CHAPTER EIGHTEEN
“HE died that day you saw me and Eliezer in that room.” Natigilan si Athena sa impormasyong inilalahad ni Zephyr. Kitang kita niya ang pangingilid ng mga luha ng binata. “Nalaman ko rin na hindi nakapagbayad ng bills sina kuya France kaya hindi agad naasikaso ang kuya Mike ng mga doctor.”
“ATHENA, bumalik kana sa room niyo niyo. Ako na ang maghahanap kay Zephyr.” Umiling lang si Athena sa sinabing iyon ni Micko. Kasama niya ang binata sa paglilibot sa campus. Alas dose na ng gabi at maingat nga silang naglalakad upang hindi sila makita ng guards na naglilibot rin sa campus tuwing gabi.
Two weeks na rin ang nakalipas simula noong nagsimula ulit ang klase matapos ang sembreak. Okay naman sila Zephyr nung mga nakaraang araw pero nung tumagal ay tila madalang niya itong makausap. Ni hindi pa ito sumasagot ng mga tawag.
“Ikaw nalang ang bumalik, Micko.” Sabi niya. Nakita kasi niya kanina ay magkasama si Zephyr at Eliezer sa common area ng dorm. Mukhang seryoso ang usapan nila kaya hindi na siya lumapit kanina. Nagbihis muna siya sa room nila ni Karla at pagbalik niya sa common area, wala na ang dalawang binata.
“No. Sasamahan kita.” Giit ni Micko.
“May kutob akong magkasama sila ni Elie.” Aniya. Ilang araw na rin kasi siyang tila hindi mapakali. Parating magkasama si Eliezer at Zephyr at laging tila seryoso ang usapan ng dalawa sa tuwing nakikita niya ang mga ito.
Ang nobyo niya, sa tuwing tinatanong niya kung anong pinag uusapan nito at ni Elie ay laging tungkol sa acads. Nung una naniniwala siya, pero may kutob siyang hindi lang tungkol sa acads iyon.
At ayun nga, ang sabi ng mga katabing room nina Zephyr at Elie ay wala daw tao sa loob ng room kaya naman kinutuban siya ng masama. Nasaan ang dalawa? Kanina pa sila paikot ikot sa campus, si Karla, nasa dorm. Sinabi kong maiwan na siya upang kapag tumawag ang mommy, may sasagot at sasabihin lang nitong tulog na siya.
“Dito tayo.” Hinila siya ni Micko sa isang building kung saan luma at hindi pa nila napuntahan kanina.
“Do you think nandiyan sila?” aniya.
“Maybe? Hindi pa naman natin napuntahan dito parte.” Sagot ng binata. Tama. Kinakabahan man ay humakbang nalang siya patungo sa building na iyon.
May isang classroom nga doon na may nakabukas ang ilaw, sa bandang dulo.
“W-wait. . .” hinawakan niya ang braso ni Micko dahilan upang mahinto sila sa paglapit sa classroom na iyon.
“Want me to go there and wait me here?” tanong ng binata. Umiling siya, gusto niya rin makita kung ano ang nasa classroom na iyon.
“L-Lets go together.” Sabi niya at nagpatuloy na nga sila sa paglalakad.
Malakas ang pakiramdam niya na may hindi magandang mangyayari nang gabing iyon. Hindi pa man niya nakikita kung anong nasa loob ay para na siyang naiiyak. She can feel it. Nang makapasok nga sila sa classroom ay tila nahulog ang puso niya.
Literal na parang nahulog dahil sa nakita sa loob.
“N-No.” aniya habang tumutulo na ang mga luha niya. Kitang kita kasi niya ang dalawang binata na magkayakap sa loob ng classroom na iyon. Nakatayo si Eliezer sa harap ni Zephyr na nakaupo. Nakatanggal pa ang shirt ni Eliezer na hawak hawak ni Zephyr at nang makita nga siya ay agad agad humiwalay ito sa kanyang nobyo.
“A-Athena. It is not what you think.” Agad na saad ni Eliezer at nang makalapit nga ay dumapo na agad ang mga palad niya sa pisngi nito.
“Mga baboy kayo!” sigaw niya. Tumingin pa siya kay Zephyr na tila tulala lang. Hindi niya mabasa ang mukha nito. Kaya naman galit nag alit siyang nilapitan ang binata. “Zephyr!”
BINABASA MO ANG
MORRISON SERIES #3: ZEPHYR|R-18|ON-GOING
Romans[WARNING: RATED SPG!] MORRISON SERIES #3 Athena Vanesse Morrison and Zephyr Frost Dela Vega DATE STARTED: SEPTEMBER 13, 2023 DATE FINISHE: