Chapter 40: Let The Pain Remind You Hearts Can Heal

75 9 7
                                    

Chapter 40: Let The Pain Remind You Hearts Can Heal

DAHIL SA SOBRANG PAGIGING RECKLESS, HINDI KO NA NAISIP NA ANG FLIGHT KO PABALIK NG MANILA AY BUKAS PA NG HAPON.

Now I am several hours early. At ngayon ko lang ito na-realize nang nakapila na ako para sa check-in ng mga bagahe dito sa Don Mueang International Airport.

Umalis ako sa pila ko para tumungo sa help desk ng airline. Bago pa man ako makarating doon ay nakasalubong ko ang dalawang taong pamilyar sa akin.

"Salem? Gentian?"

"Hi, Jam!" bati ni Salem. "Pabalik na rin kayo ng Manila ng jowa mo?"

"Ako lang," pag-amin ko, na medyo nakalungkot pa sa aking pag-iisa.

Nagkatinginan naman si Salem at Gentian.

"Ano'ng nangyari, Jam?" tanong ni Gentian.

"Naghiwalay na kami ng boyfriend ko, kaya uuwi na ako ng Pilipinas," sabi ko, na ang bawat salita ay parang balaraw na bumabaon sa puso ko.

"I'm sorry, Jam. How are you?"

"Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman. Ni hindi ko nga alam kung tama itong ginagawa ko ngayon. Sa sobrang impulsive ko, hindi ko na-realize na kailangan kong magpa-change date ng flight. Ang tanga ko rin, eh."

"Oh, ano'ng airline ba ang sasakyan mong airplane?" tanong ni Salem.

Sinabi ko kay Salem ang flight details ko. Surprisingly and fortunately, si Salem pala ay isang staff sa isang airline sa Pilipinas. At sa airline pa na kung saan ako naka-book.

Nag-leave lang si Salem ng one week para lang sa Bangkok trip na ito nila ni Gentian. Sa susunod na araw ay balik-trabaho na naman ito.

After a few calls and online arrangements, nagawan niya ng paraan na ayusin ang aking flight details. Using his connections and miles, I was able to reprint my boarding pass, travel itineraries, and other necessary documents.

Ang sinabi ni Salem ay possible naman ang last-minute changes sa flight details. Medyo magdaragdag nga lang ng malaki-laking halaga dahil special case na ito. However, in this case, he took care of my problem.

I was really thanful to him, dahil kung hindi, baka nag-stay na lang din ako sa isang hotel malapit dito sa Bangkok. Malamang sa malamang, magkasama pa rin kami ni Pero sa flight bukas.

But I don't know how I would feel. His attitude somehow changed when he met Tristan again. Gano'n ba talaga 'yon kapag first love?

Kapag first love, mahirap talagang makalimutan? Kapag first love, kahit ilang taon kayong hindi magkita, magbabalik ang lahat sa mismong paghaharap niyo? Kapag first love, may espesyal na espasyo sa puso?

I know I can't replace the place that I wasn't given, but why does it have to be the person who owns that place is the person I've been looking forward to knowing all my life?

After an hour and a half, nakasakay na kami ni Salem at Gentian sa eroplano. Business class. Samantalang ang original na booking ko ay 'yong economy lang.

"Thank you talaga, Salem, and sorry sa abala. If there's anything that I can give back to you, let me know. Sobra-sobra na itong naitulong mo sa akin," muling pagpapasalamat ko.

"Wala 'yon... May gusto ka pa bang kainin?" Pati ang pagkain ko sa eroplano ay sinagot na rin niya.

"Wala naman. Okay na ako," sagot ko.

"Ako naman, magsi-CR lang sandali," paalam ni Gentian. Tumungo naman ito sa dulo ng eroplano para mag-refresh.

"Jam, actually, I do have one thing to ask. Puwede mo ba akong dalhin sa bahay niyo? As in pagkababa natin ng eroplano, diretso tayo sa bahay niyo. Ipapakilala ko na rin si Gentian kay Stil."

Kumunot ang noo ko. "Hala, bakit?"

"Ganito kasi. Gusto kong pakasalan na si Gentian. Pero bago ko gawin iyon, gusto kong humingi ng tawad kay Stil. Gusto kong ayusin ang tungkol sa amin bago ako mag-propose kay Gentian. Okay lang ba?"

Napalunok ako nang sunod-sunod. "Sigurado ka?"

"Oo. For once and for all. 'Yon ang plano ko. By the way, ikaw ba? Ano ang plano mo?"

Napabuntong-hininga na lang ako. "Wala. Uuwi lang ako sa Pilipinas. Maghahanap na lang siguro ng trabaho. Kalilimutan ang nangyari..."

Tinapik ni Salem ang kaliwang balikat ko. "Jam, if there's anything that Stil taught me in our relationship, iyon ay ang pahalagahan ang aking sarili sa panahong nalugmok ako sa kalungkutan. Noong naghiwalay kami ni Stil, sobrang nagpabaya ako sa sarili ko. Alak, drugs, at sex ang kinapitan ko. But then, sense dawned when I thought of Stil and what would she tell me if she were to see me wasted. For sure, ang sasabihin nito sa akin ay, 'Embrace your pain because only then you can tell you're feeling something. Only then you can let the pain remind you that hearts can heal.' Knowing her, she would say that dahil matalino siya at marami siyang ganyang quotable quotes. That I did. I became sober after that. Kaya ikaw, allow yourself to immerse in agony. Kailangan mo 'yon to build yourself again. I understand where you are right now. 'Wag ka nga lang mag-drugs," he then chuckled.

Napabungisngis na rin ako. "Takot ko lang sa tatay ko."

Nanlaki ang mga mata ni Salem. "Hala, baka mabugbog ako ni General Steel, ah. Magtatago ako sa likod mo, ah."

A few moments later, bumalik si Gentian sa upuan nito. Si Salem naman ang nag-CR. "Oh, ano ang napag-usapan niyo ni Salem habang wala ako?"

"Gentian," malumanay na banggit ko. "this will be a warning kaya mag-ready ka. Gustong pumunta ni Salem sa bahay namin. It's a small world, yes, kasi 'yong long-term girlfriend ni Salem ay ang ate kong si Stiletto. Gusto niyang mag-sorry sa kapatid ko. Which means..."

"Magkikita si Salem at Katana," banggit nito.

Sinipat ko ang oras sa aking wristwatch. "May less than three hours ka to decide kung sino sa kanila ang mas matimbang. Good luck."

Naibagsak ni Gentian ang ulo sa sandalan ng upuan. I didn't mean to make her felt miserable. Pero baka nga ganoon talaga. It's some sort of misery business that it really loved companies knowingly or unknowingly.


---


[ Please don't forget to vote and leave your comments about this chapter. Come on, dear. Let's talk about it. What do you like or do you not like on this one? <3 ]

Mahal Kita, Pero Book 2: ALL MY LOVE IS FOR YOU / รักหมดทั้งใจให้คุณTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon