CHAPTER THREE

129 4 0
                                    

CHAPTER THREE

ANYA VERONIKA

"Ayos ka lang ba miss?"

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko nung marinig ang boses na yun, gusto ko nang lamunin ako ng lupa para hindi niya ako makita sa ganito kong estado.

Si Ian Vicero

Ang lalaking matagal ko nang hinahangaan, first year college palang ako nang unang makita ko siya.

Pero hindi ko inaasahan na magiging magkaklase pala kaming dalawa sa loob nang tatlong taon.

"Pasensya kana nagmamadali din kasi ako" tumulong na siya sa akin sa pagpupulot ng mga nalaglag kong gamit.

"Het- Anya?" Napatingin ako sa kanya at napayuko, inabot ko na din ang librong hawak niya.

"Sa-salamat I-ian" nahihiyang sabi ko, hindi ko kasi maiwasang kabahan ng magtama ang mga balak namin, pakiramdam ko ay nagtayuan lahat ng balahibo ko sa katawan, kasama na yung nasa baba.

"Babe anong nangyari?" Napalingon ako at nakita ko si Luna Mariano.

Ang girlfriend ni Ian.

Si Luna Mariano ay isang tourism student at ang titulong pinakamagandang babae sa university ay nasa kanya.

Beauty and brains daw.

Hindi ako naniniwala sa mga palusot niya.

"Oh my god nabangga kaba ng mean girl na ito?" Tanong ni Luna kay Ian.

Umiling naman si Ian sa kanya.

"I was the one who bumped at her and I was saying sorry"

Napalingon sa akin si Luna at nakita ko ang lihim niyang pag-irap sa akin, ipinulupot na niya ang kamay niya sa balikat ni Ian at agad hinaltak ito palayo.

Palayo sa harap ko.

Napabuntong hininga nalang ako at napatingin sa suot kong relo.

Shit malelate na ako may quiz pa kami.

-
"Hay nako ayoko na talaga" nag-inat ako ng katawan at tumayo sa kinauupuan ko, kakatapos lang ng third subject namin at ngayon ay oras na ng lunch.

Magkikita kita kami nila Barbie at Inday sa quadrangle.

Kinuha ko na lahat ng gabit ko at isinukbit ang bag ko, pawis na pawis na din ako at kailangan kong maghilamos kahit papaano.

Dumaan muna ako sa comfort room para ayusin ang sarili ko.

Tumingin ako sa salamin, hinding hindi ko gaanong makilala ang sarili ko, sa suot kong malaki at makapal na salamin sa mata at ang may kaguluhang kong buhok.

Malayong malayo sa isang babaeng nagngangalang Veronika.

Umiling iling ako at binuksan na ang faucet upang maghilamos ng makarinig ako ng tatlong yabag ng paa papalapit sa akin.

"Luna is she the one who bumps your man?" Tanong ng isang babae.

"Yes like duh! Pinapusitan ko pa talaga si Ian ng sandamakmak na perfume para naman maalis yung nanlilimahid niyang amoy coming from this bitch!"

Bitch?

Napangiti ako ng lihim, dahil totoo nga naman ang sinabi nila isa akong ganung klase ng tao, pero hindi ko parin maiwasang kumulo ang dugo ko pag naririnig ko yan sa bunganga ng babaeng ito.

"May I see the look beh?" Rinig kong sabi ng isa pang babae.

Naramdaman ko na hinaltak ng isang babae ang balikat ko.

"Oh my disgusting looking pala this girl ahahahah" rinig ko ang tawanan ng grupo ni Luna.

Lumapit sa akin ng konti si Luna at tinitigan ako sa mga mata ko.

"You know garbage like you should stay away from Ian, nandidiri ako sa mga kagaya mo at sobrang alinsangan ng amoy. The next time na malaman ko na lumapit ka sa boyfriend ko I will cut of your messy hair" nakita ko na may kinuha siya sa bulsa niya at nakita ko ang isang mamahaling pabango.

"Oh and before we leave" bigla niya akong pinapusitan ng pabango sa mukha ko.

"Serves you right ahahahah"

Napapikit nalang ako at napayuko, gustuhin ko man siyang labanan, pero ayokong labagin ang rules, ayokong magkarecord at higit sa lahat baka maexpelled ako.

Ayokong masayang lahat ng pinag-hirapan ko.

"Beh may gosh bat mukha kang basang sisiw?" Narinig ko ang boses ni Barbie at agad lumingon sa kanya.

"Wala to Barbie, bakit ka pala napapunta dito?" Tanong ko sa kanya.

"Beh tagal mo kanina pa naiinip si Inday dun"

-

"Oh buti naman at nasundo mo na ang prinsesa natin" nakasimangot na bungad ni Inday.

"Sorry naman nag retouch lang ako beh sinulit ko na ang pagpuslit sa cr ng girls para maramdaman ko din na isa akong babae kahit may nota ako char" natawa naman ako sa sinabi ni Barbie.

"Bakla buti walang nakakita sayo, baka magkaroon ka ng parusa pagnagkataon"

Inilabas ko na ang baon ko sa bag ko at nagsimula nang kumain.

Kahit na may kakaiba kaming trabaho ay nag-aaral pa din kami ng mga kaibigan ko, dahil iisa lang ang gusto namin mangyari ang makaahon sa kahirapan.

"Hoy alam nyo ba may narinig akong chismis sa kaklase ko" natuon naman ang atensyon namin ni Inday kay Barbie.

"Ano yun bakla? Wag mo kaming bitinin dito" reklamo ni Inday.

"Ano daw may bago daw guwapong prof kyahhhh kinikilig ako beh"

"Bagong prof? Saan faculty beh?" Tanong ni Inday.

"Education Faculty mga bakla! Sanaol Anya taga education!"

"Ano daw pangalan?" Tanong ko.

"Chiko Suarez"

Chiko?

Hindi naman siguro siya yung Chikong nakilala ko sa Bar nung nakaraan no?

"May gosh sana hindi fake news na pogi sya, kyahhh gusto kong palahi ng isang libo beh"

"Gaga ka talaga Marky wala kang matres hindi hindi ka makakabuo ng bata"

Nagpatuloy pa rin sa pagbabangayan ang dalawang kaibigan ko pero lumilipad ang isip ko sa sinabing pangalan ni Barbie.

Chiko Suarez.

Wag naman sana siya yun.

Hindi ko alam ang ihaharap ko kung siya nga ang prof na tinutukoy ni Barbie.

To be continued....


Anya Veronika (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon