CHAPTER FIVE
ANYA VERONIKA
"Alam mo beh kanina ka pa tulala" sabi sa akin ni Barbie.
Lunch break namin ngayon at kanina pa ako tulala, ni hindi ko na nga nagalaw ang dala dala kong baon.
"Ano naniwala ba siya sa palusot mo?" Tanong sa akin ni Inday, sabay kuha ng ulam ko sa baunan ko.
"Teh itlog yan dapat sakin yan" reklamo ni Barbie kay Inday sabay agaw ng nakuhang itlog kay Inday.
"Ano ba naman yan, ako nauna jan sa itlog na yan kaya wag mo nang aagawin"
Hindi ko nalang pinansin ang dalawa kong kaibigan at lumipad na naman ang isip ko sa nangyari kagabi.
-
"Hindi ako pwedeng mag-kamali ikaw yung nakita ko sa classroom kanina, ikaw yun hindi ba?"Hindi maiwasang manlaki ang mata ko sa sinabi ni Chiko.
Anong magandang palusot ba ang dapat kong gawin?
"Nagkakamali ka hindi ako yun, dahil hindi na naman ako pumapasok sa school matagal na" hindi ko alam kung uubra pero wala na akong pakealam, sana naman ay maniwala siya sa palusot ko.
Napatingin ako sa kanya at nakita ko na parang hindi siya kumbinsido sa sinabi ko, hinawakan niya ang kanyang baba at tila nag-isip isip.
"Ganun ba? Kamukha mo kasi siya"
-
Napailing iling nalang ako sa naisip ko, kailangan ko siyang iwasan dito sa loob ng university, para hindi niya ako makilala.
"Miss tabi tatamaan ka ng bola"
Naramdaman ko ang isang matigas na bagay na tumama sa mukha ko.
"Anyatot! Beh gumising ka! Wag mo kaming iiwanan"
Black out.
-
"Nasaan ako?" Tanong ko ng mapansin ko na makahiga na ako sa isang higaan na hindi pamilyar sa akin.
Inilibot ko ang aking mata at pinagmasdan kung nasaan ako.
School clinic.
Sinapo ko ang natamaang parte ng mukha ko at nakaramdam ako ng konting galos dito.
"Mabuti naman at gising kana" rinig kong sabi ng isang pamilyar na boses.
Ian Vicero.
Kinusot kusot ko pa ang mata ko para siguraduhing hindi ako namamalik mata.
Andito talaga siya at hindi ako nananahimik.
"Ayos ka lang ba Anya?" Tanong niya sa akin, hindi maiwasan ng mukha ko ang mamula ng konti.
Konting salita niya ay apektado na ako agad sa kanya.
Halos hindi naman kami nag-uusap ng ganito sa classroom, at halos hindi naman kami nagpapansinan pero bakit andito siya at kinukumusta ako?
BINABASA MO ANG
Anya Veronika (Revising)
RomanceAko si Anya sa umaga isang matinong babaeng na walang ginawa kung hindi mag-aral ng mabuti at gumawa ng mga mabubuting bagay sa kapwa tao, mapag mahal din sa aking pamilya at maalaga sa mga mahal ko sa buhay, pero pag sapit ng gabi si Anya ay nagig...