CHAPTER 4

545 38 1
                                    

RILEY ANN SY

Yey!! It's friday! As usual maaga akong nagising and ginawa ang daily routine ko. After that bumaba na'ko upang mag almusal. Nakita ko si Eris at Tristan na naguusap, nang makita nila ako ay bigla silang natahimik. What's wrong with them? May sikreto ba ang dalawang 'to? At sobrang close nila huh. Hmm...

Umupo na'ko at kumain pagkatapos ay pumunta na'ko sa sasakyan. Habang hinihintay si Eris ay inopen ko na lang ang facebook account ko at unang una ko agad nakita ang pangalan ni Eris.

Jhon Eris Ventura sent you a friend request

Dahil mabait ako, inaccept ko siya. Nakita ko si Eris na lumalakad na patungo sa direksyon ng kotse ng makalapit ito ay umupo na 'to sa driver's seat.

Nang makarating kami sa Ovel University ay 6:55 na at ang start ng class ay 7:00. Binilisan ko na ang paglalakad dahil malayo ang room namin at sa 4th floor pa ito. Laking pasasalamat ko naman ng hindi kami na late.

Nang matapos ang 4 subject namin ngayon ay napag desisyonan namin na kumain na. Nandito kami ngayon sa cafeteria. Habang kumakain ay biglang lumapit sa'min yung president ng room namin. Siya si Angelico Fontanilla, mukha siyang nerd dahil sa makapal nitong salamin at naka brace pa pero di maitatanggi na gwapo siya nerd nga lang.

"Ah wala na pala tayong class pero may iniwan na gagawin ito oh". Nahihiyang sabi niya

Inabot ko naman ang papel na ibinibigay niya.

"Thank you". Ngiting sabi ko

Ngumiti lang ito at umalis na. Wala na kaming class. Yey!

"Riley pupunta kami sa inyo, dun na lang tayo gumawa ng assignment". Sabi ni Sydney.

"Okay". Sabi ko na lang

Wala na nga palang stock ng snacks sa bahay so after dito pupunta muna ko ng grocery store para bumili. Nagpaalam na'ko sa kanila, nakita ko naman na sumunod na sa'kin si Eris.

"Daan muna tayo sa grocery store". Sabi ko sa kanya

Tumgango lang ito sa'kin. After 10 minutes ay nakarating na din kami. Pagkapasok namin ay kumuha na'ko ng grocery basket, naglakad lakad na'ko upang maghanap ng snacks. Napuno na ang dala kong grocery basket. Nakita ko naman si Eris na nakatingin lang, tsk! Di man lang ako tinutulungan ng loko.

" Kelangan ko pa ng basket, pwede ka kumuha?" Tanong ko

Tumango lang ito at naglakad palayo,
Si Eris siya yung tipo ng tao na akala mo nauubusan ng salita, sobrang tipid kung magsalita. He's a man with a few words. Himala na lang siguro kung magsalita siya ng mahaba.

Di nagtagal ay nakarating na din siya, kinuha niya ang basket na may laman at ibinigay sa'kin ang walang laman.
Pagkatapos namin sa grocery ay sumakay na kami ng sasakyan.

"Daan muna tayo sa bahay ko, may kukunin lang ako". Sabi nito

" Ah okay".

Mahigit 30 minutes din ang nakalipas sobrang layo naman ng bahay niya. Nang makapasok kami sa loob ay agad may sumalubong sa'min na medyo may edad na.

"Nay". Sabi ni Eris bago nagmano

Ang ganda ng bahay na'to, sobrang laki naman at may magandang garden sa gilid nito.

"Sino naman ang magandang dilag na ito hijo?" Tanong ng matanda

"Nobya ko po". Sabi niya

Kahit 'di ako lumaki sa Pilipinas ay alam ko ang salitang iyon, nobya means girlfriend. Mygod!! Eris! Kung wala lang dito ang matanda kanina pa kita nabatukan dyan. Nahihiyang napangiti na lang ako sa matanda.

MY COLD AND HANDSOME BODYGUARD [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon