AMALIA
Kinaumagahan, pumunta na kami sa ospital matapos kumain ng agahan. We brought fruits kahit hindi rin naman iyon makakain ni Roberta because she is still unconscious until now.
The results told us na nabagok niya ang ulo niya. Maybe she did it purposely or it was because of her sudden fall when she lost consciousness, we don't know.
But we all just hope for her fast recovery.
I'm wearing a white dress today. Hanggang tuhod lang siya, sleeveless at v style, exposing my slender arms and long neck.
It caught my eye kahapon sa shop kaya binili ko kaagad. I look innocent with this kaya 'nagmumukha akong anghel'---Marco's words from earlier.
We were in the middle of bidding our goodbyes with Roberta's family when the door opened, revealing Mayor Alejandrino. Kasama niya ang kaniyang asawa na si Señora Milalyn at isa pang lalaki na mukhang may sinasabi rin sa buhay.
"Pa, anong ginagawa niyo rito?" lumapit si Riguel sa kanila para humalik sa kanilang mga pisngi.
Napako naman ang tingin ko kay Mayor Dominador Alejandrino. This is my first time seeing him close up. I didn't have the chance during his birthday kasi nauna akong umuwi. And this is really an honor! Meeting my great grandfather in a good and well-conditioned body! He looks so authoritative and powerful.
"Visiting your friend anak. We heard the news about her." he motioned his hands towards the sleeping Roberta. "We're just around the vicinity, so we decided to stop by. I didn't know you were here." napatingin siya sa amin at panandaliang nagtama ang aming mga mata.
"Pauwi narin kami Pa." Riguel said. Napansin kong ang formal niya ata ngayon? Tsss. I know better.
"Ganon ba anak? Sabay na tayo. We'll go home after this too." malumanay na ngumiti si Milalyn Alejandrino.
Tumayo narin ang padre de pamilya ng mga Millares para batiin ang mga makakapangyarihang panauhin.
"Nangangampanya ata si Papa sa paligid bago siya pumunta rito." bulong ni Riguel samin. I already now that. Mayor Alejandrino also ran for governor but sadly, natalo siya.
Gusto ko silang payuhan na mas pag-igihan pa ang pangangampanya para manalo sila but that would mess the happenings kaya wag nalang. Failures happen for a reason. Maaring may mas better na nakalaan sayo kaya ka natalo.
"Sinong kasama niya?" pabulong kong tanong.
"Si Mama?" tinaasan niya ako ng kilay pero inirapan ko lang siya. Wala talaga tong kwenta kausap. "Si Congressman Trillanes. Vice ni Papa." tumango tango naman ako. Sandali pang nag-usap ang mga nakakatanda bago kami lumabas lahat.
Nagpaiwan sina Daniella at Roberta dito dahil hihintayin muna nilang magising ang kaibigan nila. Nakasunod lang naman kami sa kanila at napapatabi naman ang ibang tao na nakakasalubong namin dahil sa postura at tindig ng mga kasama namin.
I was expecting for a lot of cars when we got outside the hospital, which is for proctection ng mga kandidato sa susunod na election, like a convoy or something. Diba ganon yon? Pero wala akong nakita at iisang sasakyan lang ang dala ng mga politiko naming kasama.
May driver ito at pumasok na silang tatlo sa loob. Yung Trillanes ang sa shotgun seat at sa likod naman ang mag-asawang Alejandrino.
Sumakay narin si Marco sa sasakyan ko at inalipusta na naman kami ulit ni Riguel kesyo parang di naman daw kami naghiwalay. Hindi ko nga alam kung ano ba talaga ang problema niya at pinakekialaman niya kami.
BINABASA MO ANG
A Voyage Towards the Horizon
Fantasía• C O M P L E T E D • Amalia just found herself back in 1969 with a self-proclaimed mission to rewrite her grandparents' lovestory but on the process, she fell in love with her grandma's first love. "You are the sky and I am the sea. And the horizo...