AMALIA
Ipinark ko ang sasakyan sa harap ng mansyon ng mga Elegino. Bumuntong hininga muna ako bago lumabas. Nakita ko naman ang Cadillac ni Mila na nakapark sa labas kaya alam kong nandito na siya at naka-uwi na.
Pinagbuksan ako ng isang kasambahay na agad naman akong pinapasok dahil kilala na nila ako dito. Umakyat ako sa taas while playing with my nails. Natatakot ako sa magiging reaksiyon ni Mila. Baka singhalan niya ako o sabunutan. Ganon yon sa mga teleserye e. Kaya sinigurado ko munang intact ang anit at mga buhok ko.
I knocked three times at her door but I got no answer. I tried opening it pero no good dahil naka-lock. Kinuha ko ang isang hairpin sa buhok ko, time to test my lockpicking skills. Nang marinig ko ang mahinang pag-click ng pinto ay napangiti ako. "Damn, I'm so good." dahan dahan kong binuksan ang pinto para hindi gumawa ng ingay.
Una kong narinig ang paghikbi ni Mila, hindi ko pa siya nakikita dahil hindi pa ako nakakapasok ng tuluyan. Ipinagsiksikan ko ang sarili sa maliit na parte ng pinto na nabuksan ko na pero napahawak ako bigla sa ulo ko nang kumirot ito.
Parang umiikot ang buong paligid ko. Pakiramdam ko ay may switch sa mga mata ko dahil dumidilim ang paligid tapos ay babalik din bigla. I feel like I am being burned at nagliliyab na apoy ang kumakain sa buong katawan ko ngayon kaya napahiyaw ako sa sakit at napaupo na sa pintuan, opening the door completely.
I opened my eyes at nakita ko ang mukha ni Amilo na parang natataranta at nag-aalala. Tatawagin ko na sana siya para aluhin ngunit muling sinakop ng kadiliman ang paningin ko tapos mukha naman ni Mila ang nakikita ko ngayon. "Amalia! Amalia! Anong nangyayari sayo?!" sigaw ni Milagros. I can feel her holding my arms, supporting me para hindi ako maglumpasay sa sahig niya.
"Anak! Anak tatawag ako ng doktor." boses naman ni Daddy.
"Ate! Ate! Wag mo kaming iwan." I can hear Amilo's cry. Naguguluhan na ako.
Unti unti nang nawala ang pakiramdam ko na parang sinusunog pero hinahabol ko parin ang hininga ko. I can't breathe.
"Amalia jusko!" tinapik tapik ni Mila ang mukha ko, hindi na nito alam ang gagawin. "Manang! Manang Conchita!" rinig ko sigaw niya.
"Daddy." hinawakan ko ang sentido at sinubukang tumayo pero nanghihina parin ang tuhod ko kaya inalalayan ako ni Mila. "Amilo I'm fine, don't worry baby." I tried saying sakaling marinig nila akong dalawa.
"Ano ato Mila?" dumating na si Manag Conching, ang mayor doma nila kasama ang isang batang kasambahay.
"Hindi ko alam Manang." bakas ang panic sa boses ni Mila. Inalalayan naman nila akong dalawa papunta sa sala rito sa ikalawang palapag. Dumating ang batang kasambahay kanina at may dala ng tubig.
"Pirte ang balhas nimo iha. Namumutla ka." pinahiran niya ang pawis ko sa mukha at leeg. Nanghihina parin ang katawan ko dahil sa nangyari kanina, hindi ko alam kung bakit ako nagkaganon.
"Ayos ka lang ba? Tinakot mo naman ako e!" tumabi sa akin si Mila, mukhang nakalimutan na niya ang nangyari kanina sa party. "Sino si Amilo? Nakaka-alala ka na ba?" hinawakan niya ang kamay ko.
Yumuko ang dalawang kasambahay sa harap namin bilang paalam na aalis na sila para bigyan kami ng privacy ni Mila at mukhang okay na naman ako.
Nag-aalinlangan akong tumango. "A bit. I think, kapatid ko ata?" namamalat ang boses ko kaya mas lalo akong nakakaconvince pakinggan.
"Bakit ka ba nagkaganon? Natakot ako sobra!" pinunasan niya ang luhang tumakas kaya niyakap ko siya. I am happy that she cares for me genuinely.
BINABASA MO ANG
A Voyage Towards the Horizon
Fantastik• C O M P L E T E D • Amalia just found herself back in 1969 with a self-proclaimed mission to rewrite her grandparents' lovestory but on the process, she fell in love with her grandma's first love. "You are the sky and I am the sea. And the horizo...