Chapter 6

14 1 4
                                    

I grasped for air when I woke up around four in the morning. Hanggang sa panaginip naghahabol ako nang hininga. Hindi ako makagalaw noong una dahil mahigpit pa rin ang pagkakayakap ni Marco sa akin. I managed to get his arms off me without waking me him. I need water. I'm exhausted.
Nang makainom na ako nang tubig ay nahimasmasan ako sa nangyari. I looked at my reflection on refrigerator door wearing only his white bluish shirt. I started questioning my decisions.

"Wrong. Wrong. Wrong!" I mumbled.

Ilang beses kong pinukpok ang sarili ko para magising sa katangahang ginawa ko. I calmed myself and started to think on the positive side.

I am single but I'm not sure about him. May kasama siya sa bus noong isang araw. Hindi ko napigilang kilabutan sa kahihiyang nagawa ko kung sakali man.

"This is just one mistake. Huwag mo nang ulitin. Huwag ka ng magpakatanga." Bulong ko sa sarili.

I came back in the bedroom. Nakakahiya na ganito ang nangyari. Parang ako pa kasi ang nag-initiate na mangyari iyon. Still, wanting to look at the bright side. We are both legal to do things we want. Tama man o mali. But since, narito na siya at hindi ko na maibabalik pa ang nangyari. I could make the most out of it. Dahan-dahan akong naglakad para makabalik sa side ng kama kung saan ako nakatulog. Until I stumbled upon his sling bag. Wala ng laman iyon kaya naman tumingin ako sa kabilang side ng kama. I have this feeling na paint brushes nga ang laman ng mga iyon. Then I saw them, I was right. Pero hindi lang brushes ang nakita ko. I saw a canvas sheet on the floor where a familiar face was painted.

It was me.

I was in the heat of the moment. I wasn't alone. He was there too. Well, I could see him but not totally. It was focused on me. The way it was painted didn't show any lewd but pure passionate love making. It was impossible for him to paint that while we are on it. Maybe that's just an artist way of doing his thing.

Kailangan kong hingin iyon sa kanya. I cannot let him hang that somewhere. Mukha ko ang nandoon. Kung desente lang sana ay okay lang kahit isabit pa niya sa likod niya. Kaso medyo wild. But for now, I need to rest. Babawi pa ako ng puspusang duty kay Becca.

Usually I wake up right on time. Alas-otso ng umaga dapat gising na ako. Pero inabot ako ng alas-nuebe bago ako nakabangon. That was the first problem that welcome me in the morning. Second. Wala na si Marco sa tabi ko. I looked around the room and it was cleaned. Wala na ang portrait ko! I wrapped my sheets around me and went straight out in search for him. I looked around the house at wala na siya roon. Even his shoes are not where he left them. Nakailang sampal ako sa sarili ko kakaisip sa katangahang ginawa ko.

"Bakit kasi hindi ko pa 'yon kinuha?"

Then I heard a noise from outside. Agad akong sumilip sa bintana. He was still there. Drinking from my red mug. Bumaling siya nang tingin nang marinig niya ang kaluskos ko.

"Good morning." Malapad ang ngiti niya. Parang nanalo at ako ang tropeyo. "Come." Sinenyasan niya akong lumabas. Ako naman itong si tanga sumunod kahit pa balot ako ng kumot.

Paglabas ko parang ang ganda ng araw. Maliwanag ang sikat ng araw pero hindi ko alintana. Ang mga tanim na halaman sa paso na nasa labas ay biglang tumingkad ang kulay. Parang nakulayan ang mundo ko at si Marco ang may gawa.

"M-morning." Bahagya akong lumapit sa kung nasaan siya nakaupo. Parang mas nahiya pa ako sa kanya ngayon even after last night.

"Sit with me." Pag-aya niya na tinatapik-tapik pa ang bakanteng upuan sa tabi niya.

Wala namang masama kung tatabihan ko siya. Tanga. Tanga. I ignored what my mind was saying.

"I hope I wasn't too harsh last night." Para akong bulkan na bigla nalang nag-init at sumabog.

Umiling-iling ako. I felt fire on my face.

"Nakakatuwa ka pala." Bahagya niyang hinila ang kamay ko papunta sa kanya. Niyakap niya ako dahilan upang kumalma ako kahit pa paano.

"Matapos may mangayari kagabi sa atin. Responsibilidad na kita, Tanya."

I honestly don't know what he meant but I felt happy. It sounded so good that I nodded helplessly. He kissed me on the forehead before letting me go. Kinuha niya ang sling bag niya at saka sinuot ang sandals niya.

"I'm going. Marami pa akong kailangan gawin. You should get ready too." Tinignan ko ang wrist watch niya. Oras na nga pala. Tumayo siya ay muling humalik sa noo ko bago naglakad palayo.

We waved each other goodbye.

Nakaalis na siya nang maalala ko ang naked painting ko. I have to call him but I don't have his number. Then I remembered, he said we have his number in the cafe. Dali-dali akong pumasok sa apartment para makapag-ayos na para sa trabaho.

It's been a while since I had a boyfriend. Marami namang nagpaparamdam at may mga na-entertain naman ako pero iba si Marco. May kung ano sa kanya ang kumikiliti sa pagkababae ko. Maybe this is part of the connection he was talking about. The muse and the artist connection.

Nakapamewang na si Becca pagkakita niya palang sa akin sa labas ng cafe. May radar siya na hindi ko alam paano niya nalalaman ang mga nangyayari sa akin. Was I that obvious?

"Something is different about you." Bungad niya sa akin na inikutan pa ako. "It's Marco."

I blused just by hearing his name. Nakita ko sa isip ko ang mukha niya kagabi. He was painting but not with brushes but with his...

"Hoy! I know that face! Did you?" Niyugyog niya ako para makuha ang atensyon ko. Ngumiti lang ako at alam kong gets na ni Becca ang sagot ko.

"Anak ng tupa! Sabi ko alamin mo lang kung may feelings ka sa kanya. 'Di ko naman sinabing makipagdutdutan ka sa kanya." Dismayadong lumayo si Becca at pumunta sa counter.

"B-bakit ba? Single naman ako. Alam mo naman na iba ang nararamdaman ko about him 'di ba?" Sinundan ko siya saka ko na sinuot ang apron ko.

"You admire him because of his artworks. You don't love him." Giit niya. Natigilan ako sa sinabi niya. I didn't think about that. Sumugod nalang ako bigla sa naramdaman ko kagabi.

"P-paano mo naman nasabi?" Matagal na kaming magkaibigan ni Becca. Siya ang taga-untog ko sa tuwing nagpapakatanga ako.

"Ganyan ka rin nung kay Paul. Bira ka nang bira. 'Pag nasaktan ka huwag kang iiyak-iyak sa akin ah."

Alam kong concern lang naman sa akin si Becca. But I feel Marco is different. We have a connection. I trust him.

Tainted SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon