CHAPTER 17

349 17 2
                                    

Riley Ann Sy

Nang magising ako ay wala na si Eris sa tabi ko. May nakita akong note sa side table.

Good morning babe, don't skip breakfast I love you

~Eris

Dami ko pa sana itatanong sa kanya. Hays... Naligo na lang ako pagkatapos ay kumain at hinihintay ko na lang ang kakambal ko na mas mabagal pa sa pagong.

Dati mas nauuna siya sa 'kin Peri ngayon parang ayaw na ayaw na niya pumasok eh malapit naman na ang Vacation. May something talaga eh.

May inililihim siya sa 'kin.
Nang makita ko siyang pababa ng hagdan na magulo ang basa nitong buhok.He's not okay,ramdam ko yun.

"Tristan? Is there a problem? Tell me". Sabi ko

"Wala tsk". Sabi pa nito

"Umagang umaga nagtataray ka dyan, ate mo'ko umayos ka". Sabi ko pa bago hampas sa braso niya.

Nang makarating kami sa Ovel ay agad kong hinila si Tristan patungong Cafeteria.

"Riley!!" inis na sabi nito

"Shut up!" sigaw ko naman dito

Napatigil kami ng may tatlong babaeng nakaharang sa dadaanan namin.

"Tristan? Sino siya?" Tanong ng babaeng nasa gitna.

"She's my girlfriend". Tamad na sagot ng kapatid ko

"H-huh? Eh d-diba a-ang s-sa-sabi mo w-wla k-kang girlfriend". Nauutal na sabi nito.

"She's not Tristan's girlfriend, she's my girlfriend". Rinig kong sabi ng pamilyar na boses.

"WT--Fuck you Ventura!" Inis na sigaw ng kapatid ko

"Let's go babe". Sabi pa ni Eris bago hila ng kamay ko ngunit pinigilan naman ako ni Tristan.

"I told you 10x stay away from her". Inis na sabi nito.

"Oh common Sy, wag mo ng idamay ang kapatid mo sa problema mo". Ani Eris

"Let's go Riley, treat her right man, uso karma ikaw din". Pangiinis ni Eris sa kapatid ko.

"What was that huh?" tanong ko sa kanya

"It's your brother's problem, hayaan mo siyang matotong ayusin ang pagkakamali niya". Ani Eris

"Your brother is known as campus playboy babe". Napanganga naman ako sa sinabi ni Eris.

"Close your mouth babe baka pasukan ng langaw yan". Ngising sabi nito

Nang makarating kami sa room. Kami pa lang ang tao dito. Nasaan na kaya ang mga kaibigan ko?

"I'm sorry babe, promise I won't hurt you again, hinding hindi na kita iiwan". Sabi ni Eris

Paano si Kristina? Kami na ba ulit? Paano kung saktan niya ulit ako?

"Bayad na kami sa mga Mendez, the deal is off". Sabi pa nito

Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa wakas wala ng rason para lumapit pa sa 'min ang malanding yon.

Pero saan naman siya nakakuha ng ibabayad? Siguro sa mommy niya. Mayaman ang mommy ni Eris.

Yeah! 3 years na silang hiwalay, Eris told me. Pero kahit hiwalay na sila ay tinulungan pa rin ng mom ni Eris ang Dad nito.

Simula kasi ng nag divorce ang dalawa ay wala ng ibang ginawa ang dad ni Eris kung hindi ang magpaka lunod sa alak at mag sugal. Kaya nalugi ang kompanya into.

"Thanks to your dad, he helped me btw". Simpleng sabi pa nito

Hindi sa mom ni Eris galing ang pera, it was from my dad.
But how? Nasa japan si dad.

"Pumunta ka ng Japan?" Tanong ko dito

"No". Simpleng sagot lang nito

Hindi rin nagtagal at dumami na ang dumadating na classmates namin at dumating na din ang prof namin.

As usual naging mabilis ang oras at hapon na naman. Nauna ng nagpaalam ang mga kaibigan ko na uuwi na daw sila.

Hinanap ko na lang ang kanina pang nawawala kong kakambal.Tsk! Saan na naman kaya nagsusuot ang lalaking yon?

"Saan ka pupunta?"

Halos mapatalon ako sa gulat ng marinig ko ang boses ni Eris.

"Gosh Eris!!  You startled me!" sigaw ko dito
"Let's go home". Sabi nito

"Hinahanap ko pa si Tristan".

"He's busy". Simpleng sabi nito

"Busy saan?" tanong ko

"Naghahabol ng projects and activities, kasama niya sina Nile". Simpleng sabi pa nito.

God!!! What the hell happened to my Twin? Hindi naman siya ganito dati and sina Nile din? Hindi lang kilala bilang mga campus crush yon ah, kilala din ang mga ito bilang top students.

Naging mabilis ang mga araw at Saturday na naman. Next week na ang final exam namin and next week is start na ng vacation.

Nandito nga pala ako sa sasakyan ni Eris, hindi ko alam kung saan kami pupunta.
Mahigit 30 minutes na din siguro kaming nagbibiyahe.

Tumigil ang sasakyan sa isang malaking mansion. Sobrang ganda nito. Agad sumalubong ang limang kasambahay.

"Good morning Sir Eris and ma'am Riley". Maligayang bati nila sa 'min ni Eris

"Remove the sir and ma'am, call us Eris and Riley". Sabi naman ni Eris, tumango naman ang mga ito bago umalis.

Nakita ko ang isang pamilyar na mukha at masayang masaya ito.

"Nay Maring". Maligayang banggit ko sa pangalan nito bago nagmano

"Nay". Ani Eris at nagmano din

"Hinihintay na kayo ng mama mo sa may garden". Ani nanay Maring, ngumiti lang kami dito bago nagpaalam na.

Papasok na sana kami sa garden ng pigilan ko si Eris. Tiningnan niya ako na mukhang nagtatanong.

"Bakit hindi mo naman sinabi na dito tayo pupunta? Hindi tuloy ako nakapag ayos ". Naka ngusong sabi ko dito.

"You don't have to put make ups, you are beautiful even without a make up". Ani Eris

Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Mahhh heart! I'm nervous! Baka hindi ako magustuhan ng mama ni Eris.

"Are you nervous?" tanong ni Eris

Tumango na lang ako. Parang gusto ko na lang maging hotdog sa mga oras na 'to.

"She will like you babe". Ngiting sabi nito bago ako hinila papasok ng garden.

I saw a woman standing in front  of a big fountain. She has a long blonde hair and she has this beautiful body and sobrang puti niya.

Napatingin ito sa direksyon namin. Pareho sila ni Eris ng mata. Kung paano tumitig si Eris ay ganoon rin ito. Sobrang napakalamig at walang mababakas na emosyon. Mayroon itong napakatangos na ilong at manipis na namumulang labi.

This is my definition of perfect.

                               ~•~•~•~•~

MY COLD AND HANDSOME BODYGUARD [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon