. Abala kaming naghahanap habang si Eris ay natutulog lang. Tsk! Buti di siya pinapagalitan ng librarian.

Nang mahanap namin ang libro ay agad namin sinagutan ang ibinigay na tanong pagkatapos ay bumalik na kami sa room, habang hinihintay ang iba pa naming kaklase ay nagpaalam muna 'ko na pupunta sa Cr.

Nang makapunta na'ko sa cr ay agad akong nag retouch ng make up at sa paglalakad ko pabalik ng room ay may humarang na tatlong babae. Oh babae na naman ba ni Eris? Tsk! Yung lalaking mas malamig pa sa ice, grabing pagkababaero ng loko.

"Hindi kayo bagay duhh!" Sabi ng isang maarteng babae

"Bakit sinabi ko bang bagay kami?" Pilosopong tanong ko

"Aba't namimilosopo ka!"  Duro sa akin ng isa pang kasama nito

"Wag mo ngang nilalandi si Eris, hindi ka bagay sa kanya, you're too ugly". Sabi pa ng isa

Wtf?? Sila nga mukha ng ibuburol dahil sa mga make up nila. Nakakainis na ah.

"What did you just say? Did you say that I'm beautiful? Ow thank you". Pangaasar ko sa kanila.

Akmang sasampalin na'ko ng isa ng biglang may pumigil dito. Kitang kita ko ang malamig na pagtitig nito sa babaeng sasampal sana sa'kin.

"Don't you ever dare hurt my girl". Malamig na sabi nito

Napaatras naman ang tatlong babae. Tsk! Buti nga sa inyo! Nagmadaling umalis ang tatlong babae. Nakita kong nakatingin na sa'kin si Eris.

"Are you okay?" Tanong nito

"Bakit ganon mga babae mo, masyadong war freak". Inis na sabi ko

"Tsk". Yun lang  tangi kong narinig sa kanya.

Mabilis natapos ang mga subject at 4:30 na ng hapon. Habang naglalakad kami ni Eris ay pansin kong namumutla siya.

"Are you sick?" Tanong ko

Umiling naman ito sa'kin at nagpatuloy lang sa paglakad pero pinigilan ko siya. Nilagay ko ang kanan kong kamay sa kanyang noo at grabe, sobrang init niya.

"May lagnat ka". Sabi ko

"Kaya mo pa bang mag drive?" Tanong ko sa kanya

"Yeah". Maikling sagot nito

Habang nagda drive siya ay kita kong nahihirapan na siya. Kaya daw mag drive eh mukhang maaaksidente pa kami sa ginagawa niya tsk!

"Stop the car". Simpleng sabi ko

Tumingin lang ito sa'kin na mukhang nagtatanong.

"Stop the car nga". Sabi ko at agad naman niyang sinunod, bumaba na'ko para lumipat sa driver seat.

"Move". Utos ko sa kanya

Aangal pa sana siya ngunit pinitik ko ang noo niya. Ako na ang nagdrive at dumaan muna kami sa Drug store at bumili ng gamot niya. Pagkabalik ko sa sasakyan ay kita kong nakatulog na ito. Hinayaan ko na lang siyang magpahinga hanggang sa makauwi kami.

Pagkarating namin sa bahay ay ginising ko na siya, inalalayan ko siya hanggang makarating siya sa kwarto niya at hiniga ito sa kama. Lumabas na'ko ng kwarto niya at nagpaluto kay manang ng  chicken noodle soup. Hinanap ko ang thermometer at ng mahanap ko ito ay agad akong pumunta kay Eris para icheck ang temperature niya, 38.5 ang lumabas.

12:00 na ng nagising siya,inalalayaan ko ito para maupo at hinayaan naman niya 'kong subuan siya ng chicken noodle soup. Pagkatapos ay pinainom ko siya ng gamot at pinagpahinga na. Akmang aalis na'ko ng hawakan niya ang braso ko .

"Stay here, kahit ngayong gabi lang". Sabi nito ng nakapikit

"Okay". Sagot ko, naawa rin ako kahit paano.

Natulog na lang ako sa couch at pagkagising ko ay ramdam kong nakayakap ako sa isang matigas na bagay. Nagmulat ako at laking gulat ko ng nakayakap pala ako kay Eris. Whahahaha!!! Kita kong gising na siya at nakatitig ito sa'kin.

"How's your sleep?" Tanong nito na naka ngisi

"Paano ako napunta dito?" Tanong ko

"Mukhang di ka sanay matulog sa Couch kaya dito na lang kita pinatulog sa tabi ko". Simpleng sagot nito

Mygod! First time na ang dami niyang sinabi ngayon ah, wala naman siguro nangyari sa'min. Tsk! Ano bang iniisip ko?Hayss!!

"Thank you for taking care of me". Sabi nito bago tumayo at naglakad na palabas ng kwarto niya. Fvck! Umaga na pala.

         
                 ~•~•~•~•~•~•~•~•~

MY COLD AND HANDSOME BODYGUARD [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon