CHAPTER NINE

133 5 0
                                    

CHAPTER NINE




“KUYA, okay nga lang ako.” Nang gabing iyon ay nag-aalala si Zephyr nang tumawag ang kanyang kuya. Sa ngayon ay kausap niya ang kuya Mike niya. Nararamdaman raw nito ang mga sintomas na naramdaman ng kanilang ama sa sakit nitong HIV. “Kayo ang inaalala ko diyan.”

“Huwag mo kaming intindihin. Basta mag-aral ka diyan para hindi ka matulad saakin.” Sabi naman nito. “Na ganito lang ang inabot ko.”

“Proud ako sa’yo, kuya. Huwag ka sanang mag-isip ng kung anu-ano.” Sabi pa niya. “Pero please lang kuya, ayokong magaya ka kay papa. Pwede bang alagaan mo rin ang sarili mo?”

“Magiging okay rin ako.” Sagot nito.

“Kuya, uulitin ko alam mo namang ayaw kong magaya kay papa. Huwag ka nalang makipagkita pa doon sa boyfriend mo. Pwede bang mag-focus ka nalang diyan sa sanctuario?” dagdag pa niya. Naikwento kasi nitong tuwing day off ay lumalabas ito upang kitain si Fernan, ang boyfriend nitong nakilala sa bar.

“Alam mo naman na kailangan din ako ni Fernan.” Sagot nito. “Tatlong taon ko na siyang boyfriend.”

“Tatlong taon pero hindi ka sigurado kung may iba pa siyang kinikita maliban saiyo, kuya. Kuya, ang gusto ko lang din naman ay maging maingat kayo.” Sabi niya. “Sigurado ka bang walang sakit iyon?”

“Huwag kanang magalit. Oo na, huwag ka nang mag-alala diyan, okay? Okay lang ang kuya mo. Malakas pa.” dagdag nito.

“Basta kuya, magpatingin ka sa doctor ah. Mas okay na yung naaagapan agad.” Aniya.

“Oo na, bunso. Sige na.” sagot naman ng kuya niya kaya bumuntong hininga siya.

“Okay kuya, magpapahinga na rin ako. Ingat kayo diyan.”

Malungkot siyang tumingin sa kisame. Tumingin siya sa kabilang kama at nakita naman niyang tulog na tulog na si Eliezer. Bumangon siya mula sa pagkakahiga at lumabas ng kwarto. Sa common area muna siguro siya. Magbabasa ng libro upang makatulog. Baka kasi kapag nasa loob lang siya ng kwarto ay maalala niya ang malungkot na nangyari nang mawala ang ama-amahan nila.

Wala siyang pwedeng mapagsabihan ng bigat ng nararamdaman niya kaya kailangan niyang labanan iyon. Kung maari nga lang sanang hilain nalang ng mabilis ang panahon ay gagawin niya upang sa ganon, hindi na ganon nahihirapan ang kuya Mike niya. Na kayod kalabaw mapaaral lamang silang tatlo.

“Athena?” nagulat siya ng madatnan si Athena sa common area.  Ito lang at siya ang taong naroon. Ngumiti naman ito agad ng makita siya. “Ginagawa mo rito? Hindi ka ba makatulog?”

“Hindi eh. May iniisip lang ako.” Bumuntong hininga pa ito. Tila malalim nga ang iniisip nito kanina dahil nakatulala lang ito ng makita niya. “Halika, samahan mo ako. Ikaw? Bakit gising ka pa?”

“May iniisip lang din.” sagot niya. Umupo nga siya sa sofa, sa tabi ni Athena. Tumingin siya sa dalaga. Siguro ito na rin yung oras para sabihin ang mga bagay na matagal na niyang gsutong sabihin dito. “Athena. . .”

“Hmm?”

“About sa nangyari saatin sa sanctuario. . .sana mapatawad mo ako.” Sabi niya. Ngumiti naman ang dalaga. “Sorry kung iniwasan kita pagkatapos nun. And I am sorry sa mga salitang nasabi ko na maaaring nakasalit sa’yo.”

“Tell me, Zephyr. Ano ang mga iniisip mo nung sandaling iyon? Are you really a gay? Because for me, you’re not.” Sabi lang ni Athena. Bumuntong hininga siya. Pati siya, hindi na niya alam kung bakla ba siya. Napapansin din kasi niya ang unti-unting pagbabago ng boses niya. “That night, I felt magical. Lalo na nung kinantahan mo ako? No one ever do that to me. That was so sweet of you, Zephyr.”

MORRISON SERIES #3: ZEPHYR|R-18|ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon