CHAPTER SIX

174 6 0
                                    

CHAPTER SIX


“I said I don’t need those!” sigaw ni Zephyr kaya napaatras si Athena. Nakuha rin nila ang atensyon ng ibang kaklase nila. Halata sa mukha ng dalaga na nasindak ito. Mukhang napasobra ata siya. Huminga siya ng malalim bago muling nagsalita. “Just stay away from me, Athena.”

Simula nung lumipat siya sa Ozutir ay hindi na siya nakaramdam ng saya. Nasira pa ang cellphone niya at hindi niya alam kung papano tatawagan ang mga kuya niya. Athena gave him a phone and a bag pero ayaw niyang gamitin iyon. Lalo lamang siyang manliliit sa sarili niya.

Tiningnan niya si Athena na nasa katabi niya lang. Tulala ito na tila naiiyak. Nakaramdam tuloy siya ng konsensya. Oo nga’t wala namang ginagawang masama si Athena.

In fact, pinagtatanggol siya nito. Hindi niya lang maintindihan ang sarili kung bakit kailangan niyang sungitan si Athena. Siguro dahil si Athena ang dahilan kung bakit nasa Ozutir siya. At simula nung lumipat nga siya ay naging magulo na ang tahimik niyang mundo.

Actually, okay naman ang lahat eh. Naging magulo lang talaga simula nung gabing nakilala niya si Athena.

Mukhang napasobrahan nga niya ang pagtataboy kay Athena dahil hindi siya nito ginulo maghapon. Sila Christof panay pa rin ang pambu-bully sakanya. Kanina nga ay tinali ng mga ito ang bag niya sa likod ng upuan.

Hindi man siya kinukulit ni Athena pero ginagantihan nito sina Christof sa tuwing may ginagawa ang mga ito sakanya. Pinagtatanggol pa rin siya nito kahit hindi sila nagpapansinan. Kanina, itinago ni Athena ang bag ni Christof sa likod ng white board bilang ganti.

Nasa kwarto na siya ng dorm at tinititigan ang paperbag na bigay ni Athena. Hindi pa niya inilalabas ang mga laman non.

“Why don’t you open it?” sabi Eliezer na napalingon sakanya habang gumagawa ito ng homework. “Hindi ko masyadong kilala personally si Athena, but I heard she’s never been with a guy before. Like nagtataka nga ako why she’s into you.”

“Really?” tanong niya. Tumango naman ito. Hindi naman kasi maitatangging napakaganda ni Athena. Filipino-American ang dalaga kaya naman mas malakas ang dating nito.“Just open her gift. Sayang naman kung titigan mo lang.”

At alam rin niya sa sarili na siya ang nakauna sa dalaga. Iyon man ang kauna-unahan niyang karanasan sa sex pero alam niyang siya ang nauna rito.

Tumango nga siya at inilabas na ang laman ng paper bag. Unang nakita niya ang school bag, kulay kahel iyon. Maganda di hamak iyon kumpara sa mumurahin niyang bag na nabili niya sa palengke. Sunod niyang inilabas ang cellphone.

Maganda ang android phone na iyon. Latest android pa yata ang binili ni Athena. Magkano kaya ang nagastos nito? Kung titingnan ay siguro pang isang buwan ng sahod ng kuya Mike niya iyon. O baka kulang pa nga.

Nangunot noo siya ng may makitang note sa box ng cellphone. Sulat kamay iyon at galing kay Athena. Ito ang nakasulat; I’m sorry, Zephyr. I know you’re having a hard time here in Ozutir but don’t worry I’ll help you to be able to adjust faster. Allow me to do that. Let me help you. Don’t ignore me. I’m sorry about telling people that you’re my boyfriend. It will not going to happen again. Please, use these things. This phone, use this to call your brothers. Okay?

Napabuntong hininga siya. Sa kabila ng pinapakita niyang pagsusungit kay Athena ay napakabait nito sakanya. Naiinis ba siya sa dalaga dahil lang sa naco-confuse nito kung ano talaga ang pagkatao niya?

“You’re not gay, are you?” napapitlag siya ng magsalita muli si Eliezer. Tiningnan niya ito na tila nagtataka. Nakita naman niyang bumuntong hininga ito. “There’s nothing wrong being a a gay. Okay? But bro, if you’re gay malamang lagi kang nakatitig saakin. I am not feelingero ah. Just that if your gay, you’re into guys. You like Athena ba? Or you’re still confused pa?”

MORRISON SERIES #3: ZEPHYR|R-18|ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon