Chapter 20

566 25 15
                                    

Riley Ann Sy

"Twin wake up!"

"Hmm... Antok pa 'ko". Sagot ko dito

"Hinihintay na nila tayo tsk!" inis na sabi nito

"What time na ba?" tanong ko

"6:50" tipid na sagot nito

Mygod! I thought 6:00 pa lang. Dali dali akong bumangon para maligo. Nang matapos akong maligo ay kita kong nakaayos na lahat ng dadalhin ko.

"Thanks twin". Sabi ko

Inayos na niya lahat ng dadalhin ko. Ambait niya ngayon ah. Himala! Nag ayos na ako pagkatapos ay bumaba na.

Nakita ko si Eris na printing nakaupo sa sofa. Kanina pa kaya siya dito?

"Nauna na silang umalis pero nagpaiwan si Alexa, sayo daw sasabay Tristan". Bored na sabi ni Eris.

Ganon naman siya palagi yan. Parang laging tinatamad, hindi mo alam kung inaantok,badtrip or tinatamad lang.

"Tsk! Ingatan mo kakambal ko Ventura". Sabi nito bago nauna ng lumabas

"Kanina kapa ba dito?" tanong ko

"Yeah". Maikling sagot nito

"Let's go". Aya ko sa kanya

Habang nasa biyahe ay nicheck ko ang facebook account ko. Unang bumungad sa 'kin ang post ng mga kaibigan ko. Picture nila kasama ang barkada ni Eris at nakita ko din ang post ni Alexa kasama ang kakambal ko na mukhang binagsakan ng langit at lupa.

Hindi pwedeng kayo lang may picture, agad naman akong nagselfie kasama si Eris na seryosong nagda-drive. Omygod! He's hot when he's serious.

Agad ko itong nipost with caption of ' Otw to Romero's Resort with my hot driver'

Wala pang isang minuto ay nag comment agad si Kolin.

Kolin Mateu
Sanaol hot yung driver, ang dugyot naman kasi ng driver namin

Natawa naman ako sa comment niya.Inaantok ako kaya napagdesisyonan kong matulog na muna tutal medyo malayo pa naman ang biyahe.

Naramdaman ko na lang na may humalik sa noo ko.Nagmulat ako ng mata at nakita ko si Eris.

"Finally!You're awake". He said

"Kanina pa ba tayo nandito?"

"Yeah". Maikling sagot nito

"Bakit hindi mo ako ginising?" Iritadong tanong ko

"Ang himbing kasi ng tulog mo so hinintay na lang kitang magising".

"Riley!!" Sigaw agad ni Kolin dahilan para mapalingon kami sa direksyon nito

"Yes?"

"Roommates tayong apat!" Masiyang wika nito.

Napatingin naman ako kay Eris na di na maipinta ang mukha.

"Wag kana sumama sa kanila, doon kana sakin, it's a private room". Ani Eris

"Hoy!Hoy! Lalaki! Anong gagawin mo sa kaibigan ko ha?" Tanong ni Kolin

"Gagawa kayo ng milagro no?" Pangaasar neto, ramdam ko naman ang pag init ng pisngi ko.

"Sa kanila na lang ako sasama". Sabi ko kay Eris, kita ko naman ang mukha netong di na maipinta.

Hinatid niya ako sa room namin.

"Just call me if you need anything okay?"

"Okay". I said

"I love you". He said then kiss my forehead.
Bago naglakad na ito palayo.

"Ang tamis naman ng candy na 'to". Rinig kong sabi ni Kolin

Hindi ko na lang ito pinansin at pumasok na ako sa loob. Nakita ko sila Nicole na nakahiga sa kama and kanya kanyang mundo. Pinili ko na lang magpahinga.

Nagising na lang ako dahil sa boses ni Alexa, kahit kelan talaga 'tong babaeng 'to sobrang rindi. Ughh!

"What!?" Iritang tanong ko

"Bruha ka! Gumising kana dyan pinapatawag na tayo ni prof." Maarteng sabi pa nito

"Riley may naghahanap sayo, maganda siya omyg! Sino yun?" Ani Sydney

Bigla namang pumasok si.... Si ate Sam, ang kapatid ni Eris.

"May dala itong paper bag.

"Hi Ann, ito na yung ibibigay ko sayo, wear this mamaya ah, I'm at the 4th cottage lang ah,punta ka na lang dun mamaya libre kita". Ngiting sabi nito

Nang makaalis ito ay agad kong tiningnan ang laman ng paper bag. Laking gulat ko na ang laman nito ay....

"BIKINI!??"

"Wtf Riley! HAHAHAHA...Eris will be mad if you'll wear that". Natatawang ani Kolin

"Magmumukhang kamatis yon sa sobrang galit HAHAHA". Sabat naman ni Nicole

Hindi ko na lang sila pinansin. Omygod! Should I wear this or not? Ughh! Nahihiya naman ako kay ate Sam and natatakot ako kay Eris. Huhuhu... Bahala na nga...

Naligo nako and guess what? Sinuot ko din ito and nagsuot din ako ng sarong. Dati wala naman akong pakialam kung magsuot man ako ng ganito but now? Natatakot ako.hahaha...

Nang makalabas kami ng hotel agad kong nakita ang iba kong classmate at mga ibang section. Kanya kanya silang porma. Karamihan sa babae ay naka swimsuit at ang iba ay naka beach dress.

Agad kong nilibot ang paningin ko, I'm looking for Eris. Wala pa ba siya?

Eris Ventura

Nandito pa rin kami sa hotel, sa room ni Gray. Sobrang bagal ba naman ng gago kumilos, dinaig pa babae tsk!

"Let's go bros". Gray said

"Next time ha tagalan mo pa lalo". Inis na wika ni Nile

Naunang lumabas ng hotel si Nile. Papalabas pa lang kami ng hotel ng makita namin itong halos liparin na sa sobrang bilis tumakbo. Nasisiraan na naman siguro ng utak to.

Halos habol ang hininga ng makalapit ito sa amin, at ang laki ng ngiti ng gago!

"Hey bros! Bilisan niyo, may mga chix sa labas whooa!" Ngising sabi nito

"Kupal! Basta talaga mga babae bilis mo". Ani Ethan

"May magmumukhang kamatis mga bros, let's go". Ngising sabi pa neto

Nang makalabas kami, sa di kalayuan naagaw agad ng pansin ko ang kumpulan ng mga babae. I saw a familiar hair and fuck!
Mabilis kong tinakbo ang kinaroroonan nila, kahit mahirap tumakbo dito sa pesteng buhangin ay agad ko pa ring narating ang kinaroroonan nila.

Nakita ko ang pagkagulat sa mukha neto.
Agad ko siyang binuhat na parang sako at dinala sa private cottage na kinuha ko.

Riley's POV

Nang maibaba ako ni Eris mula sa pagkakabuhat i heard his cold voice.Shit! My heart! Hindi ko gusto ang nararamdaman ko! Kinakabahan ako!

"Riley Ann". Mahinahon pero malamig na wika nito sa pangalan ko.

OH MY GOD! YOU'RE DEAD RILEY!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 29, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MY COLD AND HANDSOME BODYGUARD [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon