Chapter 9

8 1 0
                                    

Paggising ko palang sampal na sarili ko ang ginawa ko. Hindi ko alam kung nagsisisi ba ako sa nangyari kagabi.

It was just a kiss.

Mabuti nalang at nangamoy ang nasusunog na gisa sa kusina. Natigil ang ginagawa namin. I quickly went to the bathroom to bring back my senses. Wala akong imik habang kumakain kami at ganon din siya.

Now, he is still in my apartment. At hindi ko alam kung paano ko siya haharapin. I checked my phone to see if Marco texted me pero galing kay Becca ang nag-iisang message na meron ako. Walang trabaho dahil maintenance ng kitchen namin. Lahat ng gamit na may gas at kuryente ay pinapatingin ng may-ari para iwas sunog. Hindi ko napansin na nataon pa iyong appointment na 'yon after ng day off ko.

Napabangon ako sa mabangong amoy na nanggagaling sa kusina. Paul is still here. I honestly thought na aalis siya nang madaling araw. Maybe he doesn't want to go.

Bahagya kong binuksan ang pinto at sinilip siya. He was almost done cooking at finishing touches nalang ang ginagawa niya. Nang tumingin siya sa pinto ko at akma namang nakadungaw ako.

"Good morning. Kain na."

Lumabas na ako para hindi ako mahalatang nagmamasid sa kanya. Hindi ko gets kung bakit parang katulad pa rin siya ng dati. Hindi ba siya nasaktan nang malamang may iba na akong boyfriend? Inaamin ko na sa tuwing nakikita ko siya ngayon, guilt ang nararamdaman ko. Nasasaktan ako para sa kanya.

"Nag-ready na rin pala ako ng babaonin mo sa trabaho. Sigurado akong miss na miss mo ng kumain ng legit na ulam." We used to joke about the employee meal. Wala kasing lasa o baka dahil nasanay ako noon sa mga luto niya.

Hindi ko alam pero bigla ko nalang naramdaman na parang bumalot ang guilt sa akin. Uminit ang ulo ko. Bakit hindi siya galit? Bakit ang sweet pa rin niya sa akin?

"Paul, ano 'tong ginagawa mo?"

Natigilan siya sa ginagawang pagbalot ng hinanda niyang baon.

"Wala lang ba 'tong nangyayari para sa 'yo? Kasi sa akin, sobrang nawe-wirdohan ako sa asta mo."

Nakita kong bahagyang ngumiti si Paul bago ako hinarap. "Baka lang naman kasi bumalik ka sa akin kapag ginawa ko lahat ng dati kong ginagawa."

"Miss na miss na miss na kita, Tanya. Walang araw na hindi ako nagsisi sa nangyari. At lalo akong nanghinayang nang malaman kong may iba ka na."

Lumapit siya sa akin para hawalan ang kamay ko pero inalis ko iyon. "Nangyari lahat ng iyon dahil iniwan mo ako!"

"Na hindi ko ginusto! Sobrang sakit na may iba ka na. Hindi mo man lang naisip na masasaktan ako. Wala lang ba lahat ng pinagsamahan natin para balewalain mo ako?"

Sa dami ng sagot at tanong na nasa isip ko. Wala akong masabi kahit isa. Hindi ko kinayang magsalita dahil nauuna pang tumulo ang luha sa mga pisngi ko.

"Ang bilis mo namang makalimot, Tanya. Bakit mahal mo na ba siya?"

Bumalik ang tanong niyang iyon sa isip ko. Parang narinig ko rin ang boses ni Becca nang sabihin niyang hindi ko mahal si Marco. I tried opening my mouth to answer but I can't. Bakit hindi ako makasagot?

Paul turned his back and took all of his stuff and went straight out. Hindi ko na siya hinabol dahil alam kong wala na ring patutunguhan pa. Seeing Paul stormed out was like hurting for the second time. Mas masakit pa dahil nakita ko siyang umalis this time pero wala akong ginawa. I was having doubts about going after him. I have Marco. Hindi naman tama na habuli ko pa si Paul. Maybe, this is for the better.

Lumabas ako para magpahangin at para na rin mawala sa isip ko ang nangyari. I packed most of food he cooked and donated it to the homeless staying at the plaza. Sobrang dami n'on na naisip ko ganon nga siguro ang balak niya. Paul has a big heart for others in need. Madalas kapag magme-meet kami sa Plaza ay kasama na niyang kumakain ang mga pulubi roon. He is a perfect man. Pero nang dahil lang sa nangyari na hindi naman niya kagustuhan ay binalewala ko siya.
I slap my face jusy enough para magising ako. Maybe I made a mistake for pushing him away. Pero kahit na ano mang mangyari, hindi ko na rin maibabalik ang dati. I have Marco already.

I sat down on my favorite spot after I bought my favorite cold coffee. I breathe deep and inhaled all my worries.

Bahala na si Batman.

"Punta tayo sa exhibit. Remember that guy na nag-nude painting sa Plaza? Siya ang host."

Hindi pwedeng hindi ko marinig ang dalawang babae na bumibili sa vending machine.

"Student palang siya ah. May nagsponsor ata sa kanya."

"Meron nga. Balita ko may surprise art piece siya na doon unang ipapakita sa public. Even the school promoted his exhibit. Baka naman maganda talaga."

I froze as I watch them walk away. Si Marco ang pinag-uusapan nila. Alam kong may exhibit na dadaluhan si Marco pero hindi ko alam na siya ang host ng exhibit. Pinilit kong makatayo para habulin ang dalawang babae. I need to know where the exhibit is.

Hindi ako nagkamali sa hinala ko nang makausap ko sila. Binigyan ako ng ticket ng babae dahil ayaw naman pumunta ng kasama niya. It was Marco's name written on the ticket. Exclusive lang raw ang event sa iilang art enthusiast at mga estudyante ng university. They even advice me to cover my face para hindi ako mahalata.

The event is tonight sa university sa kabilang bayan. Pinanghihinaan akon ng loob. Paano kung nandoon ang naked painting ko? Hindi pa iyon nakukuha sa kanya.

No. Hindi magagawa ni Marco sa akin 'yon.

I went straight to the cafe para ipaalam kay Becca ang gagawin ko. At pagdating ko roon ay akmang isinasakay ang mga painting ni Marco sa isang moving van. I knew right then na kailangan kong makapunta sa exhibit. Kailangan kong makausap si Marco. 

Tainted SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon