AMALIA
Maaga akong pumunta sa bahay nila Nanang Vima ngayon para makapag-relax naman ng konti ang utak ko.
Tumulong ako sa pagprepare ng agahan at ako na rin ang nagpresinta na maghugas ng plato dahil aalis pa silang lahat para magtrabaho. Nilinis ko ang loob ng bahay pati na rin ang bakuran dahil ginaganahan akong gumawa ng mga gawaing bahay ngayon.
Pagsapit ng hapon ay naunang dumating si Nanang Vima galing pa sa mansyon ng mga Santocildes. Agad naman siyang nagtungo sa kusina para magluto ng hapunan namin.
Pagsapit ng alas sais, dumating na rin sina Tatang at Ising na naligo kaagad. Madudungis kasi sila dahil galing pa sa bukid.
"Did you prepare our dinner for tonight?" pagpapakitang gilas ni Isidro kaya natawa kaming dalawa habang nasa hapag.
"I did not. Si Nanang ang nagluto niyan." masigla akong kumain dahil pakiramdam ko nasa isang kumpletong pamilya ako. "Nag-improve ka a?"
"Syempre naman. Nag-aral kaya ako kahit wala ka. Para pagdating ng Sabado, hindi ka na mahirapan." nag-wink siya sakin. Sus. Marunong na siya niyan.
Napuno ng tawanan at kasiyahan ang hapunan namin at pagkatapos ay naiwan kami ni Ising para magligpit.
"Alam mo Ising, ligawan mo na si Thelma. Galaw-galaw din naman." tumawa ako habang nagpupunas ng mesa. "Ikaw ang lalaki, kaya dapat ikaw ang magfirst move."
Nilingon naman ako ni Ising na naghuhugas ng mga pinggan. "Pano ba manligaw?"
Napahawak ako bigla sa dibdib ko at eskahaderang napasinghap. "OMG! You're so matanda na and you don't know how to make ligaw-ligaw?" maarteng sabi ko. "Well, sa amin sa chat na lang nagliligawan." lumabi ako at pinagpatuloy ang pagpupunas.
"Chat? Ano 'yon?"
Iniwasiwas ko ang dalawang kamay sa ere nang ma-realize ang sinabi. "Don't mind that. I think nanghaharana 'yong mga guys. Nagbibigay ng mga bulaklak, chocolates, love letters. Mga cheesy things, ganon. Like ew."
"Ayaw mo non?" lumapit sa akin si Ising habang nagpupunas na ng kamay.
"Of course. That's too cliche. And too girly for me." umirap ako sa ere. Umupo naman si Ising sa mesa, kaharap ko. "But I think T will like that."
"Any advice?" ngumisi sa akin ang lalaki at ipinatong ang baba sa pinagsalikop na kamay.
"Just be yourself." too common. "Tell her that you love her in different languages na alam mo. Bumanat ka sa mga times na hindi niya ine-expect. Catch her off guard. Make her feel na she's loved and special. Make her feel beautiful kahit haggard siya." tumango-tango ako. "You know? Simple things like that."
Pinaglaruan naman ni Ising ang pang-ibabang labi at umaktong nag-iisip.
Bigla naman akong napangisi nang may pumasok na idea sa utak ko. "You can start your conversation with 'Baby let's talk'. Ginamit yan ng jboys, maraming kinilig. Gawin mong husky yung boses mo. Bedroom voice ba. Paigtingin mo din 'yong panga mo. Ahhh patingin nga ng kamay mo."
Nalilito namang inilahad ni Ising ang dalawang kamay sa harap ko. Nagsilitawan naman kaagad ang mga sexy veins niya sa kamay. Good.
"Ahh maugat. Sige pwede na 'yan." napangiti ako sa nakita. "Gayahin mo kaya 'yong mga common scenes sa books. 'Yong magkakabanggaan kayo or ita-trap mo siya sa isang corner. Kaso 'wag na lang pala dahil baka masuntok ka pa ni Thelma. Gosh."
BINABASA MO ANG
A Voyage Towards the Horizon
Fantasy• C O M P L E T E D • Amalia just found herself back in 1969 with a self-proclaimed mission to rewrite her grandparents' lovestory but on the process, she fell in love with her grandma's first love. "You are the sky and I am the sea. And the horizo...