CHAPTER SEVENTEEN
HILONG-Hilo si Athena nang araw na iyon. Late siyang natulog kagabi at hindi na rin siya nakapag almusal dahil maaga siyang pumasok upang maglibot sa projects niyang hawak. Malaking tulong rin talaga at nag hire siya ng apprentice kahit papano ay nababawasan ang stress niya.
Nang makabalik nga siya sa opisina ay pakiramdam niya ay nanghihina siya. Parang umiikot rin ang paningin niya kaya sinubukan niyang pumikit. Ilang araw na ba siyang nagpuyat at hindi kumakain sa tamang oras? Ni hindi na rin siya masyadong naghahawak ng cellphone dahil marami talaga silang hinahabol na deadlines.
Si Micko, ilang beses tumawag pero hindi niya nasasagot. Nag-text nalang siya rito na busy siya. Dahil iyon naman ang totoo. Isa pa, ayaw niya muna itong makita pati si Zephyr dahil mas lalo lamang siyang nai-stress.
“Are you okay, Athena?” tanong ni Grace. Napansin yata nito ang pagpikit niya. Tumango siya na hindi binubuksan ang mga mata. Hindi niya alam kung okay lang ba talaga siya o hindi. “You look pale.”
“You can rest muna, Athena.” Dagdag ni Carla. Hindi siya umimik dahil pakiramdam niya’y kapag nagsalita siya, ubos na agad ang lakas niya. “Athena, you want me to call Micko to take you home?”
“N-No.” pinilit niyang mag-salita. Ayaw niyang abalahin ang binata. Pinilit niyang imulat ang mga mata atsaka hinawakan ang bag niya. Tama si Carla, mukhang kailangan muna niyang umuwi para makapagpahinga. Ramdam niya kasing hindi na siya makapagtrabaho. Nanghihina siya. “Guys, uwi muna ako.”
“Teka, kaya mo ba magdrive?” nag aalalang tanong ni Carla. “I can drive you home—”
“Kaya ko, Carla. Thank you.” Putol niya. Gaya niya, marami ring inaasikaso ang kaibigan. Dahan dahan siyang tumayo. Huminga siya ng malalim, kaya pa naman siguro niyang magmaneho.
Ang kaso, nang maglalakad na sana siya papunta sa pintuan ay may narinig muna silang katok mula roon tapos bumukas ang pinto at tumambad sakanila si Zephyr.
“Anong ginagawa mo dito?” tanong niya. Pero bago pa makasagot ang binata ay tila bumigat na ang talukap ng mga mata niya at doon na nga siya nawalan ng malay.
***
“PWEDE ka nang umalis, Zephyr.”
“No. I’ll stay hanggang sa magising si Athena.”
“Ako na ang bahala sa girlfriend ko, okay? Just leave.”
“Huwag nga kayong mag away dalawa. Parang mga mga bata eh. Ako na ang bahala kay Athena. Lumabas na kayo.”
Dahan-dahang iminulat ni Athena ang kaniyang mga mata nang may marinig siyang mga boses na tila nagtatalo. Puting kisame ang una niyang nakita, nang luminaw na ng husto ang paningin niya ay nakita niyang nakahiga siya sa isang hospital bed.
“Ah!” napadaing pa siya dahil sa sakit ng ulo niya ng pinilit niyang alalahanin ang nangyari. Nasa hospital ba siya? Ano bang ginagawa niya dito?
“Athena!” halos sabay sabay na sabi nung tatlo. Sina Zephyr, Micko at Carla nga ang may ari ng mga boses na naririning niya kanina.
“Are you okay, love?” tanong ni Micko na may halong pag aalala. Pinilit pa niyang umupo mula sa pagkakahiga pero pinigilan siya nito. “Huwag mong pilitin. Magpahinga ka muna.”
“May masakit ba sayo?” nangunot noo siya ng lapitan siya ni Zephyr. Unti unti na nga niya naalala ang nangyari bago siya mawalan ng malay sa opisina.
“What are you doing here?” tanong niya.
“Athena—” akmang lalamitan siya ni Zephyr pero humarang si Micko.
BINABASA MO ANG
MORRISON SERIES #3: ZEPHYR|R-18|ON-GOING
Romantizm[WARNING: RATED SPG!] MORRISON SERIES #3 Athena Vanesse Morrison and Zephyr Frost Dela Vega DATE STARTED: SEPTEMBER 13, 2023 DATE FINISHE: