CHAPTER EIGHT
“ATHENA, let’s talk.” Napapitlag si Athena ng pinuntahan siya ni Christof sa kanyang upuan matapos ang klase. Pauwi na ang lahat ng sandaling iyon. Tumingin siya sa binata at seryoso itong nakatingin sakanya. “Can we talk for a minute?”
“Anong kailangan mo kay Athena?” si Zephyr.
“May kailangan lang kaming pag-usapan, don’t worry.” Sagot naman nito.
“It’s okay, Zephyr. Mauna na kayo ni Carla sa dorm.” Sabi naman niya. Mukhang nasa katinuan naman kasi si Christof ngayon.
“Are you sure, Athena?” sabi ni Carla. Tumango siya. Tumingin pa siya kay Zephyr, bakas ang pag-aalala nito.
“It’s okay.” Sabi niya. “I’ll see you nalang sa dorm.”
Nang makaalis na nga ang dalawa ay tumingin siya kay Chrsitof. Nakita naman niya itong bumuntong hininga. Nang silang dalawa nalang ang nasa classroom ay umupo siya sa upuan. Ganon din ang ginawa ng binata. Nakaharap silang pareho sa whiteboard.
“Anong sasabihin mo?” tanong pa niya.
“Look, I am so sorry about what happened last night.” Sabi nito sa kalmadong tono.
“It’s okay. As long as hindi mo na guguluhin si Zephyr.” Sabi niya.
“Have told anyone about. . .about. . .” tila hindi nito maituloy ang sinasabi kaya tumingin siya sa binata. Ganon din ito. “I mean, may nasabihan ka about sa nangyari? Ang dahilan kung bakit kita naitulak? I mean. . .Okay fine! You’re right, Athena. I am gay!”
“What?” halos hindi niya alam kung anong reaction ang dapat niyang maramdaman ng sandaling iyon. Tinitigan niya ito at mukha namang seryoso ito. Christof did try to court her last year! So totoo ngang bakla ito?
“I know, it’s weird. Pero ayun ako eh. Kaya lang naman ako nagalit kagabi dahil muntik mo na akong mabuko sa harap ng mga kaibigan ko. Can we just keep this as a secret?” gusto niyang matawa pero nasa serysosong usapan sila kaya nagpigil siya. “What about Carla, sinabi mo ba ang tungkol doon?”
“N-no. . .” sabi niya. Nauutal pa siya dahil tila processing pa ang utak niya ng sandaling iyon. “So, you’re a gay?”
“Y-yeah. At sana saatin lang dalawa ito. Can I count on you?” tanong pa nito kaya tumango siya.
“Okay. I promise. Your secret is safe with me.” Aniya. “Pero teka, bakit mo pinagti-tripan si Zephyr kung ganon?”
“I like him.” Sabi nito kaya naman mas lalo siyang nagulat. “He’s gay, right? So maybe, we’re meant to be—”
“Zephyr is mine, Christof. Back off. He is not gay!” masungit niyang pinutol ang sinasabi nito. “Ano ka ba? Andaming pwede sa classroom. Huwag lang si Zephyr, okay?”
“He’s the one I like.” Sabi nito kaya inirapan niya ang binata.
“Your secret is safe with me as long as tantanan mo rin si Zephyr.” Iyon nalang ang nasabi niya.
“Grabe siya!” anito. Natawa nalang siya bigla ng sandaling iyon dahil hindi niya akalain na ang matapang at mayabang na si Christof ay lalaki rin pala ang gusto. “So, deal?”
“Deal.” Sabi niya. Natatawa nalang siyang naglakad pauwi sa dorm. Hindi talaga siya makapaniwala na bakla si Christof. Habang naglalakad patungo sa dorm ay may naririnig siyang sigaw mula sa taas.
“LET ME DIE!” iyon ang naririnig niyang sigaw at tila pamilyar ang boses nito. “FUCK THIS LIFE!”
Micko? Hindi niya palaging nakakausap si Micko pero malakas ang kutob niyang si Micko iyo. Tumingala siya sa taas. At doon na nga nanlaki ang mga mata niya ng mula sa kinaroroonan niya ay kitang kita niya si Micko sa roof top ng isang apat na palapag na building.
BINABASA MO ANG
MORRISON SERIES #3: ZEPHYR|R-18|ON-GOING
Romance[WARNING: RATED SPG!] MORRISON SERIES #3 Athena Vanesse Morrison and Zephyr Frost Dela Vega DATE STARTED: SEPTEMBER 13, 2023 DATE FINISHE: