CHAPTER 19

446 12 3
                                    

Riley Ann Sy

Monday na! Final exam na namin. Maaga akong nagising as usual, kumain at hinintay ang dalawang pagong na walang iba kung hindi si Eris at Tristan.

Kita ko agad si Tristan na pababa ng hagdan at si Eris na kalalabas lang ng kwarto niya. Lumakad ito patungo sa direksyon ko.

"Good morning twin". Tamad na sabi ng kapatid ko bago nauna ng lumabas

"Good morning babe". Ani Eris bago hinalikan ang aking noo.

"Let's go?" tanong nito

"Hindi kayo kakain ng breakfast?" tanong ko

"Sa school na lang baka ma late pa tayo". Sabi ni Tristan na kakapasok lang.

Nang makarating kami sa school ay 6:55 na. Magsisimula na ang exam.

"Ri! Late na tayo bilis!" sigaw ni Kolin

Nang makarating kami sa room ay nandoon na ang prof namin. Kita ko agad ang nanlilisik nitong mga mata.

"You're late!" sigaw nito

"Sorry Prof". Tamad naming sabi, oo sinadya making ganoon ang tono para mas lalo siyang mainis.

Nagsimula na ang exam, nagsimula na din ako magsagot. Habang nagsasagot di ko maiwasang hindi mapatingin sa kakambal ko at kay Eris. Chill lang habang umiinom ng coke. Wtf? Seriously? Ako nga hirap na hirap na dito samantalang sila chill lang.

"Okay Class, pupunta muna 'ko sa office, alam ko naman na matatalino kayo so wag na kayo mag cheat". Sabi ni prof sabay alis.

Ilang minuto pa ang nakalipas ay napalingon ako sa direksyon nila. Kita kong inabot ng tyanak ang test paper niya dun sa likod at ganon din ang ginawa ng kapatid ko. Pinagaya nila ang ibang boys sa likod.
Napanganga na lang ako sa nakita ko.

Di rin nagtagal ay natapos na namin ang 2 subjects. Pumunta na muna kami sa cafeteria para kumain.

"Sobrang dali ng exam". Cool na sabi pa ng kakambal ko

"Tsk! Syempre nanggaya ka lang naman sa 'kin". Tamad naman na sabi ni Eris,rinig ko ang tawanan ng mga kaibigan ko at nang mga kaibigan ni Eris.

Hindi ko na lang sila pinansin at nagpatuloy na lang ako sa pagkain, habang kumakain ako ay may narinig akong boses ng lalaki na nagsalita sa may gilid.

"Hi, Can I join you guys?" Rinig kong tanong ni Warren

"NO!" matigas na sabi ni Eris

"Sure, wag mo pansinin yan". Sabi naman ni Nicole

Kita ko naman ang pag igting ng panga ni Eris. He's jealous. Mygod!

Umupo sa tabi ko si Warren, I'm between Eris and Warren. Uwu! Ang awkward!

"Bakit yan lang kinakain mo?" tanong ni Warren

"Oh sayo na lang 'to". Sabi pa niya bago nilagay sa plate ko yung pagkain.

Akmang isusubo ko na ang pagkain ng agawin ito ni Eris at kinain niya ito.

"Wtf! Bakit mo kinain yun? Kay Riley yun eh". Sigaw ni Warren. Kita ko naman ang pagdilim ng aura ni Eris.

"STAY. AWAY. FROM. MY. GIRLFRIEND". Walang emosyong sabi ni Eris

"Hey tama na yan". Awat ko sa dalawa

"Tsk! Pasalamat ka at andito si Riley, tandaan mo hindi pa tayo tapos".

"Asawa nga naaagaw girlfriend pa kaya". Pahabol na sabi pa nito bago umalis

"As if naman magpapaagaw girlfriend ko". Ngiting sabi ni Eris

Bumalik na kami sa room. Ilang oras din ang nakalipas.

"Yeyyyy! Tapos na din tayo, vacation na". Masayang sabi ni Nicole

Papauwi na kami ng makasalubong namin ang barkada ni Eris.

"Sasama ba kayo?" Tanong agad ni Nile

"Saan naman?" naguguluhang tanong ni Alexa

"Class trip? Sa Resort nina Ethan" sabi naman ni Dein

"Lahat ng mga highest section magkakasama so kasama namin kayo". Sabi naman ni Gray

"Sama ako". Sabi ko

"Sama na din kami". Sabi naman ng mga kaibigan ko.

"Ikaw Eris sasama ka ba?" Tanong naman ni Ethan

"Sasama yan, sasama kasi si Riley". Natatawang sabi ni James

Binatukan ito ni Eris.

"Ouch babe". Pangaasar pa nito

Kita kong napipikon na si Eris kaya nagpaalam na lang kami at hinila siya papalayo.

"Samahan mo 'ko sa mall please". Sabi ko

"Ano pang magagawa ko eh nasa parking lot na tayo". Ngiting sabi ni Eris

"Ano ba bibilhin mo?" Tanong ni Eris

"Bibili ako make up".

Matapos naming makabili ng make up ay nag aya na si Eris sa Restaurant ng kapatid niya, dun daw kami kakain.

Ilang oras din biyahe namin. Malayo pero sulit and besides wala naman kaming gagawin. Bukas na yung Class trip namin. Magkakasabay kaming lahat. Si Gray na daw bahala sa sasakyan. 

Nakarating kami sa Restaurant ng kapatid ni Eris. Ang sabi ng manager ay nasa meeting daw ito.

Nag order na kami ng pagkain and habang hinihintay ang pagkain ay may inabot si Eris sa 'kin. Shirt? May nakalagay dito.

OWNED BY ERIS VENTURA

Akmang magsasalita ako ng pigilan niya ako.

"Wear that shirt tomorrow". He said

"Why?"

"Para alam nilang may nagmamay-ari na sayo, para alam nilang sa'kin kana".  Simpleng sabi nito

Hindi na lang ako nakipagtalo dahil alam kong hindi din naman ako mananalo dito.
Maya maya pa ay dumating na ang pagkain, tahimik lang kaming kumakain ng dumating ang kapatid ni Eris.

"Hi guys". Maligayang bati nito, ngumiti lang ako dito at kiniss naman nito si Eris sa noo.

"Wtf Samantha! Hindi na 'ko bata". Inis na sabi ni Eris

"Baby pa din kita at isa pa call me ate, mas matanda ako sayo". Sabi ni Samantha

"Tsk!" pikon na naman po si Eris

"Oh btw, may Class trip pala kayo bukas sa resort ng pamilya ni Ethan?" tanong nito

"Yeah and bawal ka pumunta".  Agad na sagot ni Eris

"At bakit naman? I have a business meeting tomorrow sa resort na yun". Ngiting sabi ni Samantha

"Meeting tapos sa resort? Ah okay". May patango tang pant sabi ni Eris

"Duh! Eh sa gusto ng client dun". She said and rolled her eyes

"Riley may ibibigay ako sayo bukas, suotin mo yun ah". Sabi pa ni Samantha

"Ano naman yung ibibigay mo sa girlfriend ko?" tanong ni Eris

"Secret! Bahala ka nga dyan, alis na 'ko ah byeee". Paalam nito

Ano naman kaya ang ibibigay niya sa akin?

~•~•~•~

MY COLD AND HANDSOME BODYGUARD [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon