CHAPTER TWO
Habang papalapit siya sa burol ay isang bulto ng lalaki ang nakita niya. Isang lalaki na nakaupo sa ilalim ng puno. Puting kumot ang inuupuan nito at may hawak na gitara. Nakaharap ito sa karagatan. Napahinto sa paggigitara ang lalaki ng marinig siya nito.
Paglingon nito sakanya ay tila ba nakakita siya ng isang artista. He is very masculine. Sakto lang ang pangangatawan. Halatang matangkad ito. Itinaas pa niya ang kamay nito upang itakip sa mata, nasisilawan kasi ito ng ilaw mula sa ATV niya. Kaya naman pinatay niya ang makina.
Bumaba sya sa ATV at saka unti unting nilapitan ang lalaki. Sino kaya ito? Bakit ngayon lamang niya to nakita sa Sanctuario?
"H-hi." Siya ang unang nagsalita. Habang papalapit siya ay unti-unting lumilinaw sa paningin niya ang ka-gwapuhan ng binata. "W-who are you? What are you doing here?"
Nakasoot ito ng puting sando at puting shorts. Nakita niya rin sa gilid nito ang dalawang bote ng wine. Sa palagay niya'y nagda-drama ito o naglalasing siguro. Nakatingin lang ang binata sakanya. Habang siya nakangiti at sinamahan pa ang binata. Tumabi siya sa puting kumot na iyon.
"I'm Athena." Aniya at iniabot ang kamay sa binata.
"Zephyr." Tipid na sagot nito. Napangiti siya dahil may kung anong kilig ang naramdaman niya ng hinawakan ng binata ang kamay niya nang mag shake hands sila. Lalo na ng ngumiti ito. He has a perfect smile. He's very attractive. Napaka gwapo rin ng boses nito. Lalaking lalaki.
Oo nga at maraming nagtatangkang ligawan siya, pero ni isa wala man lang siyang mapili. Pero ngayon tila ito ang kauna-unahang pagkakataon na naatract siya sa isang lalaki. Sabi ng mga kaibigan niya, masarap daw magmahal. At gusto niya rin namang makaramdam ng ganon.
Gaya ng napapanood niya sa Disney. She believes that she's one of the Disney princesses she's watching on television. That one day she will have a prince. A prince that will love her and take care of her forever. Because she believes, every woman is a princess and every princess have a prince. Just as Aurora and Philip, Ariel and Prince Eric, Belle and the Beast, Jasmine and Aladdin, Tiana and Prince Naveen, Rapunzel and Flynn, and many more.
At sa palagay niya'y nasa harap na niya ang prinsipeng para sakanya.
"Why are you here?"
"Tambay lang." sagot nito. Tumingin siya sa bakanteng tela sa tabi ng binata. "Upo ka?"
Umupo nga siya sa tabi nito. Dahil maliwanag ang buwan ay kitang kita niya ang kagwapuhan nito. It feels like she's looking to a man from Disney movies. Ang mga mata nito'y nakatingin sa karagatan. Kaya napatingin rin siya doon.
"Ang ganda 'no?" sabi niya. Hindi umimik ang binata. "You know what? This is our spot. I mean our family's favorite spot. But I'll give you the permission to go here anytime. Ngayon lang kita nakita? Bisita ka ba dito sa farm?"
Paminsan minsan kasi ay may mga bisitang nag o-overnight sa farm kaya hindi na bago sakanya na makakita ng ibang tao. Inisip niya nalang na isa ito sa mga nag-overnight na bisita.
". . ." mukhang malalim ang iniisip nito. Tila ayaw magsalita.
"You playing guitar?" tanong nalang niya.
"Want to play you a song?" tanong nito. Agad naman siyang ngumiti saka tumangu-tango. "I once watched this in a movie."
"Oh? What movie?"
"The title of that movie. . .Once upon a Song. That movie was like a story of Cinderela." Sabi nito. Kaya napangiti siya lalo. Nanonood din pala ito ng mga Disney movies. "I will sing a song from that movie, the title is, possibilities."
BINABASA MO ANG
MORRISON SERIES #3: ZEPHYR|R-18|ON-GOING
Romance[WARNING: RATED SPG!] MORRISON SERIES #3 Athena Vanesse Morrison and Zephyr Frost Dela Vega DATE STARTED: SEPTEMBER 13, 2023 DATE FINISHE: