CHAPTER FIVE
“CARLA, bilisan mo maglakad!” hinihingal na sabi ni Athena. Kararating nila sa school at talaga namang binilisan niya ang paglalakad papuntang classroom. Gusto na niyang makita si Zephyr. Malapit naman na sila sa kanilang classroom kaunting hakbang nalang. “Carla, ang bagal!”
“Alam mo, maaga pa para sa first class. Bakit ka ba nagmamadali?” tanong nito.
“Namimiss ko na si Zeph—” Nang buksan na niya ang pintuan ay natigil siya sa pagsasalita dahil sa nadatnan niyang senaryo sa loob. Agad kumulo ang dugo niya. “WHAT THE HELL ARE YOU DOING, CHRISTOF?!”
Nakakalat ang mga gamit ni Zepyr sa floor. Habang si Zephyr ay nakaupo lang sa isang tabi at hinahayaan sina Cristof gawin ang mga bagay na ikinatutuwa ng mga ito. Dali-dali nga siyang nagtungo sa kinaroroonan ng gamit ni Zephyr at isa isang pinulot saka isinilid sa bag ng binata. Napailing pa siya ng makita na may nakasulat sa bag nito; I’M GAY.
“Oh, Athena.” Si Drake Chen. Isa sa mga kaibigan ni Christof.
“You’re too much.” Sabi niya. “I told you to leave Zephyr alone!”
“Athena. . .” si Carla na tila natatakot. Tumayo siya nang matapos maayos ang gamit ni Zephyr at hinarap ang tatlo. “Athena, tama na.”
“So kaibigan mo rin ‘yang looser na ‘yan?” tanong ni Christof. Hinawakan pa siya sa pisngi pero tinabig niya ang kamay nito. “Who is he, Athena?”
“My boyfriend!” sigaw niya kaya nagtawanan ang mga kaklase niya. “What? Why are you laughing? Did I say anything funny?”
“Boyfriend? I don’t know that you’re into gays. Kaya pala hindi ka nagpapaligaw, Athena.” Tumatawang saad ni Drake.
“Athena, that’s enough.” Si Zephyr. Tumayo ito at kinuha ang bag saka lumabas.
“Zephyr!” tawag niya. Tumingin siya kina Christof at sa mga kaibigan nito. “Leave my boyfriend alone!”
Tumawa lang ang mga ito. Hindi na niya iyon pinansin. Nagmamadali na siyang lumabas at sinundan si Zephyr. Nasaan na ba iyon? Tumakbo pa siya ng tumakbo hanggang sa makita niya ito sa may bandang garden ng school. Nakaupo malapit sa fountain. Dali-dali niya itong nilapitan.
“Zephyr. . .” sabi niya. Tiningnan siya ng masama. Tumingin siya sa bag nito na may nakasulat na I’M GAY. Mukhang mahirap na tanggalin iyon. “Z-zephyr, don’t worry I will b-buy you new one—”
“Just stop, Athena!” mariin nitong saad sa malambot na boses.
“Zephyr, I’m just trying to help.” Aniya. Naiinis siya sa ginawa nila Christof pero siguro nga kasalanan niya rin kung bakit nasa Ozutir ang binata.
“By saying that I am your boyfriend? Mas lalo lang akong pagti-tripan ng mga iyon!” sigaw nito. “I’m trying to ignore them, Athena! Gusto ko lang makapagtapos dito. And I am thankful for that scholarship na binigay ng tito mo. But you know what? Kung alam ko lang na magiging ganito ang buhay ko rito ay baka hindi ako pumayag! Leave me alone, Athena!”
Matapos sabihin iyon ni Zephyr ay iniwan na siya doon. Huminga siya ng malalim. Ignoring him is not going to help. Ibu-bully parin ito ng mga walang magawa niyang kaklase. Kaya hindi niya hahayaan lang iyon. Kung itaboy man siya ni Zephyr ay ayos lang. Siya ang may pakana kung bakit naroon ang binata, kaya po-protektahan niya pa rin ito sa ayaw at sa gusto.
***
“GIVE me back my phone, Crhristof!” naiinis na si Zephyr kay Christof at sa mga kaibigan nito. Nasa dorm na siya at hindi talaga siya tinatantanan ng mga ito. Nang gabi ngang iyon ay nasa common room siya at nagbabasa ng libro.
BINABASA MO ANG
MORRISON SERIES #3: ZEPHYR|R-18|ON-GOING
Romance[WARNING: RATED SPG!] MORRISON SERIES #3 Athena Vanesse Morrison and Zephyr Frost Dela Vega DATE STARTED: SEPTEMBER 13, 2023 DATE FINISHE: