Prologue

250 51 64
                                    

..

Mali kayo.

Hindi ko kayo nakasalubong sa daan upang sa dulo ng kalsada, ako ay liliko sa kaliwa at kayo naman ay sa kanan.

Hindi tayo bumuo ng kwento upang sa pinakahuling tuldok ng pangungusap, ang karugtong ay alingawngaw ng katahimikan.

Hindi ko man hawak ang bukas, ngunit manalig sana kayo sa aking pangako na ilang ulit kong pipiliin na mabuhay at pumanaw upang patunayan sa inyong mali kayo.

Hindi ako bumati sa simula upang sa huli ay magpaalam.

Mahigpit kong niyakap ang litratong nagpapatunay na ang lahat ng iyon ay hindi panaginip.

Pamilyar ang gabing ito. Pamilyar ang mga halakhak, mga ngiti at alaala. Damang-dama ko dahil alam kong naranasan ko mismo.

Ngunit alam kong kasabay ng pagkawala ng sarili ko dito sa litrato, tinangay din nito ang mga alaala ko sa mga isipan niyo.

Pero wala akong pinagsisisihan.

Naniniwala akong magtatagpo muli ang ating mga landas sa ikalawang pagkakataon.

Kung hindi man, pipilitin ko paring mangyari iyon.

Hanggang sa muli.

.avtth.


Got inspired by Andres Bonifacio's letter for his beloved Oryang before he was killed in Maragondon.

This story will not talk about spanish colonial era tho. Ito na yung panahon na nakalaya na tayo sa lahat ng mga mananakop. The continuous rise of the Philippine government, char. 1969 is the time na nagdeclare ng Martial Law si President Marcos, I think. Pero wala ito sa aking istorya dahil nga this is my story and I have decided na kunyare ay walang ganong ganap sa Pilipinas HAHAHAHA. I just want to share my thoughts and ideas about things dahil kung hindi ay baka sumabog ako. I can not! Wala akong makausap at bulok na'ko dito sa bahay dahil sa lockdown.

Soooo I hope you enjoy ; )) mwa.

-jarr

A Voyage Towards the HorizonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon