Chapter 10: Everything Will Be All Right, If You Keep Me Next To You
"STOP IT."
Nanonood kami ng American Ninja Warrior ngayon sa isang cable channel. Nakapagluto na rin kami ni Pero ng pagkain. We're almost halfway through it.
"Bakit?" The smile on Pero's face was sort of stamped. Parang printed.
"Ang weird kasi, Mahal," I opined. "kaya itigil mo na 'yan."
I attempted to stop it when I fed him. Wala. After nguyain ang pagkain, balik ulit sa nakakalokong-ngiti. Para namang may nakakatawa sa American Ninja Warrior.
I just sighed. Pero sa totoo lang, ano nga ba ang mali doon? He just appreciated that one big leap in our relationship. Pataas na nang pataas ang level namin. We're already doing things that lovers do. And it's okay. It's more than okay when we're on it and being succumbed to that intense feeling. Grabe pala 'yon. I didn't expect it to be that skin-tingling... that mind-blowing... that nerve-racking.
Huminto na rin ang ulan, pero hindi pa rin umaaraw. Nasa loob lang din kami ng bahay at wala naman kaming planong lumabas pa. Everything we needed was just beside the both of us.
Nilipat ko ang channel sa TV. It stopped in a news channel where it showed news regarding the increasing unemployment rate in the country. Surprisingly, it struck me like lightning. I talked to Pero about it.
"Pero, graduate naman na tayo. So... We can already look for jobs. Nakakahiya naman kung aasa na lang tayo kay Tita Diella."
Inakbayan naman ako ni Pero. "Agreed. Dahil diyan, gagawa tayo ng curriculum vitae mamaya. Magse-send tayo ng applications online. At maghihintay na tawagan ng mga kompanyang bibilib sa 'tin."
Tumungo-tungo ako. It seems that he already has his game plan. Ang galing. I never thought of a career that would fit my skills.
Since I'm a Fine Arts graduate, marami akong puwedeng pasukang trabaho na related sa iba't ibang uri ng sining. Siyempre, nandiyan ang pinakapaborito ko, ang pagdo-drawing. Puwede rin akong mag-paint. Pasok din ako sa photography. Animation. Graphic Artist. O illustrator gaya ni Tita Diella.
"Saan kaya magandang magtrabaho?"
"Anywhere with you," wika ni Pero na may kasama pang thumbs-up.
I started at Pero with a blank face.
"Oh, bakit? Ayaw mo bang magkasama tayong dalawa?"
Umiling ako. "Hindi naman sa ganoon, Mahal, pero gusto mo ba na magkasama tayo sa iisang office?"
"Oo naman. Ikaw ba, ayaw mo? Everything will be all right, if you keep me next to you, Mahal. We'll be fine."
It wouldn't hurt, I guess, pero... "Well, paano magkakasama ang isang graduate ng Fine Arts tsaka graduate ng A.B. English? Parang... Paano? Ano'ng opportunities ang puwede sa atin na magkasama?"
Nahiga naman si Pero sa sofa, kung saan ang ulo niya ay nasa mga hita ko, saka nagsimulang maglitanya. "Manalig ka, Mahal. Marami 'yan. Sa totoo lang, noong kinuha ko ang A.B. English, wala akong naiisip na trabaho. Mahilig lang talaga akong magbasa. Siyempre, sa A.B. English, maraming kuwentong mababasa. 'Yon pala, may Linguistics pa, Structure of English, pati 'yong Introduction to Mass Communication and Campus Journalism! Natatandaan mo pa si Prof. Wong? She explained to me na hindi lang naman talaga ang mga topic na naaaral sa bawat subject ang itinuturo sa atin sa college. It's more of how we acquire life skills na makakatulong sa ating future.
Halimbawa, pressured tayo sa mga prof na grabe magpa-submit ng projects on a tight deadline. This teaches us time and resource management. Sa thesis defense, hindi naman sila nagtatanong lang basta tungkol sa paper natin. They teach us to think strategically during spontaneous situations. Sa prelim, midterms, at finals, hindi lang naman ang resulta ang talagang after ang mga teacher, kundi sa kung gaano ka kahanda sa mga test na iyon. Kung nag-review ka ba talaga o nagpa-banjing banjing ka lang.
See, time and resource management, strategic thinking, and proactiveness? Wala 'yon sa Linguistics. Pero sa workplace, magagamit natin ang mga ito."
Napaka-mature naman mag-isip ng taong ito. Here I am being problematic about the job that I'm about to have, pero parang ten steps or more pa na mas handa sa akin si Pero, nang hindi ko man lang nakikita sa mukha o galaw niya. I guess maturity isn't found in any college courses.
"Wow. Just wow." That was incredible. Napaka-unexpected na papaliwanagan ako ni Pero ng mga ganoong bagay tungkol sa college life. Feeling ko, ako naman ang magkakaroon ng permanenteng ngiti sa mga labi.
"Gulat ka, 'no?" Kumindat naman si Pero nang tingnan ko siya. "Character development ulit 'yon, Mahal. Tingin mo, puro kalokohan lang ako? 'Di mo lang alam, iniisip ko na ang future nating dalawa. You know, sooner or later, magkaroon ulit ng lover si Tita Diella. Ang awkward naman kung makikitira pa tayo rito. Siyempre, hahanap tayo ng malilipatang bahay. Kahit 'yong maliit na kuwarto lang. Maghahati na tayo ng bayarin sa upa sa bahay, tubig, kuryente, internet, pang-grocery, pati sa gasolina kapag nagka-kotse na tayo. O dahil adventurous ka, gusto mo naka-motorcycle lang tayo pagpasok, para nakahawak ka sa abs ko araw-araw. Tapos—"
I bent down and kissed Pero on the lips. "Ibabahay mo na talaga ako, ah."
"Wala naman akong balak na ipagpalit ka. Ikaw lang naman ang gusto kong makasama habambuhay," ani Pero habang pinaglalaruan ang labi ko ng mga daliri niya habang nakahiga. "At itong mga labing ito lang ang bukod-tanging malalapatan ng sa akin. At hindi ko ito ishe-share sa iba. Akin lang ang mga labing ito."
That was pleasant to my ears. I didn't even hear the news on the background. The hell I care about increasing rate of unemployment.
Napatingin ako sa pagkain namin. Magliligpit na sana ako kaso may natira pang kaunti sa plato. "Oh, busog ka na ba? May konti pang pagkain oh."
"Gutom pa ako," ani Pero.
"Oh, ubusin mo na 'tong natira," saad ko.
"Ayoko niyan. Ito ang gusto ko," Pero spoke, then he turned the other way and buried his face between my thighs.
Ah, eh...
Ano...
'Di naman tatakbo 'yong mga plato.
---
[ Please don't forget to vote and leave your comments about this chapter. Come on, dear. Let's talk about it. What do you like or do you not like on this one? <3 ]
BINABASA MO ANG
Mahal Kita, Pero Book 2: ALL MY LOVE IS FOR YOU / รักหมดทั้งใจให้คุณ
RomansWhich is more painful: the pain of holding on or the pain of letting go? ------ Isang sikreto ang mabubunyag sa pamilya ni Jam. At ang sikretong iyon ay manggagaling sa mga taong naging parte na ng kanilang nakaraan na siyang gagawa ng gulo sa kasal...