CHAPTER EIGHT
ANYA VERONIKA
"Okay class choose your partners wisely" sabi ng prof namin.
Hindi ako tumayo dahil alam ko naman na walang gustong makipagpartner sa akin sa mga ganitong activity.
Hinayaan ko nalang na magkaroon ng partner ang lahat ng kaklase ko.
"Miss Cristobal where's your partner?" Tanong sa akin ni Ma'am.
"Wala po ma'am" nakayukong sagot ko.
"Class who want's to be Miss Cristobal's partner?" Mas lalo akong napayuko dahil sa sinabi ni Ma'am.
"Ma'am ako nalang po" taas na kamay ng isang lalaki.
Naramdaman ko na may pumuwesto sa tabi ko dahilan upang mapatingin ako sa kanya.
Si Ian.
Nakangiti siyang nakatingin sa akin.
Napaiwas ako agad ng tingin sa kanya, hindi dahil sa kapartner ko siya ngayon activity, pero parang nakagawa ako ng kasalanan sa kanya.
Dahil sa isang pagiging mababa ko ng lipad.
"Hindi naba masakit yung tama ng bola sayo?" Tanong ni Ian.
Tumango ako, nakita ko ang munting pagbuntong hininga niya.
"Sorry ulit"
"Hindi mo na kailangan mag sorry, hindi mo naman sinasadya yun" mahina kong sagot.
Habang nagawa kami ng activity, hindi ko maiwasang mapatingin sa mukha ni Ian na abala sa pagsusulat ng mga sagot namin sa yellow pad.
Gusto ko sanang sabihin na ako nalang ang bahalang magsulat pero he insisted na siya nalang daw ang magsulat so I let him, pero hindi ko namalayan na napatikhim na pala siya, pero hindi ko man lang narinig ko napansin.
Naramdaman ko na kinalabit niya ako dahilan upang bumalik ang isip ko sa kasalukuyan.
"Ayos ka lang?" Agad akong napatango at napaiwas ng tingin.
Nahalata kaya niya na kanina pa ako nakatitig sa kanya? Nakakahiya talaga.
-
Lunch break namin, mag- isa akong nakain sa ilalim ng puno na madalas naminh pwestuhan nila Barbie.
Hindi ko sila makakasabay dahil nga hindi tugma ang schedule namin ngayong araw.
Tahimik kong nilalasap ang pagkain ko ng maramdaman na tila may tubig na bumuhos sa uluhan ko.
"Nababagay lang sayo yan" nakilala ko agad ang boses.
Si Luna.
"Diba last time napagsabihan na kita?" Agad niyang inagaw sa akin ang baunan ko at sinaboy sa mukha at damit ko ang pagkaing kinakain ko.
Napapikit ako.
"Bakit lapit ng lapit ka pa din sa boyfriend ko?" Galit na sigaw ni Luna sa akin.
BINABASA MO ANG
Anya Veronika (Revising)
RomanceAko si Anya sa umaga isang matinong babaeng na walang ginawa kung hindi mag-aral ng mabuti at gumawa ng mga mabubuting bagay sa kapwa tao, mapag mahal din sa aking pamilya at maalaga sa mga mahal ko sa buhay, pero pag sapit ng gabi si Anya ay nagig...