CHAPTER 13

363 27 2
                                    

Riley Ann Sy

Isang araw na lang bago ang 1st month namin ni Eris as a couple. Nandito siya ngayon sa tabi ko at natutulog habang nakasandal sa balikat ko. Umuulan ngayon at grabe sobrang lamig. Natulog lang siya maghapon habang ako ay nanood lang ng TV at naglaro ng games sa phone ko.

Kinabukasan, It's Sunday and our first monthsary. Nang makababa ako ay agad kong hinanap si Eris ngunit wala ito pero may nakita akong note sa may pinto ng kwarto niya. Nakalagay ay address at pumunta daw ako dito mamayang 4:00 ng hapon.

Kumain muna ako ng almusal bago umakyat sa kwarto ko at pipili ng susuotin ko mamaya. A simple red dress ang aking napili. Sumapit ang 3:00 ng hapon ay dali dali akong naligo at nag ayos. Dala dala ko na ang regalo para kay Eris, pababa na'ko ng hagdan ng makita ko si Dein na nakaupo sa sofa.

"Hi Riley". Bati nito sa'kin ng makita niya ako

"Hi". Sabi ko naman na nakangiti

"Pinapasundo ka na ng prinsipe mo". Natatawang sabi nito at natawa na lang din ako sa sinabi niya.

Isang oras din ang nakalipas bago kami nakarating sa isang restaurant. Sobrang layo nito pero ang ganda dito, malapit ito sa may tabing dagat.

"Enjoy your date". Ngiting sabi ni Dein Nang makapasok ako ay may sumalubong sa'kin na babae.

"Ma'am Riley this way po". Sabi sa akin ng babae

Nasa taas kami at kami lang ang tao dito, ngumiti lang ang babae sa akin bago umalis na. I saw Eris looking at me, he's holding a bouquet of red rose and sobrang daming candle sa gilid and I saw a big teddy bear. Sobrang dami ring balloons at sa mga tali nito ay may mga stolen pictures ako na naka dikit. Omygod! Andami.

"Happy first monthsary babe". Sabi ni Eris at iniabot nito ang isang bouquet ng rose. Then he kissed my forehead.

"Happy first monthsary din". Sabi ko na nakangiti bago binigay ang gift na hawak ko.

"Thank you babe". Sabi nito

"You're always welcome babe". Sabi ko naman

Ipinaghila niya ako ng upuan at naupo na rin ito. Maya maya pa ay dumating na ang mga pagkain, lahat ito ay mga paborito ko.

"ohmygo!" Nasabi ko na lang at napatawa naman ito sa reaksyon ko.

"I asked your twin". Sabi naman nito na parang nabasa ang iniisip ko na kung paano niya alam ang mga paborito kong pagkain. Matapos kaming kumain. Pinagmasdan ko ang papalubog na araw. Sobrang ganda talaga ng haring araw. Naramdaman ko na lang na biglang may yumakap sa aking likuran at yun ay si Eris.

"Babe, thank you for loving me even if I'm boring". Sabi pa nito

"You're not boring babe, I love you". Sabi ko pa

"I love you too". He said

Nang makauwi kami ay laking gulat namin ng makita ko si Daddy at Tristan. They're standing in front of the door.

"Omygod! Kelan kapa nakauwi dad". Masayang sabi ko

"Kanina lang, may hindi ba kayo sinasabi sa'kin?" Tanong nito at bigla naman akong kinabahan.

"Ahm, Sir I am your daugther's boyfriend, wether you like it or not". Sabi pa ni Eris.

"Call me tito, tama lang pala ang ginawa namin ni Richard". Simpleng sabi ni dad at pumasok na sa loob, kita ko naman ang pagiling ni Eris.

"What? I don't understand Eris". Sabi ko na naguguluhan.

"Later, I will tell you okay?" Sabi nito at tumango na lang ako.

Gabi na at sobrang inaantok na'ko at 'di ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako dahil sa ingay ng phone ko. Si Sydney tumatawag.

"Whut?" Inis na tanong ko

"Dai! Gumising kana at malelate kana!" Sigaw nito, oh fuck! I forgot it's monday! Ugh! Kahit natatamad ay tumayo na ako sa kama at nagligo at nag ayos ng mabilis. I saw Eris waiting for me.

"Good morning". Masiglang bati nito

"Tsk! Bakit di mo'ko ginising?" Ngusong tanong ko

"I do not want to disturb your sleep so hinintay na lang kita magising". Sabi nito

"Let's buy your breakfast na lang baka malate pa tayo eh". Sabi ni Eris at tumango na lang ako sa kanya.

Habang nagdadrive siya ay kumakain naman ako, saktong natapos ako kumain ay nakarating na din kami sa Ovel.

Pagkababa ko ng car ay agad kong nakita ang haliparot na babae, Sino pa nga ba? Kristina Mendez. Nakipagtitigan ito sa'kin syempre hindi magpapatalo ang lola niyo, nakipagtitigan din ako. Nagulat ako ng biglang may humawak sa kamay ko.

"Don't mind her". Simpleng sabi ni Eris bago ngumiti sa'kin.

Naglakad na kami papunta sa room, habang naglalakad kami nakatingin halos lahat ng makakasalubong namin.

"Sila na kaya?"

"Kelan pa?"

"Bagay naman sila".

Ilan sa mga naririnig ko, nagpatuloy na lang kami sa paglalakad at nakarating na din kami sa wakas.

"Kamusta ang First month?" Kilig na tanong ni Sydney.

"Okay lang". Ngiting sabi ko

"Inggit ako sis!" Sabi ni Nicole sabay hampas sa braso ko

"Hey! Don't do that to my girlfriend". Sabi ni Eris

"Wow! Protective boyfriend huh". Natatawang sabi pa ni Nicole

Dumating na ang prof namin at nagsimula na ang class. Nasa kalagitnaan ng discussion ng may babaeng dumating.

"Excuse me po, pinapatawag daw po si Ventura sa dean's office". Sabi ng babae.

"Oh Ventura, pinapatawag ka daw". Sabi ng prof. namin.

"I'll be back babe". Bulong nito sa'kin bago naglakad palabas.

Bakit kaya siya pinapatawag? May nagawa na naman ba siyang kalokohan? Natapos na ang class namin at uwian na, nandito ako ngayon at hinihintay si Eris. Habang hinihintay ito ay nakita kong papalapit sa'kin si Kristina, nang makalapit ito.

"Sulitin mo na ang isang gabi na kasama siya dahil simula bukas ay sa akin na siya". Maarteng sabi nito bago naglakad papalayo.Hindi nagtagal ay dumating na si Eris, mukha itong problemado.

"Kanina kapa ba naghihintay? Sorry babe". He said then kiss my forehead

"Okay lang, bakit ka nga pala pinatawag sa dean's office?" Tanong ko

"Nothing". Sabi nito

Habang nasa biyahe ay tingin ito ng tingin sa akin. Ano na naman problema ng lalaking 'to?

"Sa kalsada ka tumingin wag sa'kin". Sabi ko

"Babe". Tawag nito

"Hmm?"

"Always remember that I love you". Sabi nito

                           ~•~•~•~•~

MY COLD AND HANDSOME BODYGUARD [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon