Chapter 1

43 1 3
                                    

Hindi madaling pagsabayin ang trabaho at pag-aaral. But I do it anyway. Wala naman akong choice lalo na't graduating na ako. Sayang naman kung titigil pa ako. I work as a service crew at Artsy Cafe near my apartment. Trabaho sa umaga at eskwela naman sa hapon hanggang gabi.

I live alone in this city. Nasa probinsya ang pamilya ko at bilang panganay ay nagpursige ako para mabigyan sila ng mas komportableng buhay. Kahit pa minsan ay naho-homesick ako ay tinitiis ko nalang. Konting panahon malang din naman at makakatapos na ako.

But being a working student is exhausting. Madalas pag nasa klase na ako, wala na akong ganang sumali sa discussion dahil pagod na ang katawan ko sa trabaho. Pagod rin ang nagiging dahilan kung bakit palagi akong nakakatulog sa bus pauwi sa apartment ko. Kadalasan ay nagigising naman ako bago ang babaan ko pero ngayong gabi lumampas ako.

Hindi naman iyon kalayuan pero kailangan kong maglakad pabalik para makauwi. Okay naman sana pero nararamdaman ko na parang may nakasunod sa akin. Malala pa, wala ng tao sa daan dahil medyo late na. Sa tinagal-tagal ko sa siyudad ay ngayon ko lang naranasan ang ganito. Hindi ako makakapayag na may magawa siyang masama sa akin.

Sandali akong tumigil at ipinuwesto ko ang kamay sa bag ko na ipapatama ko talaga sa mukha niya. Nang maramdaman kong tumigil siya ay pinalo ko ang bag ko sa kanya. Naramdaman kong tumama iyon at agad na kumaripas ng takbo ang lalaking sumusunod sa akin.

"Akala mo ah! Laking magsasaka yata 'to! Kasing lakas ako ng kalabaw!" Humagakgak pa ako nang makita kong malayo na siya. Tuwang-tuwa ako sa nagawa ko na nagmukha na akong tangang mag-isang tumatawa roon.

Humawak ako sa dibdib ko. Oo. Totoong laking magsasaka ako at sanay ako sa mabigat na trabaho pero kinabahan ako sa lalaking iyon. Natakot din naman ako. Mabuti nalang at nasindak ko siya.

Matagal ko ng nakakasabay sa bus ang lalaking iyon. Alam ko ang mukha niya. Hindi siya mahirap maalala. Para kasing pang-model ang arko ng mga panga niya. At ang tangos pa ng ilong. Hindi ko napapansin kung saan siya bumababa. Siguro nagkataon lang na sa maling nababaan ko ay siyang babaan pala niya.

"Sigurado ka bang sinusundan ka niya?" Nakapangalumbaba si Becca nang tanungin niya ako tungkol sa nangyari kagabi.

"H-hindi. Ewan ko. Pero feeling ko ganon naman ginagawa niya. Kasi magugulat at tatakbo ba siya kung hindi." Depensa ko saka bumalik sa pagkuskos sa mga paitings na nakasabit sa cafe.

Pinapayagan kasi ng boss namin na mag-display ng mga art works katulad ng paitings at sculpture ang mga baguhang artist at kahit mga estudyante palang para kahit pa paano ay makatulong siyang makabenta sa mga iyon. Sa pagkakaalam ko, frustrated painter siya noon.

"Ewan ko sa 'yo, Tanya. Feeling ka rin minsan e." Inirapan niya ako. "Huwag mong pakakuskos yan. Mabubura ang kulay." Biro niya.

Alam kasi ni Becca na simula nang i-display ang mga paitings noong isang linggo ay na-in love ako sa mga ito. Sobrang romantic lang kasi ng pagkaka-paint ng mga half nude paitings. Pakiramdam ko bawat painting may kuwentong gustong iparating sa akin.

Tumunog ang bell sa gitna ng pag-appreciate ko ng painting na nililinis ko. Time ang title na nakasulat sa gilid ng pirma ng artist. Iyon ang pinaka paborito ko. Painting iyon ng isang babaeng nakadapa sa kama. Hindi ko nakikita ang mukha niya pero ramdam ko ang emosyong nalulungkot siya. Bumaling ako ng tingin sa pumasok na customer.

"Excuse me, nandyan ba si boss?"

Una kong nakita ang hawak niyang canvas na nakabalot pa ng manila paper.

"Marco? Hinabilin ka na niya sa akin. Pasok ka." Si Becca na ang sumagot matapos ay sinenyasan akong lumapit sa kanila.

Side view pa lang ng lalaki mukhang pamilyar na sa 'kin. Kinabahan ako bigla. Para kasi siya yung lalake kagabi.

"Nakilala mo na ba si Marco? Siya ang artist sa paborito mong 'Time' painting doon." Itinuro pa ni Becca ang kaninang nililinis kong canvas.

Pagharap ko sa kanya ay hindi nga ako nagkamali sa hinala ko. Siya ang lalaking sumusunod sa akin kagabi. Nakita kong nanlaki rin ang mga mata niya kaya sigurado akong nakilala rin niya ako.

"Nagugustuhan ng mga customers namin ang mga paintings mo. No pressure pero dagdagan mo raw sabi ni Boss." Kinuha ni Becca ang dalang canvas ni Marco at tinanggal ang cover.

Isa na namang half nude painting ng babaeng nakatalikod at nagbibihis. Sa palagay ko iisa lang ang model ni Marco. Siguro girlfriend niya iyon. Ang swerte naman niya.

Nang mapansin kong nakatingin siya sa akin ay umiwas nalang ako. Ayoko ng gulo. Hinayaan ko na si Becca na ang kumausap sa kanya at inabala ko ang sarili sa pag-aasikaso sa ibang customer.

Siguro nga nagtaon lang na pareho kami ng binabaan noong gabing iyon. Mukhang hindi naman siya masamang tao. Hindi naman siguro siya snatcher o ano. Napapasulyap ako sa kanya. Ewan ko ba. Parang gusto ko siyang makausap tungkol sa mga art works niya. Pero nang kumuha ano ng order sa kusina para sa bagong pasok na customer ay wala na siya.

"Looking for someone?" Untag sa akin ni Becca na bigla nalang sumulpot habang naglilinis ako ng mesa.

"Bakit ko naman siya hahanapin?" Pagkukunwari ko.

"Nakita ko kung paano mo siya tignan. Sinusulyapan mo pa. Engeng ka rin kasi. Hindi mo pa nilapitan." Kinurot niya ako sa tagiliran. "Babalik din siya."

Inirapan ko lang siya. Ganon na ba ka-obvious sa mukha ko na hinahanap ko siya? Sa paintings lang naman niya ako interesado 'di ba?

Tainted SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon