Chapter 8

4 1 1
                                    

Pinagmamasdan ko ang portrait na regalo sa akin ni Marco. I hanged it in my room. Para paggising ko sa umaga at bago ako matulog sa gabi ay iyon ang makikita ko. Nang ihatid ako ni Marco ng mag-date kami ay nagpaalam na siya na mas magiging abala siya sa mga susunod na araw. Hectic week daw kasi sa university lalo na may paparating na exhibit na ang magca-cater ay ang mga students. Atleast ngayon na alam ko na ay hindi na ako masyadong mag-aalala pa. He also promised to keep my updated from time to time. Masaya ako na sinusubukan niyang bumawi.

It was my day off. Sayang nga at hindi ko makakasama si Marco. Sinabihan ko siya na free ako ngayon at puwede ko siyang samahan sa kung saan man siya pupunta pero ang event daw ay exclusive lang para sa kanila. Hindi na ako nakaanggal pa. I decided to clean the house para naman pagbalik niya maayos na ang apartment.

Matagal na rin nang makapaglinis ako ng buong bahay. Dalawang black bag ang naipon kong kalat at dumi. But I was satified of the outcome. Naging maaliwalas ang apartment ko. After cleaning, I rewarded myself with cold whisk cream and coffee which I decided to drink outside. Palubog na rin naman ang araw kaya hindi na rin gaanong mainit sa labas.

Pagbukas ko ng pinto ay sapatos ng lalake ang una kong nakita. Nakatayo siya sa may pintuan na napaurong pa nang buksan ko.

"Hi, Tanya."

Kung mainit lang ang kapeng hawak ko talagang ibinuhos ko na iyon sa kanya. It was Paul. How dare him?

"Kapal din ng mukha mong magpakita pa sa 'kin." Nangigigil ako sa mukha niya. Wala pa ring pinagbagao. Gwapo nga pero nanggo-ghosting naman.

"Malaki ang kasalanan ko sa 'yo but please, let me explain."

Pagod ako at ang gusto ko lang naman ay ang ma-enjoy ang kape ko. I breathe in and sat down. I didn't let him sit with me. Bahala siyang mangawit.

"Malaking pagkakamali na umalis ako nang walang paalam. Believe me, I didn't meant to do that." I took a sip of my coffee. Pinipilit kong huwag siyang pansinin pero palagi pa ring bumabalik ang mata ko para silipin ang maganda niyang mukha.

Mas gumwapo siya.

"It was my mom. Sinira niya ang phone ko at pinigilang makapag-paalam sa 'yo. Bawat galaw ko nakikita niya. Hindi ko magawang matawagan ka. I'm sorry."

Never akpng nagustuhan ng mama niya. Mayaman kasi sila at alam kong malaki ang pangarap nila para sa kanya. Malaking balakid ako para sa pangarap nilang iyon. Pero ilang beses na akong ipinaglaban ni Paul sa kanila lalo na sa mama niya. Hindi ako masaktan ng mama niya kahit galit na galit siya sa akin dahil nagbabanta si Paul na titigil sa pag-aaral kapag ako ang nasaktan. Mabait na tao si Paul pero nasaktan pa rin niya ako.

"I'm with someone else now, Paul." Napalunok ako nang sabihin ko iyon.

He smiled. Ngiti niyang hinila ako para tignan siya. "I know. Becca told me. Galing ako cafe bago nagpunta rito."

"So, bakit ka pa pumunta rito?"

"To say I'm sorry. May sasabihin pa sana ako pero innapropriate na." Paul is a gentle giant. Hindi ko nga inakala na sobrang bait niya nang una ko siyang makilala. Para kasi siyang bodybuilder sa laki ng katawan niya.

"Well, then I must get going. Baka dumating ang boyfriend. Ayokong magkaproblema kayo." I tried to look away but his saddened eyes forced me to look. Hindi ko napaghandaan ang magiging reaksyon ko sa pagbabalik niya. Hindi ko na rin kasi siya naisip simula nang dumating si Marco sa buhay ko.

"Wait." I bit my lower lip. Hindi ko na dapat siya pinigilan. Pero may kung ano sa akin na nagpupumilit na pigilan siya. "May nalinis akong mga gamit mo. I thought I should give them back."

Pumasok kami sa loob ng apartment. He praised me for how the whole look of the place changed. Maaliwalas na raw. Malaki na raw ang pinagbago. Noon ko lang napansin na dala-dala pa pala niya ang maleta niya.

"Do you have a place to stay?" I blurted it out. Hindi ko naman dapat iyon itatanong. Dapat sa isip ko lang pero bigla nalang lumabas sa bibig ko.

Bahagya siyang ngumiti. "Actually, wala. I thought may mababalikan pa akong bahay rito."

I felt guilty. Parang naramdaman ko na kasalanan kong hindi ko siya hinintay. Parang kasalanan ko na hindi ko siya binigyan ng pagkakataong magpaliwanag bago ko tanggapin si Marco sa buhay ko.

"W-why won't you stay here." Natigilan ako sa sinabi ko. I knew that would wrong. "I mean, wala ka naman ibang kakilala rito and matagal ang biyahe kung sa inyo ka uuwi."

He smiled na para bang katulad lang ng dati. Dati na kami pa. "You really are soft-hearted. But I oppose, hindi matutuwa ang boyfriend mo kapag nakita ako."

"He's not living here. May ginagawa siyang mahalaga kaya hindi siya pupunta rito." I couldn't even look in his eyes. Sobrang nakaka-guilty. "J-just for tonight."

"Only if you let me cook for you."

Nag-aaral ng culinary si Paul. In line kasi siya sa restaurant chains ng pamilya niya. Pagka-graduate nga niya may isang restaurant na siya bubuksan. He was born rich pero lahat ng achievements niya talagang pinaghihirapan niya.

I missed him cooking in my kitchen. Lahat ng gamit sa kusina siya ang pumili. Siya naman kasi ang nagluluto ng pagkain noon pa man. Humahaba ang leeg ko kakasipat sa niluluto niya. Iba ang amoy kahit pa pang-gisa palang ang nilalagay niya. Excited ako sa luto niya. Simula kasi nang bigla nalang siyang nawala ay instant noodles lang ang madalas kong kainin.

"Nasaan 'yong kitchen shears?" Binuksan na niya lahat ng drawer at noon ko lang naalala na ginamit ko sa kwarto ang hinahanap niya.

"Nasa kuwarto. Kunin ko lang saglit."

"Ako na."

Ayaw niyang magpatulong. Bilang kabayaran daw iyon sa pagpapatuloy ko sa kanya sa apartment. Para namang wala kaming pinagsamahan. We were on the relationship for almost two years. Hindi na siya ibang tao para sa akin kahit pa hindi na kami.

Ang painting.

Agad akong tumayo ay hinabol siya. He was inside the room already and was looking at my portrait.

"Ang ganda." Napangiti ako. Handa na akong ipagmayabang na si Marco ang gumawa n'on. "Ang ganda mo talaga."

Huminga siya nang malalim saka ito binuga. "Sayang lang at hindi ka na sa 'kin." He walked passed me and this pain struck right in my heart.

Hindi ko napigilan ang sarili ko na hawakan ang kamay niya. Tumigil siya pero hindi ako hinarap then I heard him sob.

"I cried myself to sleep since you left. Gumuho ang mundo kong nong iwan mo 'ko. Pero naghintay ako para sa 'yo, Paul." Maging ako ay nakakaramdam na ng luha sa mga mata ko.

"I knew you would wait for me but I wished you waited a bit more." He softly squezzed my hand. "Paano na tayo, Tanya?"

"Wala ng tayo, Paul."

"Is it too late to turn that around?"

Paul pulled me a little so we could see each other. I missed everything about him. Every detail on his face. Every corner of his body. I wanted to move back. I needed to. But he was leaning closer. At sa paglapit niya ay ang muling pagbalik ng mga matatamis na nakaraan naming dalawa. And I was stuck there. I didn't do anything. I didn't want to move.

Until his soft lips brushes mine. The past came over me as if wanting to be part of my present and be my future. My heart melted as he softly pull my head to kiss me deeper. My body responded well to his call. I did not resist. I did not pull away. I let him kiss me. I want him to kiss me. I missed him kissing me.

Tainted SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon