CHAPTER 12

409 26 0
                                    

Riley Ann Sy

5:00 na ng hapon, ito ako at naghahanda na para sa Grand Ball, nang matapos ako mag make up ay agad na'kong bumaba at nakita ko na ang lalaking pinakamamahal ko na naghihintay sa akin. Nang makalapit ako sa kanya ay pinaka titigan niya muna ako bago ito nagsalita.

"You're so gorgeous babe". Sabi pa nito

"Binola mo pa'ko". Sabi ko na natatawa

Nang makarating kami sa school ay sobrang daming tao. Taray ng Ovel, may pa red carpet. Habang naglalakad kami ni Eris ay sobrang daming flash ng camera. Agad kaming dumiretso sa aming table. Nagsimula na ang Grand Ball at marami na ring sumasayaw, the title of the music played is Perfect by Ed Sheeran. Habang pinagmamasdan ko ang mga sumasayaw ay may biglang naglahad ng kamay sa'kin at yun ay si Eris.

Habang nagsasayaw kami ay kita ko ang matatalim na titig ng mga babae.
Tsk! He's mine! Eris is mine! Mainggit kayo! Nang matapos ang kanta ay naupo na kami. Nag play ulit ng another love song at may lumapit na babae kay Eris, wow ha! Babae na lumalapit sa kanya. Deadma lang ito kay Eris kaya nahihiyang tumakbo ang babae palayo.

Maya-maya pa ay may lalaking lumapit sa'kin at naglahad ng kamay.

"Pwede ka bang isayaw?" Tanong nito

"No". Walang emosyong sabi ni Eris

"Hindi ikaw ang tinatanong ko pre". Sabi naman ng lalaki

"I'm her boyfriend". Simpleng sabi ni Eris, umalis na desmayado ang lalaki.

"Let's go home". Yaya sa akin ni Eris

"Huh? Ang aga pa ah". Sabi ko

"Ayokong may tumitinging lalaki sayo". Inis na sabi nito, sobrang seloso po ng tyanak na 'to. Hindi na ako nakaangal pa dahil hinila na niya ako.

3 weeks na ang nakalipas ng naganap ang grandball, malapit na ang first monthsary namin. Ano kaya ang magandang iregalo sa kanya. Tinawagan ko na lang ang mga kaibigan ko at nagpasama ako sa kanila sa mall para bumili ng ireregalo kay Eris.

"Riiiii!" Sigaw agad sa'kin ni Alexa ng makita ko na siya na naghihintay.

"Nasaan na sila?" Tanong ko

"On the way na daw". Sabi pa nito
Hindi nagtagal ay nagsidatingan na sila Sydney.

"Ano bang bibilhin mong regalo kay Eris?" Tanong agad ni Nicole ng makalapit ito

"Hindi ko nga alam, ano bang gusto ng mga lalaki?" Tanong ko, duhh! First boyfriend ko kasi si Eris.

"Relo or perfume". Sabi ni Kolin

Nang makapasok kami ay agad kaming pumasok sa store ng perfume.
Habanvg nagtitingin tingin ako ay biglang lumapit sa'kin ang Sales Lady.

"Hi ma'am, para po ba sa boyfriend niyo ang hinahanap niyo?" Tanong nito

"Ah yes". Sabi ko na lang

"Mayroon po kaming bago dito, kalalabas lang po nito". Sabi nito

"Ah sige patingin nga ako ng perfume na sinasabi mo Ms". Sabi ko pa

Naglakad na palayo ang babae, habang hinihintay ito ay biglang sumulpot ang mga kaibigan ko.

"May nahanap kana ba?" Tanong nila

"May nahanap na kayo?" Balik tanong ko

"Wala nga eh, ang hirap mamili". Reklamo pa nila

Hindi nagtagal ay dumating na ang Sales Lady at dala na nito ang perfume na sinasabi niya. Binigay niya ang example ng amoy ng perfume.

MY COLD AND HANDSOME BODYGUARD [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon