CHAPTER TEN

112 4 0
                                    

CHAPTER TEN



“HEY, is something bothering you?” napapitlag si Athena nang basagin ni Micko ang katahimikan. Kasalukuyan silang kumakain pero natutulala siya. Iniisip pa rin kasi niya ang tumawag kanina na unknown number, it’s been ten years pero kilala pa rin niya ang boses na iyon.

“W-wala. Iniisip ko lang yung folder na naiwan ko sa office, dapat ay mamaya ko yun tatapusin eh.” Sabi nalang niya. Isa pa ‘yun sa iniisip niya, kung bukas pa niya gagawin ay baka matambakan na naman siya ng mga gawain.

“Athena, pwede bang kahit ngayon lang ay matulog ka muna ng maayos? Paano kung magkasakit ka?” sabi ng binata. Bumuntong hininga lamang siya. “Is that urgent? Bukas mo na gawin iyon.”

“Okay.” Iyon nalang ang sabi niya. Kung makikipagtalo pa siya rito ay wala rin mangyayari.

“After nating kumain ay matulog kana, ako na ang bahalang magligpit nito. And aalis na rin ako pagkatapos.” Sabi nito kaya napangiti siya.

“Why are you so good to me, Micko?” tanong niya.

“Hindi na dapat ‘yan tinatanong.” Sabi nitong nakangiti. “Finish your food para makapagpahinga kana.”

Nang matapos nga siyang kumain ay pumasok na siya sa kwarto. Ang binata na nga ang nag-ayos sa mga pinagkainan nila. Nahiga siya sa kama at tila kusang nagflash back sa isip niya ang mga nangyari ten years ago.

“WE’RE bestfriend na from now on, okay? Sabay tayong ga-graduate dito. Sabi naman ni tito ay hanggang makapagtapos ka ng college yung scholarship mo. Kaya sabay tayo hanggang college, okay? Promise me.”

“I promise.”

Simula nga nang gabing iyon ay madalas na silang mag-usap ni Zephyr. Oo, tinanggap nalang niya ang mga nangyari sakanila, na one night stand lamang ang nangyari sa pagitan nila. Masakit, pero kung iyon naman talaga ang kailangang gawin ay bakit hindi.

“Ano bang course ang balak mong kunin?” tanong ni Zephyr isang araw.

Nasa library sila ng hapon na iyon at gumagawa ng homework. Doon sila dumeretso matapos ang klase. Ang mga libro kasi sa common area ay mga pampalipas oras lamang na libro, nasa library talaga ang mga librong para sa assignments. Walang internet kaya kailangan talaga nilang matutong maghanap ng libro at hindi puro google lang.

“Architecture.” Sagot niyang nakangiti. “Gusto ko kasing maging kagaya ni tito Gregory, eh.”

“Sabi ko nga rito kay Athena, huwag kaming mag arki kasi for sure mahirap iyon!” nakasimangot na saad ni Carla.

“Hindi ko naman sinabing sumama ka, Carla.” Natatawa niyang saad. Pati si Zephyr ay natatawa rin kaya ito naman ang tinanong niya. “Ikaw, Zephyr? Anong gusto mo?”

“Gusto ko rin maging Arc—”

“Guys! Look may magpapakamatay yata!” naputol ang sinasabi ni Zephyr nang may napansin si Carla. Kaya naman tumingin sila ni Zephyr kung saan nakatingin si Carla. “Parang kilala ko yun ah—”

“Not again. Micko!” aniya at nagmadali na siyang lumabas ng library nang makilala ang taong nasa ibabaw ng rooftop at mukhang magpapakamatay pa nga.

Mabilis ang takbo niya. Ilang araw na rin kasing hindi pumapasok si Micko at hindi niya alam ang dahilan. Hindi rin naman niya matawagan dahil wala sakanya ang phone number nito. Nawala nga si Micko sa isip niya simula noong naging magkaibigan sila ni Zephyr.

Nang makarating sa rooftop ng building ay agad niyang nakita ito nakatayo nanaman sa gilid ng rooftop.

“Micko. . .” tawag niya. Tulad ng dati lumingon itong muli.

MORRISON SERIES #3: ZEPHYR|R-18|ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon