📷 16: Decided

75 30 32
                                    

AMALIA

"Mahal ko na siguro si Marco." tinitigan ko lang ng ilang segundo ang sinulat ni Mila ngunit bigla niya na lang itong binura. "Tama ba 'to?" humarap siya sa akin na para bang sa sagot ko nakasalalay ang magiging desisyon niya.

Hindi man ako experienced pagdating sa love life pero mahilig naman akong magbasa ng mga romance novels. I somehow enjoy the comfort it gave me. At least doon, may happy endings na nagaganap. Di gaya ng mga nangyayari sa pamilya ko. May sumpa 'ata kami kaya 'di nagtatagumpay ang mga buhay pag-ibig namin.

Kaya nga takot ako. Alam ko namang may mga matitinong lalaki pa rin na natitira but I can't just risk it. What if magkamali ako? What if matulad ako kila Lolo at Daddy?

"Sabi nga nila wala namang mali kapag nagmamahal ka." tinanaw ko ulit ang malawak na dagat, ina-alala ang mga nabasa. "It's just either the wrong person or the wrong time."

Hindi na naman ako nagulat nang sabihin niyang mahal niya si Marco. Expected na 'yon. Alam ko na 'yon dahil kahit ilang taon na ang lumipas, kasal man si Lola sa ibang lalaki, si Marco pa rin ang nasa puso't isipan niya.

"Right." tumango-tango siya habang nakangiti ng malawak. "Tulungan mo kaya ako sa kaniya Amalia? Kaya mo ba akong tulungan na mapansin ni Marco?" pinagdikit niya ang mga palad at binigyan ako ng umaasang mga mata.

Frankly, hindi ko alam kung ano ang isasagot. I actually want to help her, to make her happy pero kapag tinulungan ko siya baka magtagumpay ang istorya nila ni Marco. What will happen to Lolo Riguel? To us in the future?

Hindi ko na alam kung sino ba ang dapat kong tulungang sumaya. I now have the power to make things right. Siguro ito ang dahilan kung bakit ako napunta rito. Pinapapili ako ng tadhana kung sino ang mas matimbang.

*****

Wednesday came at sinadya ko talaga na mauna sa mansyon ng mga Sanchez. Ngayong gabi na ang party para sa anniversary ng mga magulang ni Marco but I didn't come for the party. Si Marco ang sadya ko.

I need to confirm something. I need to know if he also likes my grandmother. Para makapagdesisyon na ako kung sino ang tutulungan ko. If their feelings for each other are mutal, I won't interfere. Bahala na kung hindi man kami mag-exist sa future nila Daddy at Amilo. I will make things right this time.

Ilang araw na akong walang tulog dahil ini-isip ko ang dahilan kung bakit walang happy ending ang istorya nilang dalawa. There are a lot of possibilities why they didn't work. Pwedeng gusto nila ang isa't isa pero tutol ang parents nila, or hindi na pwede dahil natali na si Lola kay Lolo Riguel. Or baka wala talagang nararamdaman si Marco para sa lola ko.

And if that's the case, I will come in the picture. Manginge-alam ako. I will do everything in my power para si Riguel ang maging prinsipe sa istorya ni Lola. And I will make sure that it will end with a 'happily ever after' this time.

Naisip ko naman na wala akong mapapala kung tutunganga lang ako kakaisip sa mga posibilidad. So kailangan kong komprontahin si Marco para makakuha ng sagot. Hindi kasi kami nagkita these past few days dahil nagkukulong lang ako sa bahay kakaiwas kay Mila. I can't face her without a firm desicion.

Kaya I decided to come here tutal ininvite naman ako ni Marco. So, wearing a dark red long gown, white heels and an elegat bun, I gracefully went out of my newly washed Chevy. Sleeveless ang gown ko at lantad ang buong likod kaya di na ako nagtaka kung napapa-second glance sa'kin ang ibang mga taong nadaraanan ko.

I wore a dark make up kaya medyo feisty ang dating. Sultry man ang damit ko but I managed to make myself look respectable and elegant at the same time. Sa nagdadala lang iyan.

A Voyage Towards the HorizonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon