Chapter 15: Do What You Wanna Do

72 12 2
                                    

Chapter 15: Do What You Wanna Do

AFTER THREE DAYS, WALA PA RING NAGRE-REPLY SA AMING APPLICATIONS.

Baka nga kasi walang edge ang mga fresh graduate. Siyempre, ang kukuhanin na ng mga kompanya ay 'yong marami nang job experience. O kaya maraming accomplishments sa bachelor's.

I'm doing great, academically. I have a lot of flat ones. Kaso, sablay ako sa extracurricular activities. Being the introvert I always am, hindi ako palasali ng mga club, orgs, o programs.

So as Pero. He really is outgoing, kaso may mga subject siya na mga nakasampa lang ang grades gaya sa kinukuwento niya noong nakaraan na Structure of English na in-depth study of the English grammar daw. 2.75 lang siya doon, hindi dahil mahina siya, kundi dahil hindi niya hilig ang grammar. He's more of a literature guy kasi.

Anyway, kahit siya ay wala pa ring natatanggap na testing or invitations for interview. Baka nga ganoon talaga. Mahirap humanap ng trabaho sa Pilipinas.

Until Tita Diella suggested something while we were having lunch.

"How about mag-freelance na lang kayo? Hawak niyo pa ang mga oras ninyo. You are your own boss. Unlike kapag nangangamuhan kayo, wala kayong choice to deliver kasi required kayo. Kapag freelancing naman, pressured lang kayo sa deadlines, pero you can only take so much. Nasa iyo ang control kung ilang tasks ang kukunin mo at a time. Plus... work from home lang kayo. No hassle sa commute, no eight-to-five schedule, no waking up early, at higit sa lahat... Magkasama lang kayo lagi."

Nagkatinginan kami ni Pero. Nagtaas-baba ang kilay niya. Mukhang excited siya sa ganoong setup eh.

"Ano'ng work naman ang may ganyan, Tita?" I asked.

"Naku, Mikmik, sa panahon ngayon, lahat ng companies, nabubuhay na sa online transactions. Oo, mahalaga ang manpower o human workforce especially kapag physically present pero ang laki ng naitutulong ng freelancers sa isang company. Gaya sa company namin, ang mga artist, hindi stay-in sa office. Binibigyan lang kami ng deadlines, or kapag need talaga ng presence, pinapapunta kami for a brainstorming or story pitching session. Subukan niyo lang. Wala namang masama."

"That's a good option, Mahal," sabi sa akin ni Pero. "Come to think of it, marami tayong oras na mase-save kapag nag-freelance tayo. We'll have more time for each other. Gusto mo 'yon? Gusto ko 'yon!"

"Naku, ha, baka wala na tayo matapos na trabaho niyan. Baka puro harutan na lang ang gawin natin," biro ko, kung saan nagkatawanan na lang kami.

"Harutan talaga?" Then, all of a sudden, biglang natigilan si Tita at nilinga niya kami na parang nakakita ito ng multo. "Oh, my god. Nagse-sex na ba kayong dalawa?" walang kaabog-abog na tanong ni Tita, kung saan naibuga ko sa plato ko ang kasusubo ko lang na pagkain.

"Tita!" sigaw ko.

Napapikit naman ang Tita sa sobrang kilig. "Aww, nakaka-miss tuloy ang intimate moments ko sa bahay na ito. Sa kuwarto, sa kitchen, sa sala, sa veranda—"

"Tita, TMI," nakangising sabi ni Pero.

Napabusangot naman si Tita. "Anyway, you're adults. Do what you wanna do. Be wild like animals," She even winked. "God, I miss sex."

Hindi ko na tuloy maubos ang kinakain ko. I just need a topic to divert this one. "By the way, Tita... Nakausap na namin sina Mama at Papa regarding my half-brother Victorinox Manila."

"V-Victorinox?" utal na usal ni Tita. "Iyon ang pangalan ng half-brother mo?"

"Iyon po ang gusto ni General Steel na pangalan ng Kuya ni Jam," tugon ni Pero sa tanong ni Tita. "Kaso, hindi po natin alam kung iyon ng ang nakalagay sa birth certificate nito."

"Ang weird talaga ng mga pangalang naiisip ni Kuya Nante. Mabuti naman at nakausap niyo siya? Galit pa rin ba siya sa akin?" seryosong tanong ni Tita.

"Hindi naman po namin napag-usapan iyon, pero base po sa pag-uusap namin, gusto rin niyang makita ang bata," ani Pero.

"At tsaka, Tita, si Mama, may sinabi siyang pangalan. Blesilda Reposo, taga-Caloocan. Familiar ka ba sa taong iyon?"

Yumuko si Tita at napaisip. "Parang. Siguro nakita ko na 'yon some time in my life. Sino raw iyon?"

"Posibleng ito raw po ang kumuha sa bata. Kasi mahilig daw po ito sa bata, eh," sagot ni Pero. "Baka sa taong ito naipagkatiwala ni Leda ang anak niya."

"Naghanap-hanap kami online at may nakita kaming Blesilda Orrido sa Facebook. Kaso 2009 pa 'yong account. May mga tagged photo rin ng matandang babae na Blesilda na taga-Caloocan. Wala kaming lead talaga pero susubukan naming hanapin iyon. Kaya if ever Tita, bukas, puwede ba namin mahiram ang kotse mo? Ako na ang bahala sa gas," paalam ko.

I can drive naman. Papa sent me to a driving school when I was sixteen para lahat kaming magkakapatid ay marunong magmaneho kapag kinailangan. Although, sa ngayon, si Kuya Kat ang madalas na gumagamit ng kotse namin. 'Di ba nga, nakita pa naming may kasamang babae last time?

"Okay, sige, do what you have to do. Full tank naman ang kotse, so don't worry. Sana nga ay nasa kanya ang bata," sabi ni Tita.

Bago mag-lunch, sinubukan namin ni Pero na hanapin ang Blesilda Reposo na ito sa mga social media. I saw the tagged photo of a middle-aged woman from a teenage girl's account at may nakalagay na Blesilda Orrido. Pero ewan ko, parang iba ang pakiramdam ko nang nakita ang babae.

Nag-videocall din kami ni Mama at parang iyon nga raw ang Blesilda na kaibigan nila dati. Pero hindi siya sure kasi nag-iba na nga ang hitsura ng babae. Tsaka matanda na rin si Mama. Sa stress at konsumisyon ba naman sa pamilya namin ay makakaalala pa ba ito. Sa dami na rin ng nangyari at sa tagal na rin ng panahon ay mahirap na talagang makaalala pa.

"Thanks, Tita," I uttered. "I'll let you know right away kung may update kami."

"Sure. Okay, this time, update niyo naman ako. Who's the top and who's the bottom between the two of you?" sabik na tanong ni Tita.

Sabay na kami ni Pero na napabuga sa mga plato namin.

----

[ Please don't forget to vote and leave your comments about this chapter. Come on, dear. Let's talk about it. What do you like or do you not like on this one? <3 ]

Mahal Kita, Pero Book 2: ALL MY LOVE IS FOR YOU / รักหมดทั้งใจให้คุณTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon