Chapter 11

11 1 1
                                    

It's been days since that night of confrontation. Hindi ko na alam kung ilang araw na ba akong nagmamaktol sa bahay. Hindi ako pumapasok sa trabaho at hindi ko na rin alam kung kailan ako kumain nang maayos. Ayokong lumabas. Ayokong makita ako ng ibang tao. I feel naked when people look at me. I have been called several times by Becca and our boss. Baka nga wala na akong trabaho ngayon. I don't care. Wala akong gana sa kahit na anong meron ang mundo.

I started to question myself. Bakit sa tuwing magmamahal ako, palaging ako ang talo? Mali bang magmahal? Hindi ba ako karapat-dapat mahalin?

I want to know the answers but I don't know how. Bata palang ako naghahanap na ako ng pagmamahal. Mula sa magulang, sa pamilya, at sa mga kaibigan. Minsan nakakatiyempo pero hindi rin nagtatagal. Kaya ako nagpakalayo-layo. Bakasakali sa ibang lugar makahanap ako ng taong magmamahal sa akin. I did found Paul. Pero sa tuwing may magmamahal sa akin, palagi nalang may balakid. Hindi ko ba deserve maging masaya?

Mag-aalas dose na nang makarinig ako ng katok sa main door ng apartment. Wala akong balak pagbuksan kung sino man 'yon. "Tanya!" Si Becca ang nasa pintuan. Alam kong aalis rin siya kaya hindi na ako nagabalang tumayo pa. Nang bigla nalang kumalabog nang malakas. I don't know what it was pero narinig kong may papalapit sa kwarto.

"Pucha! Tanya, pinag-aalala mo 'ko," sabi niya nang makapasok siya sa kwarto. Sandali siyang lumabas at bumalik din agad.

"Tumayo ka nga d'yan. Akala ko kung napano ka na. Pinasira ko na sa mga tanod ang main door mo. Ipapayos ko nalang. Siraulo ka talaga. Ba't di ka sumasagot sa mga tawag ko?"

Pinilit niya akong makatayo at dinala sa sala. Nasa sahig ang main door ko. Bagay na bagay sa magulong bahay.

"Ano bang nangyari rito? Ano bang nangyayari sa 'yo?"

Tinignan ko lang siya. Wala akong ganang kausapin siya. Humiga ako sa sofa at tinakpan ang ulo ko sa unan na kalaunan ay tinggal din niya. "Umayos ka nga! Masasampal talaga kita 'pag 'di ka nagsalita." Tinignan ko lang siya. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula.

"Si Marco 'no? Sabi ko naman sa 'yo mag-ingat ka. Alam ko bang kinausap ako ng gagong 'yan? Inaalam ang background mo. Reference raw."

"P-para saan?"

Umiling si Becca. "Hayaan mo na siya. Hindi ka kawalan sa kanya."

Humagulgol ako nang iyak. Iyak na parang wala ng bukas. Madaling sabihin na mag-move on nalang. Pero iba ang sitwasyon ko. Hinding-hindi mabubura ang ebidensyang hawak niya.

"Becs, he... he painted me. Naked. Hindi ko siya binigyan ng permisong gawin 'yon pero nakita ko. Hindi ko nakuha. Isinama niya sa exhibit at binabalak ibenta."

"Kaya pala lahat ng paintings niya sa cafe kinuha niya. Gagong 'yon! Huwag siyang magpapakita sa 'kin talagang sisikmuraan ko siya. A-anong balak mong gawin ngayon?"

Umiling ako. "H-hindi ko alam."

Nagbuntonghininga si Becca. "Alam mo, lahat naman tayo nagkakamali. At alam mo ba bakit kahit na pakiramdam mo tama ang desisyon mo pero nasaktan ka pa rin sa huli?"

Dahil tanga akong magdesisyon sa buhay. Pinakawalan ko si Paul para kay Marco.

"Kasi nakalimutan mong hingin ang guidance ni Lord sa bawat desisyong ginawa mo. Pero kahit ganon man, binigyan ka pa rin ng chance ni Lord."

"Paano?"

"Bumalik si Paul."

Pero imbes na mabuhayan ay lalo lang akong nalungkot sa narinig. Itinulak ko palayo si Paul at hindi ko alam kung nasaan siya o kung babalik pa siya sa akin.

"Maybe I don't deserve to be loved after all." I bitterly smiled.

Sinapok ako ni Becca pero agad rin namang niyakap. "Siraulo. Unahin mo muna kasing mahalin 'yang sarili mo bago ka maghanap ng pagmamahal sa ibang tao."

"I don't know. Pagod na ako." Bumalik ako sa pagkakahiga sa sofa pero hindi pumayag si Becca.

"Nakakapagod talaga ang magmukmok. Tumayo ka d'yan at maglinis tayo. Hindi dumpsite ang bahay mo."

Kahit anong pilit kong humiga ay hindi ako makatakas kay Becca. Hindi niya hinayaan na mag-isa ako dahil alam niyang magmumukmok lang ako. Inabot na siya ng gabi sa pagtulong sa akin. Pati ang sinirang main door ay naayos rin namin. Ngayon ko lang nalaman na marami palang kayang gawin si Becca. Para siyang handy man.

"Pumasok ka na bukas. Susunduin talaga kita kapag hindi ka pa pumasok." Tumango ako.

Malaki ang pasasalamat ko sa kanya dahil kahit pa paano gumaan ang pakiramdam ko. Tinulungan niya akong maglinis at dahil doon nabawasan ang bigat ng katawan ko.

"Becs, thank you." Niyakap ko siya nang mahigpit kahit amoy pawis ako.
Naramdaman ko na hindi naman pala talaga ako mag-isa. Susubukan kong bumangon at move on sa nangyari. Susubukan kong huwag ng isipin si Marco at ang painting. Susubukan kong kalimutan siya para sa sarili ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 27, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tainted SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon