Chapter 13: Unselfish Love

79 13 7
                                    

Chapter 13: Unselfish Love

"MAMA! ANG SAKIT NG NGIPIN KO!"

Dentist si Mama, eh. Of course, kapag may problema sa ngipin, dumidiretso agad kaming magkakapatid sa kanya. Which rarely happens dahil alagang-alaga nga ni Mama ang mga ngipin namin.

I called Mama the next morning and told about my "pretend" toothache. Alagang-alaga ko ang ngipin ko dahil sa mga bilin ni Mama. Kaya bihira talagang sumakit ito.

I just needed an alibi. Kay Mama ako didiretso kung hindi ko puwedeng tanungin si Papa at baka ma-stress pa ito lalo.

I need to make sure na wala ang mga kapatid kong kampon ng demonyo. Weekday naman ngayon at for sure ay nasa work ang mga ito. I just needed to stay a little while para hindi kami magpang-abot ng mga ito.

Good thing I arrived at our house with Pero. Tahimik pa ang paligid. Naroroon lang si Mama at Papa sa sala, nanonood ng TV.

"Yari ka sa Mama mo," pang-aasar pa ni Papa. Natuwa ako kasi somehow nakakapagbiro na ulit siya nang ganito.

"Naku, Jambiya, ano na naman ang pinagkakakain mo?" Dito lang talaga tumataas ang boses ni Mama. Kapag sumasakit ang ngipin naming magkakapatid.

"Naparami po ang kain namin ng ice cream kagabi. Sorry po," paumanhin ni Pero.

"Sorry, Mama," pag-arte ko.

"Ay, naku, tena doon sa clinic. Ilang beses ko nang sinabi sa 'yo..." At hindi na natigil ang pagtatalak ni Mama.

Naiwan naman si Papa at Pero sa sala. Tiningnan ko ito bago kami pumunta ni Mama sa clinic. Kitang-kita sa mukha niya ang takot at pangamba. Ngumisi naman ako bago umalis.

Nasa tabi lang naman ng bahay namin ang clinic ni Mama. Dati ay sobrang active ng clinic na ito. Like, every day, ginagabi na ng uwi si Mama sa dami ng mga patient niya. ('Kala mo naman napakalayo ng bahay ni Mama.) Ngayon, special cases na lang like family members or kakilala. Kasi nag-focus na talaga si Mama sa pag-aalaga kay Papa.

"Upo na," utos ni Mama. Naupo naman ako sa dental chair at nagmumog. Nagsuot naman si Mama ng face mask, saka chineck ang ngipin ko gamit ang mouth mirror. "Saan banda ang masakit?"

"Mama..."

"Ano?"

"Huwag ka magagalit. 'Di talaga masakit ang ngipin ko."

Tinanggal ni Mama ang face mask niya. "Eh, ano ang problema?"

Tumayo ako sa dental chair at napahawak sa kamay ni Mama. "Mama, may gusto akong itanong sa 'yo. And I hope you answer honestly. Mama, may half-brother po ba kami nila Kuya at Ate?"

Ibinaba ni Mama ang hawak na mouth mirror at naupo sa receiving chair. Tinabihan ko naman ito. "Sinabi ba ni Diella sa inyo?"

"Yes, Mama. Pero please, ayokong gumawa ng gulo. Ayokong magalit si Papa. Kaya huwag mo na lang sabihin sa kanya na nasabi ni Tita iyon sa amin ni Pero. Alam ko namang hindi sila in good terms ni Papa," paliwanag ko. "So, totoo ba?'

"Totoo iyon, anak," pag-amin ni Mama.

Napasandal ako kay Mama. "May idea ka ba kung nasaan pa ang Kuya namin?"

"Wala na, eh. Hindi ko alam kung saan dinala ni Leda ang bata. Sinubukan kong kausapin si Nante para hanapin ang bata dahil gusto ko sanang alagaan din ito. Anak iyon ng Papa mo, eh. Ituturing ko rin na anak iyon. Kaso bigo rin sila ng mga tauhan niya. Tsaka 'yon ang panahong tinitingala talaga ang Papa mo ng kapulisan at militar. Iskandalo kasi kapag nagkataong nalaman ng lahat na may anak ito sa ibang babae. Kaya parang hindi na rin napag-usapan talaga ang problemang ito," litanya ni Mama.

"Eh, sa mga kamag-anak o kaibigan ni Tita Leda? Wala po ba kayong naiisip na posibleng kumuha ng bata?"

"Sa kamag-anak, mukhang malabo. Nagalit kasi ang mga magulang ni Leda kay Diella dahil sa pagtatanan ng mga ito. Kaya hindi ang mga itoa ng kumupkop sa bata." Saglit na tumahimik si Mama at napaisip. "Hindi kaya si Blesilda?"

Okay, here we go. May isa na namang na-unlock na character sa kuwento ng half-brother ko. Sana ay ito na ang magturo sa amin dito. "Sino si Blesilda? Nasaan na siya?"

"Taga-Caloocan si Blesilda Reposo, isa sa mga kaibigan namin nina Leda noon. Mahilig ito sa bata, kaya siya ang naisip ko. Ang kaso, ilang taon na rin naming hindi nakikita ito. Hindi ko nga alam kung buhay pa ito o hindi na," pagsasalaysay ni Mama.

"Na-curious ako, Mama. I mean, nito lang din, napag-usapan namin ni Pero kung gaano kasama ang kabataan niya. What more pa kung ang isang bata na hindi talaga nakasama ang mga magulang niya all his life? Gusto kong hanapin si Kuya, Mama."

"Naku, anak. Ako rin, gusto kong makilala ang kapatid ninyo," sabik na sabi ni Mama. "Kung ako lang, nais ko talaga itong makasama at ituring na tunay na anak."

She really is the embodiment of unselfish love. "I'll do my best, 'Ma. Hahanapin ko si Kuya. Siyanga pala, nag-a-apply na kami ni Pero ng trabaho," I uttered to lighten up the mood.

"Ay, talaga? May painter na ako!" Mama exclaimed.

"Artist, 'Ma!" pagtatama ko. Parehas na lang kaming natawa. "Actually, more on digital artist. 'Yong mga in-apply-an ko kasi, more on animation at digital cartooning. Tsaka, Mama, tutulong ako sa mga gastusin dito sa bahay, ha. Sabihan niyo lang ako kung may kailangan kayo."

"Pentioner na ang Papa mo. Maayos naman ang kita ni Stiletto at Katana. May mga pasyente rin ako paminsan-minsan dito sa clinic. Huwag mo kaming alalahanin. Ikaw ang inaalala ko lagi."

"Naku, Mama. Si Tita Diella, sinuggest na magpahinga muna kami ni Pero, dahil ilang taon din naman kaming nag-aral. Kahit ilang months lang daw. Siya naman daw kasi ang bahala sa gastusin. Sabi nga rin namin ni Pero, tutulong din kami kay Tita."

"Nakakatuwa naman kayong dalawa ni Percy. Sana makahanap din si Stiletto at Katana ng mapapangasawa, 'no? Sana kasing-bait ni Percy," she opined.

Si Mama naman! Asawa agad! Pinigilan ko na lang tuloy ang sarili ko na sumabog sa kilig sa pamamagitan ng pigil na ngiti. "Sana."

---

[ Please don't forget to vote and leave your comments about this chapter. Come on, dear. Let's talk about it. What do you like or do you not like on this one? <3 ]

Mahal Kita, Pero Book 2: ALL MY LOVE IS FOR YOU / รักหมดทั้งใจให้คุณTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon