CHAPTER NINE
ANYA VERONIKA
Kanina pa ako tulala sa kinauupuan ko, kanina pa din walang pumapasok sa isipan ko, ni hindi na maiproseso ng utak ko ang tinuturo ng prof namin ngayon.
Napatingin ako sa bintana.
Buti pa ang langit tila kalmado at walang inaalala, ano kaya ang pakiramdam ng maging isang ulap?
"Anya Psst" napalingon ako nung tawagin ako ni Ian.
Lumingon naman ako agad at nakita ko siya na nakangiti, dahilan upang magkumahog yung dibdib ko.
"Bakit?" Mahinang tanong ko.
I saw him mouthed 'Sorry'
At agad ko naman na gets kung bakit nanghihingi siya ng tawad sa akin, yun ay dahil sa nangyari kahapon.
Tumango nalang ako at ibinalik ang tingin sa bintana.
Mabilis natapos ang klase at hindi ko namalayan na nakalapit na pala si Ian sa kinauupuan ko.
"Pasensya kana sa inasta ni Luna hindi na mauulit yun" mahinang sabi ni Ian.
Tumingin ako sa kanya, He looks really sincere in apologizing in be half of Luna.
Pero sa totoo lang napakamalas ni Ian na si Luna ang naging girlfriend niya at hindi ako.
Bakit umaariba na naman yung kalandian ko, dapat ko nang tigilan yung pagpapantasya ko sa kanya dahil wala akong pag-asa kay Ian, at lalo na pag nalaman niya yung ginagawa kong trabaho.
"Tapos ko na pala yung activity" bigla akong natauhan nung inabot ni Ian yung hawak niyang papel.
Nakalimutan ko nga pala na magkapartner kami sa isang activity at ni hindi ko man lang siya natulungan sa pag gawa nito.
"May kailangan ba akong gawin?" Tanong ko.
Ngumiti lang siya "Wala ka nang gagawin Anya, isipin mo nalang na pambawi ko yang dahil natamaan kita ng bola sa ulo" natatawa niyang sabi.
Those smile caught me off guard and my chest, ayaw maawat sa kakatambol.
Nakaramdam ako ng parang basa sa bandang palda ko.
Oh my gosh, kailangan kong magCR.
"Salamat Ian, pero kailangan ko munang puntahan yung mga kaibigan ko, babawi ako sa next activity" nakangiting sabi ko
"Sige aasahan ko yan"
May pag-asa ba ako sa kanya?
-
Ramdam ko ang lamig ng tubig mula sa sink, hindi mawala wala ang init na nararamdaman ko pagkatapos ng munting pag-uusap namin ni Ian."Alam mo ba girl feel ko may nakita ako na student at teacher na nagchuchukchakan nung nakaraan?" Dinig kong sabi ng isang babae na kakapasok palang ng CR kasama ang kanyang kaibigan.
"Talaga beh? Nakita mo ba mukha nya? O baka duling kalang talaga kaya kung ano ano ang nakikita mo" natatawang sabi ng kasama nung babae.
"Ewan ko ba, baka nga gutom lang ako kakaasar kasi si Ma'am pa project ng pa project feeling major eh minor subject lang naman sya"
Ilang minuto pa din ako sa kinatatayuan ko at inantay ko munang makalabas ang dalawang babae ng CR bago ko inayos ang sarili ko.
Ako yun at si Chiko. Kailangan namin mag-ingat.
Dali dali akong lumabas ng CR at dumiretso sa Faculty ng school, lumapit ako sa isang prof.
"Anjan po ba si Sir Chiko?" Tanong ko.
"Wait lang, check ko if anjan si Sir" sabi ng prof na nakausap ko, tumango nalang ako at umupo sa waiting area.
Napalingon ako sa pinto ng faculty room ng makita ko na bumukas at lumabas si Chiko mula rito, nakita ko na hinanap pa ako ni Chiko sa paligid, itinaas ko nalang ang kamay ko para makita niya ako agad.
"Sir" tawag ko sa kanya, nakita ko na napangiti siya ng makita ako.
"Akala ko kung sinong student ang naghahanap sa akin, ikaw lang pala Veronika" mas lumawak ang ngiti ni Chiko.
"Bakit pala hindi ka pumasok sa Bar kagabi?" Bigla niyang tanong.
"Masama pakiramdam ko"
Sinungaling talaga ako.
"Ganun ba? Mabuti naman at nakapagpahinga kana, bakit mo pala ako tinawag?" Kalmado niyang sabi.
"Chiko" mahina kong bulong.
"Kailangan natin mag-ingat dahil may narinig akong nag-uusap kanina, may nakita daw silang prof at estudyante na may ginagawang kababalaghan" mahina pa din ang boses ko dahil baka may makarinig sa pinag-uusapan namin ni Chiko.
Nakita ko ang pagngisi ni Chiko.
"Natatakot kaba na malaman ng lahat yung ginagawa natin?"
Pinanlakihan ko siya ng mata dahil sa sinabi niya.
"Chiko, mahiya ka nga, hindi natin natin, ginagawa dito yun at isa pa ayokong masira yung pangalan ko. Nag-aaral pa ako Chiko. Kailangan kong makatapos para makaalis na ako sa ganung trabaho" lintanya ko kay Chiko.
"Ginagalang ko naman ang kagustuhan mo Veronika, pero kung gusto mong makaalis sa trabaho mo, gusto mo ba tulungan kita?"
"Anong klaseng tulong Chiko?" Tanong ko.
-
Suot ang maikling uniporme at malaking jacket na abot hanggang tuhod, pumasok ako sa Bar na pinagtratrabahuan ko.
Balak ko nang Magresign ngayong gabi.
Sana nga lang ay payagan ako ni Big Boss.
Rinig na rinig ko ang malakas na tunog ng amplifier sa loob ng Bar, pati ang makukulay na ilaw ng na nakasabit sa taas na tila sumasabay din sa indak ng musika.
Agad akong pumunta sa gilid at dumiretso sa opisina ni Big Boss.
Agad kong pinihit ang pintuan niya at tumambad sa akin si Big Boss at si Chiko.
Nagkakamayan silang dalawa at tila may malaking ngiti ang nakaplaster sa mukha ni Big Boss.
"Oh Tamang tama Veronika, Last day mo ngayon diba?"
"Boss, hindi ko pa naman sinasabi na magreresign na ako" nagtataka kong sabi, sumulyap ako kay Chiko.
Binigyan niya lang ako ng makahulugang tingin, na tila ba nagpapahiwatig na siya na ang bahala sa akin.
Siya na ang sasagot ng lahat lahat.
To be continued...
A/n: It's good to be back after so many months of not updating, medjo na busy lang din sa work and hopefully magtuloy tuloy na ako sa pag-uupdate nito.
For those readers who reads this, I, Thank you from the bottom of my heart.
BINABASA MO ANG
Anya Veronika (Revising)
RomanceAko si Anya sa umaga isang matinong babaeng na walang ginawa kung hindi mag-aral ng mabuti at gumawa ng mga mabubuting bagay sa kapwa tao, mapag mahal din sa aking pamilya at maalaga sa mga mahal ko sa buhay, pero pag sapit ng gabi si Anya ay nagig...