Chapter 21: Been Going Crazy From The Moment I Met You
"SAWASDEE KHRAP!"
Sa mismong paglapag namin ng Don Mueang International Airport makaraan ang tatlong oras, biglang binulungan ako ni Pero ng mga salitang ito. Nag-practice pa raw talaga siya ng basic Thai sentences.
Natutuwa siya na nakikipag-communicate siya in a different language. Sa US kasi, parang normal na sa kanya iyon dahil English naman kasi ang salita roon. Dito, parang medyo na-challenge siya kaya lahat ng pagkakataon para makipag-usap ay hindi niya pinalampas.
Nang nauhaw kami, siya ang bumili sa 7-Eleven ng inumin. Bumili rin kami ng Thai SIM card para maka-connect kami online. At maging sa Grab, siya na rin ang nag-book at kumausap sa driver.
While we are on our way to the hotel, tinawagan ko na agad si Mama. Nagsabi na ako na ligtas naman kaming nakarating dito. As usual, expressionless na naman si Papa, pero ramdam ko naman ang relief niya na maayos ang lagay namin.
From DMIA, tumungo kami sa aming hotel, ang Chocolate Box Mint. Isang oras na biyahe rin iyon mula sa airport, pero parang ang layo ng nilakbay namin. Hindi naman traffic kaya hindi ganoon ka-hassle.
Base sa online searching, ang chic ng hotel na ito. It has a minimalist design. The walls are white and the pipings are black. Simple pero ang sophisticated ng hitsura.
"Sawasdee khrap," bati ni Pero sa lalaking nasa front desk. Pinagdaop pa ni Pero ang mga kamay at nag-bow.
I looked at the guy. Para itong Chinese, pero mukhang may lahing Thai rin. About my height, lean, wearing glasses, fair-white, infectious smile.
"Sawasdee khrap," bati ng receptionist. "Can I have your booking form?"
In fairness kay Kuya, okay siya mag-English.
"Hi, I'm Percy. You are..." Nakipagkamay pa si Pero, na tinanggap naman ng receptionist.
"I'm Cade. Nice to meet you. Are you Korean?"
Tumingin naman sa akin ang napakagaling kong boyfriend. "Oppa, 'di ba?"
Kanina ay inaasar ko ito sa airport. Pagkakaguluhan daw kasi ito ng Thai paglapag ng eroplano namin. Eh, ang sumalubong lang sa amin ay airport staff.
Bottom line, nag-post na lang siya ng story sa Instagram ng kanyang outfit.
Finally, someone noticed his K-Pop look. Sige na nga.
"Ewan ko sa 'yo," sopla ko.
"No, we're Filipinos from the Philippines," Pero replied to Cade.
"Malamang, Filipino nga, eh," sabad ko. Palibhasa may nakapansin nang mukha siyang K-Pop star.
"Ay, beshy, walang OFW? Sa San Francisco nga, ang dami, eh," pambabara pa niya, na nginisian ko na lang. Because when he mentioned San Francisco, biglang pumasok na naman sa isip ko si Nazareth.
I just played it cool. Ayokong mahalata ni Pero na ang lakas ng kabog ng dibdib ko nang maisip ko si Nazareth. Gosh, sana ay hindi na kami magkita ulit.
Matapos ibigay ni Cade ang mga necessities namin, ihinatid kami niya sa aming hotel room. I am so satisfied on how clean the room is. Nakadagdag-appeal at linis pa lalo ang black-and-white motif niya.
After putting all our baggages on the side, sabay kaming nahiga ni Pero sa napakalambot na kama. Pati ang mga unan, sobrang lambot.
There was also this huge mirror leaning on the wall. Parang pader na ito sa laki. Kitang-kita talaga kung sino ang nakahiga sa kama mula ulo hanggang paa.
We looked each other on the mirror. Currently, we're spooning. He's behind me and he's grabbing all of me and pulling it closer to his body.
"Ang cute nating magkayakap. Ngayon ko lang nakita tayong dalawa na magkayakap."
"Na-cute-an ka na naman sa 'kin," saad ko.
"Noon pa. I've been going crazy from the moment I met you. Teka nga." He grabbed his phone from his pocket and took a picture of us.
"Don't tell me, ipo-post mo rin sa Instagram iyan?" I asked.
Ipinatong naman agad ni Pero ang cellphone niya sa side table. "Does it matter to you?"
"Ang alin?"
"Na maging Facebook-official tayo? Instagram-official? Twitter-official?"
I turned the other way around and faced him. "Laos ang lahat ng 'yan sa family-official."
Pero nodded. "Fair enough, Mahal."
"I mean, ano ba ang ipo-prove natin sa social media? Hindi naman sila ang nagva-validate ng relasyon natin. Well, it is just good to let our families know about us, pero sa totoo lang, we only validate our relationship on how we feel about each other. Mahal kita, mahal mo ako. Wala na akong pakialam kung ano ang perception ng social media sa pagmamahalan natin," mahabang litanya ko.
"Naks naman. Kinilig naman ako doon," usal niya. Pero even bit his lower lip.
"Kaya kung ipo-post mo sa Instagram mo ang tungkol sa atin, it's up to you. Legal naman na tayo sa side ng pamilya ko. At sigurado akong happy naman si Lolo Daichi na ako ang pinili mong mahalin," I confidently said.
"Sapat na ang pagmamahal mo para mahalin kita. But who would have thought that there are million other reasons for me to love you more?" Pero cupped my face and granted me with a sensual kiss. "I love you, Mahal ko."
"Mahal din kita, Mahal." A passionate exchange of kisses took place in this sizzling moment. I don't know if we're going to do it, but I'll just go with the flow. I kissed him back as desirous as I could.
The kiss didn't stop and his hands won't go elsewhere. Ako na ang kumawala sa paghagkang iyon. Baka pagod pa sa biyahe si Pero.
I don't know how should I feel. I wanted to have sex, but it seemed that I was only waiting for him to do something. Hindi kaya hinihintay lang din niya na ako ang mag-first move?
I recalled all our intimate moments. Oo nga. Siya nga lagi ang nagfi-first move.
Maybe some other time. I'm too confused right now. Yumakap na lang ako sa kanya nang sobrang higpit para iparamdam pa ang pagmamahal ko rito. Then, I asked him. "Mahal, napagod ka ba sa biyahe?"
"Hindi naman masyado. Bakit?"
"Let's find my brother."
Agad na tumindig si Pero at sumaludo pa. "You're the boss, Mahal."
---
[ Please don't forget to vote and leave your comments about this chapter. Come on, dear. Let's talk about it. What do you like or do you not like on this one? <3 ]
BINABASA MO ANG
Mahal Kita, Pero Book 2: ALL MY LOVE IS FOR YOU / รักหมดทั้งใจให้คุณ
RomanceWhich is more painful: the pain of holding on or the pain of letting go? ------ Isang sikreto ang mabubunyag sa pamilya ni Jam. At ang sikretong iyon ay manggagaling sa mga taong naging parte na ng kanilang nakaraan na siyang gagawa ng gulo sa kasal...