Chapter 6: Haters Gonna Hate

108 12 4
                                    

Chapter 6: Haters Gonna Hate

"ATE STIL, KUYA KAT."

Napatindig kaming dalawa ni Pero pareho sa kinauupuan namin. Those were my siblings, Ate Stiletto Sicily and Kuya Katana Hiroshima. It's been so long since I last saw them.

"Magandang gabi po," bati ni Pero kay Ate at Kuya.

"So, you're back, Jam? Para pasakitin na naman ang ulo ni Papa?" mataray na sabi ni Ate Stil.

"Oh, buhay pa pala 'tong lalaki mo?" turo ni Kuya Kat.

Napatingin ako kay Pero. He was calm and collected. Hinawakan lang niya ang kamay ko.

"Just so you know, okay na kami ni Papa. Nagkapatawaran na kami," I proudly mentioned.

"And so? Kami rin dapat? Hindi ko makakalimutan ang dahilan kung bakit lalong humina ang katawan ni Papa at muntik nang mag-agaw-buhay. Ikaw! Ikaw ang salot sa pamilyang ito!" sigaw ni Ate Stil na may kasamang panduduro pa sa akin.

Si Kuya Kat naman ang nagsalita. "Bakit ka ba nandito, Jam? Pinatira ka na ni Mama ulit dito? Bakit hindi ka bumalik doon sa lungga ni Tita Diella? Total, bagay kayong magsama. Isang lesbiana at isang—"

"Humihingi po ako ng pasensya sa inyo, kung ano man ang nagawa namin na hindi niyo nagustuhan. Humingi na rin po ako ng tawad kay General Steel. Sana po ay mapatawad niyo rin kami." It was Pero who tried to calm down the scene.

Ate Stil just winced. "Mabuti pa itong lalaki mo, marunong mag-sorry. Or... lalaki nga ba, kung mag-jowa kayo? So..."

"Bakla ho ako, opo," Pero proudly said. "At oho, jowa ko ho itong kapatid niyo."

Napangiwi si Kuya Kat. "Nakakadiri. Naaalibadbaran ako sa inyong dalawa."

"'Ma!" sigaw ni Ate Stil.

Agad namang lumabas si Mama. "Stil, gabing-gabi na, nagsisisigaw ka pa riyan. Tulog na ang Papa mo. Huwag na kayong maingay diyan."

"Mama naman, bakit mo naman tinanggap ulit itong baklang 'to rito sa bahay?" iritadong sabi ni Ate Stil.

"Bahay? Na bahay ko rin. Ano'ng problema mo? Anak din ako ni Mama at Papa. Ang lagay, kayong dalawa lang ang puwedeng tumira rito?" Palapit na ako kay Ate Stil pero naramdaman kong hinigpitan pa ni Pero ang paghawak sa kamay ko.

"Lalaban ka pa talaga, Jam?" gigil na sabi ni Kuya Kat.

"Oo, palibhasa, duwag ka. Puro ka kuda, wala ka namang binatbat!" pambubuska ko kay Kuya Kat.

"Aba't sira ulo ka talagang bakla ka!" Nakaamba na ang kamao ni Kuya Kat patungo sa akin, ngunit agad na humarang si Mama sa pagitan naming dalawa.

"Sige, lakasan niyo pa ang mga boses niyo! Paabutin niyo hanggang doon sa kuwarto ng Papa niyong natutulog na nang mahimbing. Katana, Stiletto, pumasok na kayo sa loob. Maupo na kayo sa dining at ipaghahanda ko kayo ng makakain," utos ni Mama sa mga kapatid kong kontrabida sa buhay ko.

"I want you out of this house tonight, ingrato. I mean, ingrata," sarkastikong sabi ni Ate Stil.

"Bitch," mahinang usal ko, pero sinigurado kong maririnig niya ito.

"Black sheep!" hirit pa ni Ate bago pumasok ng bahay.

"Hindi pa tayo tapos," banta ni Kuya Kat.

"Chicken," asik ko.

"Jambiya, itigil mo 'yan," suway ni Mama.

I burst into tears. Hindi ko na napigilan ang tindi ng nadarama kong emosyon ngayon. Nag-build up na lahat sa dibdib ko, eh. Napayakap na lang ako sa aking ina. "Mama, sumosobra na kasi sila, eh!"

"'Yan, diyan ka magaling. Sige, sabihin mo kay Mama na pinagtutulungan ka na naman namin ni Ate. Sumbungerong bakla!" pahabol pang turan ni Kuya Kat bago pumasok ng bahay.

"Haters gonna hate! Kupal!" balik ko rito.

"Katana! Jambiya!" bulyaw ni Mama.

"Tita, pasensya na po kayo. Nakita po kasi kami ni Ate at Kuya rito na naghaharutan," paumanhin ni Pero.

Napabuntong-hininga na lang si Mama. "Mga anak, alam niyo naman na hindi na gaya ng dati na sobrang lakas ng pangangatawan ni Nante..."

Sandali lang... Parang alam ko na ang mangyayari sa susunod na eksena. Déjà vu?

"Ayokong mapano pa lalo ang ama mo, Jambiya. Gusto ko pang makasama nang matagal ang Papa mo."

"Ako rin, 'Ma. Lalo pa ngayong nagkaayos na kami ni Papa. I want to spend time more with him."

"Subalit kung ganyan lagi ang aabutan niyang eksena sa pamamahay na ito..." Hinawakan ni Mama ang mga kamay ko at hinagkan ang mga ito. "Mas makakabuti na doon muna kayo ni Percy sa bahay ng Tita Diella mo. Kung araw-araw na magbabangayan kayo ng mga kapatid mo, paniguradong stress ang aabutin ng Papa mo. Ayoko namang maulit pa ang nangyari dati..."

I knew it. Huminga na lang ako nang malalim. Again, I was the sacrificial lamb of this family. "I understand, 'Ma. Bibisita na lang ako rito kapag wala ang mga kapatid ko."

"Sana ay dumating ang panahong magkaayos kayo. Nami-miss ko na ang mga panahong nagtatawanan lang kayo, eh. Sana maibalik niyo ang dati," hiling ni Mama.

"Hindi ko alam, 'Ma. Kung tratuhin nila ako ay parang hindi nila ako kapatid. Aalis ako, 'Ma, hindi dahil ayaw nilang nandito ako, kundi para kay Papa. Gusto ko pang makasama si Papa nang matagal. Mama, please, tulungan mo si Papa na lumakas pa."

"Oo naman, anak." Lumingon naman si Mama kay Pero. "Percy, alagaan mo si Jam, ha?"

"Opo, Mama," tugon ni Pero.

As far as I am concerned, this was supposed to be a dramatic scene. Pero gusto kong bumulusok sa kilig dahil sa pagtawag ni Pero ng Mama kay Mama.

"Ayoko nang ipagpabukas ito, 'Ma. Aalis na kami ni Pero tonight." My decision is final.

"I'm sorry, anak," malungkot na anas ni Mama.

"I'm sorry din, 'Ma." Umakap si Mama sa akin saka pumasok sa loob ng bahay.

Si Pero naman ang yumakap sa akin. "Percival Rommanuel Enriquez, three points kay Mama."

At nakuha ko pa talagang matawa despite the struggle I faced earlier. "Sira ka talaga. Mama talaga? Mama? Anak ka ba?"

"Pinapatawa lang kita. Tahan na, Mahal. 'Wag ka nang umiyak kasi... mag-eempake pa tayo," mahinang sabi ni Pero.

May maso-sonkal na naman ako. Talaga nga naman.


---


[ Please don't forget to vote and leave your comments about this chapter. Come on, dear. Let's talk about it. What do you like or do you not like on this one? <3 ]

Mahal Kita, Pero Book 2: ALL MY LOVE IS FOR YOU / รักหมดทั้งใจให้คุณTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon