Chapter 3

10 1 0
                                    

Simula nang pumasok ako sa klase hanggang matapos ay si Marco lang tumatakbo sa isip ko.

What does he mean?

Nasampal ko siya nang huli kaming magkita sa Plaza. Tinulungan ko na nga siya pero ako pa rin binaliktad niya sa huli. Hambog pala ang hunghang!

But that didn't change this thing I feel about him. All those time na nakatitig siya sa akin at hawak niya ang mukha ko. Para akong nililipad sa hangin. I felt my face burn nang sabihin niya nagde-demand siya ng time mula sa akin. I didn't know what to do kaya nasampal ko siya.

Pinagsisihan ko ba? I think so, yes.

Ginugulo niya ang isip ko! Did he do some magic tricks on me? Baka naman may gayuma ang mga paintings niya kaya ako nagkakaganito.

"Miss Tanya, if you cannot focus on my class. Get out."

Ilang beses na akong nasabihan ng mga teacher ko dahil tulala ako at panay pa ang buntunghininga. Damn you, Marco!

I tried my best para matapos ko ang klase nang may natutunan pero kahit nakatingin ako sa board ay si Marco pa rin ang nakikita ko. And ending, wala akong natutunan. Nasa klase ang katawan ko pero nasa labas naman ang utak ko. Letche.

Day off ko bukas sa cafe kaya naman kahit hindi ako agad matulog ay okay lang. Madalang lang ako magkaroon ng oras para sa sarili ko. I decided to give myself a treat. Nagpunta ako sa paborito kong spot sa Plaza. Malapit iyon sa isang coffee vending machine kung saan binebenta ang paborito kong instant cold coffee. I make coffee at the cafe yet my favorite one is bought from a vending machine. Ironic.

Aside from the cold coffee. Isa rin sa paborito ko ang puntahan ang Plaza sa gabi. Wala na kasi yung mga maiingay na bata na nagbo-bonding kasama ang kanilang pamilya. All I could see were lovers spending time together. Nagiging romantic ang Plaza sa gabi and I like that. Medyo awkward nga lang dahil mag-isa lang ako.

Umalis na rin ako agad nang maubos ko ang kape ko. May naglalapungang couple kasi at iba ang tingin nila sa akin. Mukhang iniisip nila akong gawin third party. No way.

I took the bus just like the usual. At nang inakala kong wala ng magpapaganda pa sa gabi ko ay nakita ko si Marco na sumakay sa bus na sinasakyan ko.

I have this love-hate feeling whenever I see him. It makes me crazy! Pinilit ko itinago ang mukha ko pero nasisilip ko pa rin siya kahit pa paano. He went in with some of his friends. Including a girl na sobra kung makakapit sa kanya. Gusto kong tumayo at sumugod sa kanya. Nakakainis!

Bakit girlfriend ka ba?

My inner self questioned me. Umupo ako ulit. Wala nga pala akong karapatan sa kanya. As I stare at them, I couldn't help but to notice how flirty he is. Obviously, hindi siya gentleman. Nakahawak ba naman sa puwetan ng babaeng haliparot. Nabubulung-bulungan pa. Puwede namang mag-usap nang maayos.

I hid as fast as I could when his eyes pointed at me. Kumabog ang dibdib ko. Did he saw me looking at him? What will I do?

Pagtingin ko uli ay nagtatawanan na sila ng babae. Sana hindi niya ako nakilala. As I look out the window, nakita kong malapit na pala akong bumaba. Paano ako bababa nang hindi niya ako nakikita? Nasa unahan sila at malapit sa pinto. Maybe I could not avoid him. I'll just ignore him. As soon as the bus stopped, tumayo ako nang diretso at focus sa paglabas sa bus. Then I saw them get off the bus before me. Nakahinga ako nang maluwag. Binagalan kong bumaba at pinauna ko ang iba pasahero para pagbaba ko ay wala na siya.

Parang ngayon ko lang napansin na sa parehong babaan pala kami bumababa. O baka hinatid niya lang yung babaeng kasama niya. I tried to get that off my mind. Pero pilit namang ipinaalala ng utak ko kung paano maglampungan ang dalawa. Sandali ako tumigil sa paglalakad sa eskinita para untugin ang sarili sa poste ng ilaw.

Nababaliw na ata ako. Nababaliw na sa kanya.

Then I heard foot steps nearby. Agad ako tumingin-tingin sa paligid. At nang wala naman akong nakita tao ay naglakad ako nang mabilis. Baka sinusundan na naman ako ng stalker ko.

Wait. Natigil ako.

Hindi ba si Marco ang stalker ko?

Pagtingin ko sa likuran ko ay bumungad sa akin ang mukha ni Marco. I almost shouted but he shut my mouth by kissing me.

Agad ko siyang itinulak at hinampas pa ang bag kong dala. Sa magkahalong takot at galit ay naluluha ako. "Gago ka! Tatawag ako ng pulis! Ipapatokhang kitang gago ka!"

"W-wait. Please. Huwag. I-I'm sorry. Nabigla lang ako." Pinipilit niya abutin ang kamay ko para mailapit sa kanya. Pero hinahampas ko ang bag ko para hindi siya makalapit.

"Bakit mo ba ginagawa sa akin 'to?" Hindi ko na napigilang maiyak pa. Hindi ko maipaliwanag kung ano ba talaga ang dahilan ng pag-iyak ko. Natakot ako, oo pero si Marco ang nasa harap ko. Nababaliw ako sa tuwing hindi ko siya nakikita. Nababaliw rin ako sa tuwing nakikita ko siya. At mas nababaliw ako kung may kasama siyang iba.

"Tanya, I like you."

Tainted SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon