Chapter 4

10 1 1
                                    

"Gurl! Tulala ka na naman," sabi ni Becca. Night shift ako dahil may class suspension ng dalawang araw dahil gagamitin ang mga classroom for teacher's convention.

"Becs, its been a week already. Hindi pa siya pumupunta rito."

"Ikaw ba naman kasing si tanga. Sinabi na ngang gusto ka niya, tumakbo ka pa. Iba ka rin ma-in love Tanya. Idol na kita."

Inirapan ko nalang siya. Tama naman siya. Tinakbohan ko nga si Marco noong gabing hinalikan niya ako. I panicked. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Maybe, I like him too but I don't have the courage to admit that to myself.

Mataas ang standards ko pagdating sa lalake. Kailangan may pangarap. Focus sa buhay. Maginoo pero medyo bastos. Ang pagiging bastos lang ata ang meron siya. Why am I tearing those standards just for him? Ganito ba talaga 'to? Love na nga kaya ito?

"T-tanya! Looks who's here."

Parang may bumabang anghel nanh makita kong papasok si Marco sa pinto ng cafe. Wala na ang malabong niyang buhok at malinis na ang itsura niya. He smiled at soon as he saw me. Napatayo ako at kumaway sa kanya. Pero agad ko rin iyong binawi nang maaalala kong iyon ang parehong kamay na pinanghampas ko sa kanya.

"I need my muse."

Rinig na rinig siya sa buong cafe nang sabihin niya iyon. Ako agad ang tinignan ni Becca. Hindi ako kumibo. Malay ko ba kung ako nga iyon.

"Maniningil ako ng utang. You owe me one masterpiece, remember?" Hindi niya ako binigyan ng pagkakataon na makapagsalita. Bagkus ay hinila niya ang kamay ko at isinama sa kanya sa labas.

What the heck?

"Naka-duty ako, Marco." Pero hindi niya ako pinapakinggan at patuloy lang siya sa paghila sa akin papunta sa kabilang building. "Makinig ka nga muna!"

Tumigil siya nang nasa hagdan na kami ng kabilang building. Wala akong alam sa kung anong gusto niyang gawin ko. Oo. Siguro may ideya ako pero hindi ako papayag sa gusto niya.

"I went on a retreat. Sinira mo ang momentum ko and I needed that back. Now that I've found my inspiration. I need you. So, come with me." Muli na naman siyang naglakad habang hinihila ako.

"Teka. Nasasaktan na ako. Marco!" Nang buksan niya ang pinto ay bumungad sa amin ang roof top. Punong-puno iyon ng halaman na sobrang presko sa mata. Binitawan niya ako nang masara niya ang pinto.

"Look, Tanya. I'm sorry kng nabibigla kita. I just really need this out of my system. I tried ignoring this. Umalis na nga ako at umiwas pero hinahanap-hanap kita. I know you feel it too." Nagdadalawang isip ako kung maniniwala ba ako o hindi. But we both feel the same way.

"A-ano bang ginawa mo akin? Bakit ganito ang nararamdaman ko?"

"It's a connection between an artist and its muse."

I sat there still shocked by what he said. Hindi ako sigurado pero parang binibilog lang niya ang ulo ko para mapapayag sa gusto niya. Baka pick up line lang niya iyon at ginamit na sa iba't ibang babae.

"Tanya, look at this." Kinuha ni Marco ang atensyon ko. Hindi ko alam na sa loob ng ilang minutong pagkatulala ko ay ginuguhit na pala niya ako. "I've neved been inspired like this."

He painted me as look down on the flower beds in the area. It was really something. I felt good seeing myself painted by him.

"Hindi ko rin naiintindihan kung bakit pero kung papayag kang maging muse ko. Nararamdaman mo na ito ang pinakamagandang desisyon ginawa mo sa buhay mo."

My mind kept saying no but my heart kept saying yes. What he is saying might be just a part of the act. Gusto kong pigilan ang sarili ko na maniwala sa kanya pero nanlalambot ako sa tuwing titignan ko siya sa mata.

"F-fine but I'm going. Nakuha mo yang masterpiece na hinihingi mo. I need to think." Humakbang ako palayo sa kanya pero humabol siya.

Hinila niya ako sa bewang at hinalikan. This kiss is different from the first one. Malambot ang mga labi niya. Walang diin. Nararamdaman ko ang saya niya.

"Thank you, Tanya."

Pagsara ng pinto ay nanlambot ang mga paa ko dahilan upang mapaupo ako. Inipon ko lahat ng lakas ng loob ko para makaalis. I was really was going to pose for him. Just like he wanted to. Pero mali.
It was like this heavy force came down on me for turning him down. Totoo kaya lahat ng sinabi niya? That connection he talked about, ito ba 'yon?

I touched my lips. Para akong nasusunog sa sobrang init. I forced myself out of tjat building and came back to work. I couldn't even talk to Becca. Wala ako sa mood makipag-usap sa kahit na sino. Pinaglinis nalang akp ni Becca mg mga mesa. I would constantly look out the window in hope to see him. Makikita ko naman ang rooftop pero siya hindi. Hindi ko rin siya nakitang lumabas ng building. I started to worry. Although, mukhang satisfied naman siya sa painting na nagawa niya pero labis pa rin ako nag-aalala.

Hindi ako naniniwala sa mga kasabihin. Lalo pa sa mga bagay na wala namang scientific basis. And that connection between an artist and a muse is, as far as I know, not supported by fact. Until I came across an article that tells more about being a muse.

"A muse is an artist's origin. Igniting the fire within the artist."

Tainted SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon