📷 27: Double Date

58 17 10
                                    

AMALIA

"Regular costumer ka dito?" tanong ko habang ngumunguya.

"Hindi." sinulyapan ako ni Marco habang naghihimay ng shrimps at crab. "Well, I've been here once. With my family." nilapit niya ang pinggan sa akin na may lamang hipon na nahimay niya na. "Eat."

"Thank you." I smiled widely bago tinikman ang bigay niya. "Is medicine really your first choice?" I asked randomly para lang may mapag usapan kami.

"I think. I'm in a family of doctors so obviously, I should be one also." nagsimula naring siyang sumubo.

"I mean, gusto mong maging doktor? As in ikaw mismo? Set aside the family pressure?" pang-uusisa ko.

"Masaya naman ako sa ginagawa ko. So yeah. I want it." ngumiti siya and I can clearly see passion in his eyes. Good for him then.

"I'm happy for you."

"Me too. Actually, I'm already graduating this year and Papa wants me to stay in Manila for my med school."

Marco's young. He's 19 and he will be a professional doctor soon in no time just like his parents. Naisip ko na kung wala sanang K-12, 3rd year college na ako ngayon. I'm not against K-12 tho. I also think na hindi pa ako ready mentally and emotionally for college two years ago kaya okay lang sa akin. I've learned a lot anyway.

"San ka papasok?" nagpatuloy lang ako sa pagsasalita habang eleganteng kumakain.

"Papa wants me to go to UP. So I'll go to UP." he shrugged.

"Don't you want to decide for yourself?" pansin ko kasi na kung ano ang gusto ng mga magulang niya ay ito nalang din ang susundin niya.

"Fathers know what's best." kumindat siya sakin. "Hindi naman nila ako pinapangunahan. Their opinions matter to me so I go with them. Pero don't worry,  kapag naramdaman ko naman na kinukuhanan na nila ako ng freedom then..." he shrugged again. "I'll fight for what I want."

Tinaas ko ang isang kilay at ngumuso. "Makes sense." ngumisi ako dahil may punto naman talaga siya.

"Ikaw? You're taking up college?" tinuro niya ako gamit ang tinidor.

Bahagya naman akong natigilan sa pagkain ngunit hindi ko pinahalata. Tumango tango ako. "Legal Management. On my third this year." Grade 12 . Mag-eenroll palang sa college actually.

"Ohhh Attorney." Marco mocked me at tinaas taas pa ang isang kilay. Ramdam kong magtatanong pa sana siya ulit ngunit pinutol ko na para hindi na madagdagan pa ang mga kasinungalingan ko. I promised myself to be honest, just for this night.

"Matagal na kayong magkakaibigan nila Mila?" saglit akong sumulyap sa pwesto ng dalawa.

Nagbati-an na kami kanina sa pamamagitan ng pagkaway at nagpatuloy na sa kaniya-kaniyang ginagawa.

Tumango si Marco. "Since we were kids. Our parents were close." umubo siya at kinuha ang tubig sa gilid. "Oo nga pala. Sorry dahil pinaghinalaan ko kayo ni Riguel. That's surely awkward for the both of you"

"Of course it is! Imagine, Amalia Corentine Alejandrino Alejandrino? That's super gross!" umarte akong nanginginig.

He chuckled, swiftly leaning his body on the table to wipe the sides of my lips gently kaya bigla akong napatigil sa pag-iinarte. "Kaya nga apelyido ko nalang ang angkinin mo."

Hindi ko alam kung ano ang una kong lalaitin kaya I remained stiff at alam kong mababakas ang gulat sa aking mga mata.

Tinabig ko ang kamay niya papalayo pagkatapos ng ilang segundo. "You're so cheesy." umirap ako. "Walang dumi sa bibig ko. Para-paraan pa." Alam kong wala naman talagang dapat pahidan dahil I always make sure na everytime I eat, it will be gracefull and elegant. AND NEAT.

A Voyage Towards the HorizonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon