Chapter 8: I Wish I Stood Up Like Rosa Parks and Followed My Heart
"MAY KUYA PA PALA AKO..."
Hindi matigil-tigil ang bulong ko simula nang malaman ko ang sikretong iyon. Ang mga Kintanar talaga, napakaraming itinatagong sikreto. I wouldn't be surprised if one of these days, baka si Kuya Kat o Ate Stil ay mayroon ding kailangang ibunyag.
"Cute kaya ang kuya mo?" bulong ni Pero sa kawalan. Magkatabi kami ngayon sa kuwarto namin dito sa bahay ni Tita Diella.
Bigla akong napabalikwas at napabangon. "Seryoso, Mahal?"
"Joke lang. Pero isipin mo, bakit kaya hindi man lang 'yon na-open sa inyong magkakapatid?
"Ayaw siguro ni Papa. Base naman sa kuwento ni Tita Diella, willing na tanggapin ni Mama ang half-brother ko. Ayaw niya siguro na magkaroon ng reminder ng pagkakamali niya," I uttered.
"Hindi naman pagkakamali ng bata na maging anak ito sa ibang babae," anas ni Pero, saka tinalikuran ako. Nakapagtataka.
"Pero? Bakit?"
"Matulog na tayo," Pero murmured.
I knew something was off with the way he behaved. Ramdam ko iyon. "I'm sorry, Pero. Did I offend you?"
"Kaya nga ako napunta sa tiyuhin at tiyahin ko, 'di ba? Kasi, anak ako sa labas ng tatay ko," ani Pero na nakatalikod pa rin sa akin.
I wrapped him with my entire body. "Mahal, I'm sorry for being insensitive."
"Si Lolo Daichi lang talaga ang kinilala kong kapamilya. He secured my future." After saying that, Pero faced me and told his entire story. "May patron na sakang ang Nanay Romana ko nang mag-hostess ito sa Japan. Si Yutaka. Mayaman ito. Negosyante sa Japan. Gustong pakasalan ni Yutaka ang nanay, pero hindi ito pumayag dahil ayaw nitong magpatali. Bumalik ito sa Pilipinas at nakilala ang ama kong si Manuelito Enriquez. Naging maayos ang relasyon ng mga ito, subalit nagloko ang tatay. Ako ang nabuo sa kalokohang iyon."
"Mahal, I'm really sorry," bulong ko, saka hinigpitan pa ang yakap sa kanya.
Nagpatuloy pa sa pagsasalaysay si Pero. "Nagkahiwalay ang Nanay at Tatay. Bumalik sa Japan ang Nanay, at ilang buwan lang ang nakalipas, binawian ng buhay ang Tatay dahil sa isang malubhang sakit. Hindi ako kayang buhayin ng nanay ko, kaya iniwan ako niya sa Tiyuhin kong si Bernardo Immaculada Concepcion at ang live-in partner niyang si Aliana. A year after that, umuwi si Nanay na may kasamang dalawang Hapon. Si Lolo Daichi iyon at ang asawa ni Nanay na si Yutaka. Until I was six, they were here. Yutaka never loved me. At ang Nanay, sinusunod lang ang gusto ni Yutaka. Mabuti pa si Lolo Daichi na hindi ko talaga kadugo, minahal ako na parang tunay na apo niya.
Bumalik sila sa Japan dahil sa katandaan ni Lolo Daichi. Gusto niyang mamatay sa Japan. Kaya naman, sa testamentong ginawa niya, kailangang magtapos ako ng pag-aaral para makakuha ng mana ang mga nag-aalaga sa akin. That was also when I received that jumbo ballpen na iningatan ko talaga.
When I was ten, nalaman kong namatay na ang Lolo Daichi. Doon na rin ako sinimulang pagmalupitan nina Tiyo Bernardo at Tiya Aliana dahil baka wala nang matanggap na biyaya ang mga ito. Gusto ko nang lumayas no'n kaso wala na ang taong inaasahan kong tutulong sa akin. Gusto kong manlaban, pero ano'ng magagawa ko? I wish I stood up Rosa Parks and followed my heart. I should've fought for my rights as a child. I wanted to be free. But I was only ten.
I was thirteen when I found out that Nanay Romana and Yutaka passed away too. Nagkaroon ng engkwentro sa mga Yakuza. Ayun, they were murdered. Also, that was the year that..." Nag-crack ang boses ni Pero sa parting ito. "That I met Mrs. Villegas."
Upon hearing how apprehensive he was to say that name, I broke into tears. I don't wanna play the victim here, but I can't bear the pain of Pero's story. Ang sakit masyado. Naaalala ko na naman nang aminin niya sa akin ang mga kababuyan sa kanya ni Mrs. Villegas.
"I'm sorry, Pero," pag-uulit ko.
He then enclosed me in his arms. "Huwag ka ngang umiyak diyan. Malalagot ako kay General Steel niyan, eh."
"I was just so affected. Hindi ko rin alam, pero ikaw din naman kasi ang nagturo sa akin na maging isang tao. You opened me up with these emotions and I thank you for that," I smooched him on his lips, that he welcomingly accepted.
"Nadala lang din ako, Mahal. I didn't mean to make you feel bad. Siguro kasi hanggang ngayon, dala ko pa rin ang pait ng nakaraan. Kaya nga ang saya-saya ko na matawag si Tita Divina ng Mama kasi parang kinilala ko na rin siyang magulang ko. Ang saya pa niyang kasama. At base sa kuwento ni Tita Diella, totoong napakabuting tao ng Mama mo," litanya ni Pero.
"Definitely," pagsang-ayon ko.
"Kaya kung magkikita kayo ng Kuya mo, iparamdam mo sa kanya ang pagkakaroon ng isang kapatid. Iyon ang pupuno sa pagkatao niya. Who knows? Baka ito pa ang maging kakampi mo laban sa dalawa mo pang kapatid na pinaglihi kay Anastacia at Drizella," biro ni Pero. He was referring to the evil stepsisters of Cinderella. Well, they were evil. Hindi nga lang step-siblings.
Sabagay, may point si Pero. Baka nga ang half-brother kong ito ang mas ituturing akong isang tunay at buong kapatid kumpara kay Ate Stil at Kuya Kat. Now, I'm beginning to be curious who that is.
"Oh, my... Sandali lang..."
"Bakit?"
"Don't tell me ikaw ang half-brother ko?" Ako naman ang nagbiro rito.
"Sira-ulo! Mukha ba akong treinta?" He then pulled a pillow and started hitting me on my body. Humagikgik pa ang loko. Somehow, I think the mood has lightened.
"Buwisit ka!" Siyempre, gumanti ako. I took that square pillow and quickly sat on his tummy and started hitting him on the face. Until he suddenly stopped moving.
And he started making that evil smirk as he locked his hands on my waist.
"Ang hot mo pala kapag nakaupo ka sa ibabaw ko," he uttered.
Parang alam ko na naman kung saan papunta ito.
---
[ Please don't forget to vote and leave your comments about this chapter. Come on, dear. Let's talk about it. What do you like or do you not like on this one? <3 ]
BINABASA MO ANG
Mahal Kita, Pero Book 2: ALL MY LOVE IS FOR YOU / รักหมดทั้งใจให้คุณ
RomanceWhich is more painful: the pain of holding on or the pain of letting go? ------ Isang sikreto ang mabubunyag sa pamilya ni Jam. At ang sikretong iyon ay manggagaling sa mga taong naging parte na ng kanilang nakaraan na siyang gagawa ng gulo sa kasal...