CHAPTER 14

361 25 2
                                    

Riley Ann Sy

Kinabukasan ay maaga akong nagising at ginawa ang daily routine ko at bumaba na'ko. Hinahanap ko si Eris at ng tingnan ko ito sa kwarto niya ay wala ito. Nakakapanibago, dati ang aga niya pero bakit ngayon wala siya.

"Hinahanap niyo po ba si Sir Eris? Kagabi pa po umalis". Sabi ng isa sa katulong namin.

"Saan daw po siya pupunta?" Tanong ko

"Hindi po sinabi eh". Sabi naman ng katulong

Nakita ko naman ang kakambal ko at wow ha! Himala at hindi pa siya pumapasok.

"Let's go, ako na maghahatid sayo simula ngayon". Sabi pa nito

"Where's Eris?" Tanong ko dito

"Wag mo na siyang hanapin". Inis na sabi nito

"Why?" Naguguluhang tanong ko

Sinubukan ko naman tawagan ang number niya ngunit hindi ito sumasagot. Nasaan kaya si Eris, hindi maganda ang pakiramdam ko parang may mali, parang may mangyayaring hindi ko gusto, bigla akong kinabahan shit!

Nang makarating kami sa ovel ay agad akong bumaba ng sasakyan at naglakad ng mabilis patungo sa room upang tingnan si Eris ngunit dismayadong napatingin na lang ako sa upuan nito ng wala akong nakitang Eris dito.

Di nagtagal ay dumating na ang mga kaibigan ko at iba ko pang kaklase. Nagdrawing na lang ako habang hinihintay si Eris. Maya maya lang ay dumating na rin ito ngunit laking gulat ko ng hindi ito umupo sa aking tabi.

Bakas din ang pagkagulat sa mukha ng mga kaibigan ko ng nilampasan lang kami ni Eris. Lumapit ako sa kanya at akmang kakausapin ko na,siya ng dumating ang prof namin.
Habang nagkaklase ay pinaulanan ako ng tanong ng mga kaibigan ko.

"May LQ ba kayo?" Tanong ni Nicole

"Anyare ghorl?" Tanong naman ni Sydney

"Sino pinagseselosan?" Tanong naman ni Kolin

"Kwento ko sa inyo mamaya pagkatapos ng class". Sabi ko na lang

Nang matapos ang class ay dali dali akong tumakbo papalapit kay Eris dahil papalabas na ito ng pinto.
Hinawakan ko ang kanang braso nito dahilan para mapatigil ito at mapatingin sa'kin. Kita ko ang malalamig at blangkong titig nito sa akin.

"My problem ba? Bakit umalis ka sa bahay?" Tanong ko ngunit wala akong natanggap na sagot dahil nakatingin lang ito sa'kin with his blank expression.

"May nagawa ba akong mali?" Tanong ko, mygod! Naiiyak na'ko shit!

Kita ko ang dahan dahan nitong pagalis sa nakahawak kong kamay sa braso niya at naglakad ito palayo. Hindi ko na napigilan ang iyak ko.
Ramdam ko naman na may humagod ng aking likuran at yun ay si Sydney.

"Tahan na". Rinig kong sabi ni Nicole

"Ano ba kasing nangyari Ri?" Tanong naman ni Kolin

Naupo muna ako sa bangko at pinahid ang luhang umaagos sa aking pisnge at nauupo na rin sila.

"Kahapon lang ang saya-saya pa namin tapos pagkagising ko wala na siya sa bahay at tinatawagan ko siya hindi naman sinasagot tapos ngayon hindi niya ako pinapansin". Umiiyak na sabi ko

"Sasapakin ko na ba Ri?" Tanong ni Nicole

"Eh parang siya pa yung dapat intindihin eh". Gali na sabi ni Sydney

"Eh dapat nga ikaw ang nag iinarte at siya ang susuyo sayo". Sabi naman ni Kolin

Habang naglalakad kami papunta sa cafeteria ay rinig ko ang mga usap usapan ng mga nakakasalubong namin.

MY COLD AND HANDSOME BODYGUARD [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon