Chapter 2

12 1 0
                                    

Isang linggo na nang makilala ko si Marco. Walang araw na hindi ko siya hinintay bumalik sa cafe. Matapos noong una ko siyang makita ay hindi na siya nawala sa isip ko. Maging ako nagtataka sa sarili ko. Never pa akong naging ganito sa kahit na sinong lalake. Maybe I am drawn to him because of his artworks. Maybe yes. Maybe no. I don't know yet.

"Iniisip mo na naman siya?" Eto na naman si Becca. Pinupuna na naman niya ang pagbabagong napapansin sa akin.

"Bakit ako nagkakaganito, Becs? I only met him once. Once!" Halos paglupasay ako sa counter na katatapos ko lang linisin.

"Timamaan ka ng instant love." Proud na sabi ni Becca.

"Ano 'yan parang instant noodles, ganon? I don't think I'm in love. Pero may something ako nararamdaman na hindi ko maipaliwanag. And I don't like this."

Thinking him all the time takes up too much of my day. Hindi ko pa magawa nang maayos ang mga dapat kong gawin.

"I kinda saw him the other in the plaza. Nakalimutan kong sabihin sa 'yo. May exams ka kasi n'on." Walang gana ko siyang tinignan.

"And so?"

"Para malaman mo kung love na nga ba 'yan o infatuation lang. Talk to him. Kiss him if you want. Para matapos agad. Ayoko ng maka-shift ang zombie Tanya."

Zombie Tanya ang tawag niya sa 'kin dahil para raw akong zombie kung matrabaho. Walang buhay dahil walang Marco.

"Fine!"

Maagang natapos ang shift ko dahil sa kunsitidor na si Becca. As promised, dumeretso ako sa Plaza. Hindi naman iyon malayo sa cafe. Tatlong kanto lang ang nilakad ko at kumpol ng mga tao ang dinatnan ko sa gitna ng Plaza. Nakiusyoso na rin ako sa pingkakaguluhan nila. And there he was, the man I was looking for. Nagpipinta siya sa gitna ng Plaza. Ang akala ko, ang Plaza ang ipinipinta niya pero nang nakausog ako nang kaunti pa ay nakita ko ang hubad niyang model. Kaya naman pala kumpulan ang mga tao!

Nagpumilit ako makalagpas sa mga taong naglalaway sa malulusog na dibdib ng model. I cannot tolerate something like this. Agad-agad kong nilapitan ang model at ibinalot ang kumot na nasa bewang lang niya. Nagkulyawan ang mga tao at galit na galit sa ginawa ko.

"What the f!" Tumayo si Marco at agad akong pinigilan. "What are you doing?"

"Talagang sa Plaza n'yo pa ginawa 'to. Puwede naman na private nalang 'di ba? Pinagpepiyestahan ang model mo!" Kahit pa pigilan nila ako ay hindi ako papayag sa ginagaaa nilang pambubulabog sa isang public place.

"It's okay, Miss. We are creating art." Yumakap ang babae at naglambing kay Marco. Nanlaki ang mga mata ko sa tumatabog na mga suso ng babae na mukhang walang bahid ng hiya sa katawan.

"Takpan mo nga 'yan. May mga bata dito."

"Akala ko ba, you like my art?" Bumaling ang tingin ko kay Marco. Talagang ibabato pala niya sa akin iyon.

"I do like them but this foul, Marco. May ibang lugar pa naman para matapos mo 'yan."

Nang magbihis ang modelo ay nagsialisan na rin ang mga tao. Hindi natagal ay may dumating na pulis at sinabihan sina Marco. Hindi ako maalam sa batas pero siguro naman kung naaktohan sila ay tiyak na madadambot at makakasuhan sila. Now, Marco has something to thank me for.

Hinintay ko siya hanggang sa maayos niya ang mga gamit niya. Umalis na rin pati ang modelo niya. Why I waited? I don't exactly know. Wala pa akong alam sabihin sa kanya tungkol sa pagconfirm ng nararamdaman ko. Maybe, I waited for him to thank me. Nang matapos magligpit ay lumapit si Marco sa akin. I was ready for his thank you but what I didn't know, he was going to a different direction.

"Well, since you ruined my momentum. I demand some time with you." Hinawakan niya ako sa panga at tinignan-tignan pa sa pagkabilang mukha. "This will do it."

Tinapyos ko ang kamay niya at umurong nang bahagya. "Ang kapal pala ng mukha mo. I saved you from being caught. Dapat pa nga pasalamatan mo ako!"

"No, love. You ruined my beautiful artwork." Bahagya siyang humakbang papalapit sa akin at muling hinawakan ang mukha ko. "Now, you owe me one masterpiece, Tanya."

Tainted SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon