PROLOGUE

150 6 0
                                    

PROLOGUE

"Totoo ba talaga ito? Akala ko matinong babae siya, imagine she's a teacher's pet pa naman, literal na pet talaga dahil pumatol sa professor"

"Tigilan mo nga yan, Baka naman may dahilan siya kung bakit niya yan ginawa?"

Kakapasok ko lang ng campus at pakiramdam ko ay tila hinuhubadan na ako ng mga taong nakakakita sa akin.

Mapakaliwa o kanan man makikita ang mga mapanghusgang tingin nila sa akin.

May problema ba sa mukha ko.?

May mali ba sa suot ko?

Dali dali akong pumasok sa isang comfort room upang tignan kung may mali ba sa akin.

Pero kahit ilang balik na sa salamin ang gawin ko ay wala pa din akong makitang mali sa akin.

Napabungtong hininga nalang ako.

Siguro ay dahil sa pagod ko sa trabaho kagabi ay para bang nawawala ako sa sarili ko.

Agad kong inayos ang pagkakapusod ng buhok ko at inayos ang nakatagilid na salamin ko sa mata.

"Looks who's here" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko si Luna kasama ang kaibigan niyang sila Belen at Stiff.

"Ang babaeng nagpapaggap na anghel sa maraming tao isa palang kalapating mababa ang lipat"

Napatingin ako sa kanya.

Anong pinagsasabi nito?

"Akala mong santa santita, bayarang babae naman pala ahahahahha"

Hindi ako nakagalaw sa narinig ko.

Pakiramdam ko ay tinakasan ako ng lakas sa mga binti ko, dahilan upang mapaupo nalang ako sa sahig.

Hindi maaring mangyari ito.

A/n: I will try my best to post new and revise chapter every week, I hope magawa ko ulit ang another goal ko.

Anya Veronika (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon